Chapter 78

105K 1.4K 176
                                    


Lalo akong naguluhan sa huling sinabi niya bago siya lumabas ng kwarto.

"Ginagawa ko 'to kasi mahal kita."

"Ginagawa ko 'to kasi mahal kita."

"Ginagawa ko 'to kasi mahal kita."

"ARGH!" sigaw ko habang sinasabunutan ang sarili ko. Kung may nakakakita lang sa akin baka isipin ay baliw ako.

Siguro nga baliw na ako.

Gulong-gulo na ang isip ko sa mga nangyayari at mas lalo akong naguguluhan sa huling katagang binitawan ni tyrone.

"Mababaliw ako sayo, tyrone."













Ilang araw na naman ang lumipas mula ng ma-windang ako sa sinabi ni tyrone. Oo isang salita lamang iyon pero hanggang ngayon hindi mawala sa isipan ko.

Ilang araw na rin mula ng itapon at hindi ko pansinin ang mga pagkain na dinadala sa akin. Mukhang nagsawa na silang dalhan ako dito.

Kung hindi napapanis ay nilalanggam na lang.

Maaga akong nagising ngayon dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Noong mga nakaraang araw ay tanghali o kaya hapon na ako nagigising. Idinadaan ko sa tulog ang pagkayamot ko sa nangyari. Pero ngayon, iba ngayon dahil ala-sais pa lang umaga ay gising na ako.

Tinupi ko ang pinaghigaan ko at saka pumasok sa banyo para maligo.

Lumabas ako ng kwarto, para akong naninibago sa paligid ko dahil ngayon pa lang ako lumabas mula sa apat na sulok ng kwartong kinaroroonan ko.

Pero mas nakakapanibago ng wala akong marinig maski tunog ng butiki sa buong masyon. Wala akong nakikita naglalakad na kasambahay sa hallway o kaya nagwawalis sa hagdanan.

"Nasaan sila?" Tanong ko sa sarili ko.

Bumaba ako at tinungo ang kusina pagkakita ko pa lang sa ref ay natakam ako agad. Binuksan ko ito at bumungad sakin ang mga karneng hilaw at gulay. Punong-puno ang ref na wala pa atang nakakabawas sa laman nito.

Napatingin ako sa isang karton sa loob ng ref.

"Pizza?" Nagtatakang tanong ko na naman.

Binuksan ko ito at wala pa itong bawas kahit isa. Mas lalo akong natakam ng makita ko ang toppings.

Ininit ko ito agad at nagtimpla ako ng juice. Pumunta ako sa dining area at doon ko nilantakan ang pizza.

"Ahem!" Halos madura ko ang kinain ko ng marinig kong may nagtikhim sa likod ko.

Dahan-dahan akong lumingon at nakatayo ang isang lalaking naka suot ng cargo short at fitted na v-neck white shirt. Nakapamulasa ito at maayos ang buhok na mas kinagwapo niya.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng mag tama ang paningin naming dalawa.

"Tyrone?"

"Finally, you stepped outside from your room." Sabi nito naupo sa gilid ko.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaupo siya.

Mas lalo kong naamoy ang pabango niya.

"Hey, I'm yours, don't starring me like that."

Bigla akong natauhan kaya inalis ko ang tingin ko sa kanya. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

"You look beautiful when you are blushing." Rinig ko sabi nito at nagulat ako ng pisilin niya ang kaliwang pisngi ko.

"Ano ba?!" Inis na kabig ko sa kamay niya.

Narinig kong natawa siya sa pangpipikon niya niya sakin.

"Anong nakakatawa?" Inis na tanong ko sa kanya. Gusto ko mang mainis sa pagtawa niya ay hindi ko magawa, ang gwapo niya kasi.

"Wala."

Tumayo na ako sa kinauupuan ko.

"Wala na akong gana." Masungit na sabi ko.

"Dahil ba sa kagwapuhan ko kaya ka nawalan ng gana o dahil gwapo talaga ako kaya wala kang gana, alin don?"

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang tinira nito bakit ang hangin niya ngayon?

"Ano bang tinira mo ha? Kung asarin mo ako parang okay na tayo?" Nababanas na wika ko sa kanya.

Napahawak siya sa baba niya at mukhang nagiisip.

"Ano nga ba ang tinira ko? Sa pagkakaalam ko ikaw lang tinira ko, nagbunga pa nga e." Humalakhak siya ng pagkalakas-lakas na kinairita at kinainit ng mukha ko.

"Abnormal." Sabi ko at naglakad na palabas ng kusina pero ramdam ko ang pagsunod niya.

"Hindi pa ba tayo okay?" Maamong tanong nito sakin.

Kumunot na naman ang noo ko sa tanong niya anong akala niya? Okay na kami?

"HINDI!" Naiiritang sagot ko.

"Edi tirahin kita para maging okay tayo."

Nangapal ang tenga ko sa sinabi niya kasabay nito ang pagpula ng mukha ko.

"Gago!" Sigaw ko sa kanya at umakyat.

"Hey, joke lang!" Rinig ko sigaw niya mula sa baba.

"Adik!"

"Nagbibiro lang ako."

"Manyakis!"

Sigaw ko at binalibag ang pintuan ng kwarto ko.

.....

Thanks for reading!

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon