Chapter 3

190K 3.2K 465
                                    

Chapter 3


Napatigil ako sa pag-iyak nang may pumasok sa loob.


"Buti naman nagising kana." masungit na sabi nito.


Pinunasan ko agad yung luha sa gilid ng mata ko.


"Ahm, pasensya na. Sala----


"Lumabas kana sa kwarto ko." putol niya sa sasabihin ko.


Bumaba na ako sa kama at aayusin sana yung pinaghigaan ko, pero....


"Ang sabi ko lumabas kana. Hindi ko sinabi na ayusin mo yan. Out!" hiyaw nito.


Napipikon na rin ako sa lalaking 'to. Kung hindi niya lang ako tinulungan baka masapak ko na siya.


"P-pero kailangan ko a----


"I SAID OUT!". Sigaw nito at tinuro yung pinto.


Aba't tarantado rin 'to e.


"Hoy! Mr. Antipatiko! Hindi ako aso para utusan mo! At isa pa, hindi ko sinabi na dalhin mo ako dito. E di sana hinayaan mo na lang ako sa parking lot. Hindi ko kailangan ng tulong mo!" hasik ko sa kanya.


Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa at tumigil ang tingin niya sa mga mata ko. Aminin ko man sa sarili ko o hindi pero parang hinihigop ako ng mga titig niya. Gwapo siya aminado ako at perpekto ang pagkakagawa sa kanya.



Pero pamilyar sa akin ang kulay asul niyang mga mata?


"What did you say? Ikaw tinulungan ko? Nananaginip ka ba miss? Dinala ka lang dito ng magaling ko kapatid." seryosong sabi nito.


"K-kapatid mo?" nauutal na sabi ko. Oh shocks! Nakakahiya!


"Yes!, and get out in my room. NOW!" sigaw nito.

Agad-agad naman akong lumabas ng silid niya, may mens ata ang lalaking yun. Ang aga-aga ang sungit.


"Hi!" Nanginginig pa ang tuhod ko nang marinig kong may bumati sa akin.


Ngiti lang ang binati ko sa kanya. Ano ba kinikilig ako? Umaatake ang kalandian ko.


Mala-mario maurer ang mukha ng magkapatid na 'to.


"Are you ok?" tanong nito.


"Y-yes I'm fine." nahihiyang sabi ko.


"By the way, thank you nga pala sa paghatid sakin dito. Pero dapat hindi mo na lang ako dinala dito. Ang sungit kasi ng kapatid mo sa taas." wika ko sa kanya.


"No problem. At huwag mong problemahin ang antipatikong yun. Masakit lang kasi puson nun." sabi niya at tumawa.


Masakit ang puson? Ano yun? May menstruation siya. Hala!


"Ah ok." na sabi ko na lang. Hindi ko kasi gets yung sinabi niya.


"Oo nga pala, saan ka nakatira? Para maihatid na kita." sabi niya.


Napayuko ako.

"Wala akong tirahan." malungkot na sabi ko.


"Oww! Ahm.. Sorry. E, saan ka niyan matutulog?" malungkot na tanong niya.


"Pinalayas kasi ako sa amin. Oo nga pala may alam kang trabaho? Kahit ano wag lang yung mag bebenta ng katawan." pag-iiba ko ng usapan.


Napahawak siya sa baba niya at nag iisip.


"Ahm... Yes. Meron akong alam, marami. Janitress, maid, personal maid, secretary, encoder, call center. Ano ba ang kaya mo?" tanong niya.


Nabuhayan naman ako sa sinabi.


"Pwede bang secretary?" tanong ko.


"Oo naman. Doon nga lang sa... Ow! There he is." sabi niya at tumingin sa lalaking naka-attire.



Naamoy ko na naman yung pabango niya. Pamilyar na pabango talaga pero hindi ko alam kung saan ko naamoy.


"Andito pa rin yan?" masungit na sabi niya.


Mas lalo talaga siyang guma-gwapo pag nagsusungit.


"Kailangan niya kasi ng trabaho bro. Diba naghahanap ka ng personal secretary? Ayan baka pwede siya." tuloy tuloy na paliwanag niya. Hindi ko alam kung ano ang pangalan niya.


Tumingin na naman siya sa mga mata ko. At parang hinihigop ako nang mga titig niya.


"No. I don't want her to be my personal secretary. I want her to be my temporary wife."


******


Thanks for reading...

DEINLICIOUS

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon