Chapter 91

103K 1.3K 83
                                    

Chapter 91

LAKAD-TAKBO ang ginawa ko mula nang sabihin ni tito na gising na si tyrone. Tinatawag ako nang nurse sa may blood laboratory kung saan ako nag donate para kay tyrone, pero hindi ko ito pinansin.

Huminto ako sa may elevator pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana dahil ang tagal magbukas nito.

"Arghh!" Naiiritang hiyaw ko.

Pumasok ako sa fire exit kung saan nandoon ang hagdan.

Dali-dali kong itinakbo patungong fifth floor.

Hindi ko ininda ang pagod at hingal ko dulot ng dire-diretso kong pag-akyat. Bagkus ay labis ang sayang nararamdaman ko nang malamang gising na si tyrone.

Bigla ako napahinto sa tapat ng pinto nang kwarto ni tyrone. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Pumasok ka na. Inaantay ka nila."

Napalingon ako sa nagsalita.

"Mitzy?"

Ngumiti siya sa akin.


"Sana sa pagkakataon na 'to. Tama na yung desisyon mo." Wika nito.


Lumapit ako dito at niyakap ko siya nang mahigpit.


Paano ko nagawang kalimutan ang kaibigan ko noon na halos kapatid ko na?


"Sorry sa lahat, mitzy. Sorry dahil nakalimutan ko ang kaibigan ko noon. Sorry dahil hindi ko natupad yung pangako ko sayo na babalikan kita. Sorry sa lahat mitzy. I'm so sorry, my sister." Kahit umiiyak ako hindi ko mapigilan na hindi ngumiti nang maalala ko ang tawagan namin noong mga bata pa lang kami.


Narinig ko ang kanyang paghikbi.


"M-matagal ko ito pinangarap. Y-ung maalala m-mo u-ulit a-ako." Umiiyak na tugon nito.


Mas lalo ko siyang yinakap ng mahigpit.


"Sorry." Nasambit ko na lang habang pareho kaming umiiyak.


Pareho kaming kumalas sa isa't isa at nagkatawanan dahil sa itsura nang mga mukha namin.


Kaso, biglang naglaho ang kanyang ngiti nang may tiningnan siya sa likuran ko. Nilingon ko kung sino.


Si rage at si kian!


"KIAN!"


"ATE KIM!!"


Dali-daling akong naglakad patungo dito at niyakap ng mahigpit.


Miss na miss ko ang batang ito. Matagal din itong nawala.


"Ang tagal mo nawala, kian. Miss na miss ka na ni ate kim." Nakangiting wika ko.


"Galing ako kay mama, ate kim. Miss na miss din po kita." Nakangiting tugon naman nito at niyakap pa ako sa leeg ng mahigpit.


Napatingin ako kay rage na tahimik lang.


Kumalas ng pagkakayakap sa akin si kian at pumunta naman ito kay mitzy at nagyakap silang dalawa. Ako naman ay lumapit kay rage na walang imik.


"Rage?" Tawag ko sa pansin nito.


"Bakit?"


"May problema ba? Ang tahimik mo kasi e" Tanong ko dito.


Wala akong narinig na tugon mula sa kanya.


"Dahil ba sa ina ni kian." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy. Kilala ko na ang taong ito.


"Hindi ko alam kung paano ko patatawarin ang babaeng 'yon." Inis na wika nito.


Tahimik lang ako nakatingin sa kanya habang nakikinig.


"Matapos ang lahat ng pangga-gago niya sa akin ay nagmamakaawa siya na balikan ko! Ang sabi pa niya ay gusto niyang buong ang pamilya namin, kahit sa simula't sapol siya na ang sumira! Ang hindi ko lang matanggap, ipagpapalit na lang ako. Doon pa sa lalaking puro porma lang ang alam! Tangina niya!" Gusto ko matakot sa itsura ngayon ni rage. Hindi ako sanay na ganito siya.


Masanay ako sa masiyahin at palabirong rage.


Pero ngayon, hindi siya ang rage na masiyahin at palabirong tao. Dahil sa nakikita ko ngayon, nag aalab sa galit ang kanyang mga mata. Habang ang kanyang emosyon ay nagdidilim na dulot sa matinding galit.


Hinawakan ko ito sa balikat para kahit papaano ay kumalma siya.


"Rage. Alam mo lahat ng tao ay nagkakamali. Wala namang perpekto sa mundo. Lahat deserve ang second chance kung nagsisisi na siya. Bakit hindi mo siya bigyan ng second chance? Malay mo nagbago na siya. Hindi naman masama magbigay ng second chance sa tao e. Lalo na kung ang taong iyon ay mahalaga sa iyo at sa anak mo. Parang ako lang, nagsisisi ako sa ginawa kong desisyon, dahil sa kagagawan ko nagkaroon ng issue ang pamilya niyo. Pero ano ang ginawa niyo sa akin? Imbis na magalit kayo at itakwil ako pero heto at tinanggap niyo pa rin ako. Ganoon lang iyon rage. Minsan sa buhay ng tao, ang pagkakamali ang magbibigay sayo nang leksyon. Huwag mo ipagdamot ang second chance na hinihingi niya. Kung sa pangalawang pagkakataon ay ganoon pa rin siya. Siguro, ikaw na ang makakagawa nang tama kung ano ang dapat at kung ano ang nararapat." Mahabang salaysay ko sa kanya.


Tumingin siya sa akin.


"Paano kung saktan niya ulit ako?"


"Ikaw na ang makakasagot niyan. Ang akin lang, bigyan mo siya nang pangalawang pagkakataon para mapatunayan niya na nagsisisi na siya." Nakangiting wika ko sa kanya.


Ngumiti ako sa kanya at ganoon din siya sa akin.


Akmang yayakapin niya pero may pwersahang humila sa akin.


"So, ganoon. Aagawan mo pa ako sa eksena, rage."



Napalingon ako sa nagsalita.



"Tyrone?"

====°°°°====

Thanks for reading!

A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon