Chapter 5

177K 2.9K 296
                                    


Chapter 5


Dumating na ang order ni rage. Pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang kakainin ko dahil sandamakmak na pizza, french fries, lasagna, at carbonara. Mukhang bibitayin na kaming dalawa nito.


"Let's eat." Aya niya at kumuha ng isang box na carbonara.


Tumingin lang ako sa kanya.


Nakaka-turn on ang lalaking 'to. Gwapong matakaw.


"Wag mo nga ako tignan." iritang sabi nito at hinigop yung noodles.


Ibinaling ko yung tingin ko sa mga pagkain at kumuha ako ng isang slice ng pizza pero nang maamoy ko ito ay napatakbo na naman ako sa banyo.


"Achk! Achk!"


Oh baby! Ayaw mo pala ng pizza. Sorry.



"Hey! Ok ka lang?" nanlamig ako sa biglang pagsunod ni rage. Hinimas niya ang likod ko para sa pampakalma.


"Yeah, ok lang ako. Salamat." sabi ko at nagmumog ng tubig at saka lumabas ng banyo.


"Daig mo pa ang buntis sa inaasal mo ngayon." sabi niya at dumiretso siya sa kusina at kumuha ng tubig.


Kumuha na lang ako ng french fries at kinain iyon. Inabot naman niya sa akin yung tubig.


"Wag mo na lang kainin yung pizza ha, mukhang hindi mo gusto." sabi niya at itinuloy niya ang pagkain ng carbonara.


Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa lalaking 'to. Ang akala ko sa pamilyang Sy ay matapobre at mapang-mataas lahat ng negative attitudes na pwede ko ibigay ay nasabi ko sa kanila noon. Pero mali pala ako, napangunahan ako ng sabi-sabi ng iba kesa sa totoong sila. Kilala ko ang buong pamilya niya, sila ang unang bilyonaryo sa buong mundo at ang sanchez na pamilya ko ay pangalawa lamang.


Pero, gusto ko talaga ng tuyong isda.


"Ahm, may dry fish ba kayo?" nahihiyang tanong ko.


Bigla naman siyang napa-ubo sa tanong ko.


"*cough* d-dry fish?" ulit niya.


Tumango naman ako bilang sagot.


"Wala kaming ganun." sabi niya. Tumango na lang ako.


Paano na 'yan? Walang tuyo.


Rage P.O.V


Natutuwa ako sa babaeng kaharap ko ngayon. Naghahanap siya ng dry fish pero wala naman talaga kaming ganun dito.


Sa totoo lang, naaawa ako sa babaeng 'to. Sa kabila ng ganda niya ay wala pala siyang tirahan at pamilya. Pero, pamilyar talaga sa akin ang babaeng 'to. Minsan na silang magkasama ng kuya ko. Pero ito namang si tyrone ay mainit ang ulo sa kanya. Sa totoo lang, walang kasalanan ang babaeng ito sa kasungitan na nagaganap, kasalanan ko iyon dahil hindi niya nagawa ang ritwal niya.


Flashback...


Dito ko dinala ang babaeng nakita ko sa parking lot sa condo ni tyrone. Malayo kasi ang condo na tinitirahan ko, sa may roosevelt pa iyon at sa makati naman si tyrone. Tutal malapit lang naman sa kompanya ko ang condo ni tyrone kaya dito ko na dinala ang babae.


"Ah! Faster ty! " dinig ko ang ungol ng babae galing sa kwarto ni tyrone. Binuhat ko ang babae na parang bagong kasal at saka dumiretso sa kwarto ni tyrone kung saan may nagaganap na milagro.


Pagkadating ko sa tapat ng pinto ay tinadyakan ko ng buong lakas.


Boogsh! Blaggg!!


"AHHHHHH!!!"

"FUCK!!!


Nahulog ang dalawa sa kama.


"Doon niyo na lang ituloy sa sala." sabi ko at inilapag ng dahan dahan yung babae. Grabe ang babaeng ito, masyadong tulog mantika buti na lang kinuha ko siya doon dahil kung hindi na-rape na ito na walang kaalam-alam.


"Fuck you Rage!" sigaw sa akin ni tyrone at agad-agad na tinakpan yung ibabang bahagi niya, hindi man lang niya inintindi ang babaeng nandoon sa sulok na hubo't hubad na walang takip.


Hindi ko pinansin ang mura ni tyrone sa akin, bagkus tumalikod ako at kumuha sa kabinet ng bathrobe at inihagis iyon sa babaeng na nasa sulok.


Inilapag ko sa couch ang bag ng babaeng stranger.


"Hoy! Suotan mo yang babaeng nakahiga nitong pajama." sabi ko sa babaeng katalik ni tyrone at inihagis sa kanya yung pajama ni tyrone.


Lumabas na ako ng kwarto at sumunod naman si tyrone na naka-bathrobe na itim.


"Who is she?" tanong nito.


"Ewan ko. Nakita ko lang yan sa parking lot natutulog sa tabi ng kotse ko." sabi ko sa kanya at umupo sa sala.


"What?! Bakit mo dinala sa condo ko yang babaeng 'yan?! Di mo ba alam na baka mamatay tao yan!" exaggerated na sabi nito.


Tumawa ako ng buong lakas.


"HAHAHAHA!! Sa laki ng katawan mong yan, hahayaan mo lang na patayin ka ng isang babae. You know what, you waste my time. I have to go. I need to sleep. I am so damn tired" sabi ko sa kanya at lumabas na ng condo niya pero narinig ko pa ang boses niya...


"DAMN YOU RAGE SY! YOU PAY FOR THIS!!! I SWEAR!!!"


Pero ngumiti lang ako.


End of flashback....


Kaya walang kasalanan ang babae sa kasalanan ko. Siya tuloy napagbubuntungan ng kasungitan ng kapatid ko.


"Aalis muna ako." paalam ko sa babaeng kain ng kain ng french fries. Ang ganda talaga nito!


Bumaling naman sa akin ang tingin niya.


"Ha? Iiwan mo ako? Naku! Baka dumating yung masungit na 'yon." pangambang sabi niya.


Napangiti ako sa sinabi niya.


"Hindi yun darating, mamaya pa 'yon ng 11 pm uuwi. Kaya dito ka lang mu.... Ano nga pala pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Muntik ko pang makalimutan dahil sa kakakain ko ng carbonara.

Damn, I am inlove with carbonara.


"Andrea Sanchez." Ngumiti ako sa kanya pagkarinig ko ng pangalan niya.


"Dyan ka lang andrea may bibilhin lang ako. Pero babalik din ako kaagad." sabi ko at ginulo ang buhok niya bago lumabas na ng condo.


Pagkasakay ko sa loob ng kotse ay nag-isip muna ako kung saan ako makakabili ng dry fish.






*****


Thanks for reading!

DEINLICIOUS

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon