Chapter 6
Nang makaalis si rage dito sa condo, hindi pa rin ma-sink in sa utak ko ang lahat.
Alam kong kilala nila ang pamilyang sanchez dahil kami ang pangalawang bilyonaryo. Magkaaway ang pamilya nila at ang pamilya ko.
Pero bakit ang bait ng trato sa akin ni rage?
Diba dapat, itakwil niya ako dito dahil kalaban namin sila sa negosyo?
Pero bakit hindi niya ginagawa?
Ang sabi ni mommy, masasama daw ang pamilya ng mga SY. Pero bakit parang hindi naman.
Kung tutuusin sila pa ang tumutulong sa akin!
Madalas ko na makita ang litrato sa magazine ang dalawang ito lalo na ang masungit na tyrone na 'yon. Si tyrone ay tagapag-mana ng kayamanan ng buong angkan nila, dahil siya ang kauna- unahang apo nina Mr. Andy Sy at ni Mrs. Danica Salazar-Sy. Ang kanilang mga magulang ay sina Mr.& Mrs. Ezekiel Sy. Ang pangalawang tagapagmana naman ay si Rage Sy. Kilala ang pamilyang Sy na magaling, mahusay, at tagumpay na nagosyante sa buong mundo. Kaya ganun na lang ang galit ng pamilya ko sa kanila.
"YOU STILL HERE !!!"
Muntik na ako mahulog sa hagdan ng biglang sumigaw ang hinayupak na tyrone na 'to. Buti na lang napahawak ako.
Akala ko ba mamaya pa ang dating ng tukmol na'to.
Lumingon ako sa kanya at may dalawang haliparot sa kabilang gilid niya.
"Ahm... A-akyat lang ako sa taas. K-kunin ko lang yung gamit ko." sabi ko sa kanya
"GET OUT!! NOW!!!!" sigaw niya ng paakyat na ulit ako sa taas, pero hindi ko iyon pinansin at ipagpapatuloy ko na sana ang paghakbang patungo sa kwarto niya ng maramdaman ko ang higpit ng hawak niya sa braso ko.
"Did you hear me? I said OUT!!!" Sabi niya at hinila ako pababa ng hagdan. Naaamoy ko na naman ang pamilyar niyang pabango.
"ARAY!!! ANO BA?! TYRONE NASASAKTAN AKO!!!" Sigaw ko sa kanya pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak niya sa braso ko at kulang na lang ay umabot ang higpit na 'yon sa buto ko.
"I.Don't.care." sabi niya at binuksan ang pintuan at inihagis ako palabas.
Hinimas ko yung hinawakan niyang parte sa braso ko.
Ang sakit nun ah!
"DON'T COME BACK AGAIN!!!" Sigaw niya at binalibag niya ang pagsara sa pintuan na kulang na lang ay tumagos iyon palabas.
Tumingin ako sa paligid ko. Wala siyang kasamang ibang units siya lang ang nakatira sa last floor at ang tanging elevator sa may dulo at glass window.
Naglakad ako papunta sa glass window, at halos mamangha ako sa nasisilayan ko.
Ang ganda ng view! Peaceful at stress out! Kitang-kita mo ang buong makati, mga malalaking building at mga sasakyan na kung saan-saan papunta. Maganda ang araw, ano pa kaya kung gabi na? Mas lalong gaganda dahil sa lights and stars.
"Andrea?" napalingon ako sa tumawag. Kilala ko kung kaninong galing ang boses na 'yon.
"Rage. Ang bilis mo naman ata." sabi ko sa kanya at tinignan ang daladala niyang supot na may laman ng iba't ibang klaseng..... TUYO!
"What are you doing here?" tanong niya sa akin. Pero hindi ko sinagot ang tanong niya.
Bagkus ako dapat ang magtanong sa kanya....
"Bakit ka bumili ng tuyo?" tanong ko sa kanya.
Tumingin naman siya sa hawak-hawak niyang plastik na may lamang tuyo.
"E, diba gusto mo ng tuyo." sabi niya at ngumiti sa akin. Mygoodness! Ang gwapo talaga ng lalaking 'to.
"Ayy! G-ganun ba?" nahihiyang sabi ko at kinuha ko ang dala-dala niyang plastik.
"Salamat ah! Saan ka bumili nito?" nakangiting saad ko sa kanya.
"Sa balintawak." sagot niya agad.
Halos malaglag ang panga ko sa sinagot niya.
Balintawak to makati. Jusme! Ang layo ng narating niya para lang bumili ng tuyo.
"So, tara na! Pasok ns tayo sa loob." sabi niya at hinawakan yung kamay ko. Oh men! I feel spark parang may butterfly sa tyan ko. Naku! Baby wag kang kiligin dyan.
Hinila ko yung kamay ko sa kanya, naalala ko kasing may dragon sa loob. Baka magbuga na 'yon ng apoy kapag nakita ulit ako nun!
"Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"May dragon sa loob." sabi ko na ikinatawa niya.
"Dragon?" ulit niya at tumawa ulit.
Tumango naman ako.
Natutulala talaga ako pagtumatawa ang isang Rage Sy sa harapan ko. Hindi ko na makita ang mga mata niya at ang gwapong tawa na lang niya ang naririnig ko at nakikita.
At gustong-gusto ko siya titigan sa ganoong klaseng paraan.
Hay naku! Rage Sy, ano ba ang ginawa mo sakin?
*****
Thanks for reading!
DEINLICIOUS
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...