Chapter 35:
"Grabe ate kim. Ang sarap ng pagkain don! Unbelieveable! ibang iba sa mga kinakain namin." sabi na naman ni kian.
Kanina pa sinasabi ni kian ang katagang yan mula ng umalis kami sa karinderya.
Nandito kami sa labas ng cr ng mga lalaki sa mall. Aahaha!! Na-tae kasi si tyrone pagkatapos namin kumain. Paano ba naman kasi, naka-apat na kanin siya kanina at halos bilhin na niya lahat ng afritada sa karinderya. At take note, kahit sarsa kanina ayaw niya tantanan.
"Ang tagal naman ng tito mo tumae." naiinip na sabi ko kay kian.
"Baka matigas yung poo poo niya." sabi ni kian na kinatawa ko.
Lumabas na si tyrone na pawisan.
"Ok ka lang?" nag-aalalang tanong kay tyrone kahit na gusto ko ng tumawa sa itsura niya.
"Yeah. I'm fine thanks." sabi niya at nagpunas ng pawis niya.
"Masakit ba pwet mo tito?" inosenteng tanong ni kian.
Gusto ko sanang tumawa ng malakas sa tanong ni kian. Kaso, baka magsungit na naman kaya kinagat ko na lang yung labi ko.
Masamang tumingin si tyrone kay kian. Kaso, itong si kian ay parang wala lang ang titig na iyon.
"Let's go." sabi ni tyrone at naunang naglakad samin.
Tumingin ako kay kian na nakangiti ng nakakaloko.
"Ikaw kasi kian e. Inasar mo pa." mahinang sabi ko kay kian.
"What? Hindi ko inasar si tito. I was just concern lang naman sa pwet niya." mahinang sabi niya sakin na kinatawa ko ng mahina.
Dumiretso kami sa Department store. Hindi ko alam kung ano ang gagawin dito. Sinundan lang kasi namin si tyrone na lumapit sa isang sales lady at may sinabi na hindi ko naman narinig na ikinatango naman ng sales lady sa sinabi ni tyrone.
Bumitaw sakin si kian, dumiretso siya sa isang damitan na panlalaki na kasya sa kanya. Kumuha lang siya ng magugustuhan niyang damit at ibinigay sa sales lady na sampung hanger na ang hawak.
"Andrea!!" napalingon ako kay tyrone na kumakaway sakin para palapitin ako sa kanya.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Tumalikod ka." sabi niya at tumalikod ako.
Hinawi niya yung buhok ko at dahan-dahang isinuot niya sakin ang kwintas na may puso.
Nang makabit na niya ay hinarap niya ako sa kanya.
"Ingatan mo yan ah! Second gift ko yan!" sabi niya na ikatubig ng mga mata ko.
"Oh, bakit ka umiiyak?" Sabi niya at pinunasan yung luha ko na tumulo.
"Tears of joy lang. Thank you tyrone." Sabi ko at niyakap ko siya.
"WHAT'S THE MEANING OF THIS?!!!" Napakalas ako sa yakap ni tyrone ng may sumigaw na malakas samin.
Nilingon ko kung sino.
Isang babae na mukhang modelo, matangkad na pero nakaheels pa. Naka-dress na fit na kulay pula at malalaki ang pagkakulot ng blonde at napakagandang mukha.
"ALLISON?!" tawag ni tyrone
"Oo ako nga, tyrone! At sino yang babae na kasama mo?!" malditang tanong ng babae kay tyrone.
"She's my f-friend. A childhood friend. Andrea Sanchez." pagpapakilala sakin ni tyrone.
Napayuko na lang ako sa pagpapakilala sakin ni tyrone.
Kaibigan ka lang andrea, wag assuming!
"A friend? Oh, nice to meet you andrea. By the way, I'm Allison Rhea Lacson. Tyrone's girlfriend."nakangiting pagpapakilala niya sakin at nakipag-shake hands.
Hindi ko maunawaan pero ang bigat ng loob ko sa babaeng 'to. Sa kabila nang mga ngiti niyang parang anghel parang may tinatagong kasamaan sa likod ng mga ngiti nito.
Ngumiti na lang ako ng mapakla sa kanya.
*******
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...