Chapter 41:
Napabalikwas ako ng bangon ng makita ko ang orasan na 1:30 pm na.
Oh boy! Tanghali na!
Agad akong bumangon at inayos ang higaan at saka naligo.
Pagkababa ko, wala akong naririnig na ingay na nanggagaling sa sala.
Nasaan kaya ang mga kasambahay dito?
"MAMAY! HINDI AKO ANG AMA NG PINAGBUBUNTIS NI ANDREA! HOW MANY TIMES TO TELL ALL OF YOU NA HINDI AKO ANG AMA! HINDI AKO ANG ASAWA NIYA! DISGRASYADA SIYA!" napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang galit sa boses ni tyrone na nanggagaling sa dining area.
"Imposible?! Kinasal kayo and then sa sasabihin mo sakin hindi ikaw ang ama?! Nasaan ba ang kokote mo?" rinig kong sabi ng lola ni tyrone.
"PINAKASALAN KO SIYA DAHIL SA PERA NA MAAARING MAKUHA KO MULA SA INYO!! ARE YOU HAPPY NOW?!" Rinig ko pang sabi ni tyrone.
Agad tumulo ang luha ko sa mga narinig ko. Ang sakit naman! Ginamit lang ako para sa pera.
"At bakit naman ako magmamahal ng isang babaeng disgrasyada? Fake marrige lang ang naganap. That's it. And si allison ang gusto kong mapangasawa." rinig ko pang sabi niya.
Sunod-sunod ng tumulo ang mga luha ko. Ayoko na! Hindi ko na kaya pang marinig ang mga sasabihin niya!
Dahan-dahan akong umakyat sa kwarto ko at nagkulong.
Ngayon alam ko na ang totoo. Ginamit niya lang ako para sa pera na makukuha niya sa lola niya! Ganun na ba siya kamukhang pera para manggamit ng ibang tao! Ganyan ba talaga ang mga mayayaman? Hindi pa ba sapat ang pera nila at gusto pa nilang manggamit.
Masyado akong umasa sa mga pinapakita niya, sa pagbibigay niya ng kung ano-ano sakin. Ang pagiging sweet niya sakin. Lahat pala iyon ay pakitang-tao lang! Ang sakit putangina! Ang sakit kasi akala ko may patutunguhan ang pagiging sweet at mabait niya sakin. Pero, ginamit lang pala ako!
Ang akala ko, OK NA! Akala ko tanggap na niya ang pagbubuntis ko pero hindi! Pinapamukha niya pa rin niya sakin na isa akong disgrasyada!
Tinanggal ko ang kwintas na nasa leeg ko, ang sabi niya ingatan ko daw ito. Pero hindi ko na kaya pang magpaloko sa pagpapakitang tao niya.
Tumayo ako at kinuha sa drawer yung diamond na necklace. Napaiyak na naman ako, ito ang kauna-unahang binigay niya sakin. Pero ngayon kailangan ko ng ibalik ang lahat na ibinigay niya!
Galit ang nararamdaman ko! Siguro ito na nga ang sinasabing KARMA sakin. Wala nga sigurong magseseryoso sakin.
Kinuha ko ang maleta ko at iniligay ang lahat kong damit doon. Nang mailagay ko na ay umupo ako sa kama, mukhang may masakit na hindi ko maintindihan.
Napahawak ako sa tyan ko. Humihilab siya at habang tumatagal ay sumasakit lalo.
"AHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!" napasigaw na ako sa sakit. Napahawak ako sa may hita ko. Dugo! Dugo ang nakikita ko.
"AHHHHHHHHHH!!!!" Napaiyak na ako sa sakit.
TYRONE P.O.V
Inis na umakyat ako sa taas. Ayoko makipagtalo kay mamay dahil hindi niya tanggap si Allison. Bakit ba ayaw nila kay allison?
"AHHHHHHHHHHHHHH!!!!!" napahinto ako sa tapat ng kwarto ni andrea ng marinig ko ang sigaw niya.
"AHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!" sigaw niya ulit. Kinabahan naman ako bigla. Ano kaya nangyayari sa kanya?
Kinatok ko nang malakas yung pinto.
"ANDREA?!" tawag ko kaso hindi siya sumasagot kaya mas lalo akong kinabahan.
"H-help me!!" rinig kong sabi niya.
Agad naman akong nanginig sa kaba.
"Tol, anong nangyayari?" rinig kong sabi ni rage na nasa likuran ko.
"Si a-andrea." wala sa sariling sabi ko.
Hindi na nagatubili si rage at tinadyakan ng buong lakas ang pinto. Agad namang nasira, at naabutan namin si andrea na duguan na walang malay.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto umiyak pero nanginigbabaw yung takot ko.
Agad akong tumakbo papunta kay andrea at binuhat siya papuntang kotse at nagmaneho ng mabilis papunta sa pinakamalapit ng hospital.
Tumingin ako kay andrea na nasa passenger seat, maraming dugo na ang nasasayang at lumalabas sa hita niya.
"Wag kang mag-alala andrea. Ligtas kayo ni baby." sabi ko sa walang malay na si andrea.
At saka nagmaneho ng pagkabilis-bilis.
******
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...