Chapter 68

120K 1.7K 168
                                    


TYRONE P.O.V

Nandito ako ngayon sa St. Cemetery. Naglakad ako sa sinabing lugar sa loob ng sementeryo at nakita kong nakatayo si mitzy sa harap ng puntod.

Naglakad ako patungo sa kanya.

"Asan na yung sagot na hinihingi ko?" tanong ko agad sa kanya.

Hindi siya lumingon sakin at tinuro ang puntod na tinitignan niya.

Mr. Kimiel Briones And Mrs. Alyana Briones

Cause of death: Car Accident
1992-2013

We loved you!

"Bata pa lang si kim nang ma-aksidente ang sinasakyan nilang kotse. Papunta silang states noon at kasama siya. Akala namin noong una, nadamay siya sa aksidente pero ng pumunta kami ni mommy sa funeral wala ang bangkay ni kim doon. Pinahanap namin sa mga pulis kung nasaan si kim. Tinignan namin kung nasa bahay ampunan siya pero wala. Hanggang sa isang araw, nagsawa na kami sa kakahanap kay kim. Pinagdasal na lang namin na sana nasa mabuti siyang kalagayan. Hanggang sa nabalitaan namin na inampon siya ng pangalawang bilyonaryo, ang pamilya ng mga sanchez..." huminto siya at pinunasan ang gilid ng mata niya. Huminga siya ng malalim bago pinag patuloy ang mga sasabihin niya.

"...gusto man namin siyang kunin sa poder ng mga sanchez pero hindi namin alam kung paano. Dahil bukod sa mahirap sila hagilapin, lagi pa silang nasa labas ng bansa. Wala kaming kakayahan na makausap sila dahil hindi naman namin kasing yaman ang mga sanchez. Hanggang sa nabalitaan namin na dito mag-aaral ang unica hija ng sanchez na walang iba kundi si kim. Baog si Mrs. Veronica sanchez kaya nag-ampon sila. Kahit hindi namin afford ang tuition ng Celestine University ay pinilit ko talagang pumasok doon para mabantayan si kim. Kumuha ako ng scholarship para bumaba ang tuition ko pero hindi pa din sapat kay nagtrabaho ako sa gabi at aral sa umaga. Nag-sakripisyo ako ng hindi alam ni kim, kapatid na kasi ang turing ko sa kanya..."

Nakikinig lang ako sa kanya.

"...hanggang sa makilala ka niya. Niligawan mo siya at lumuhod ka pa sa harap niya sa gitna ng ground para sagutin ka niya. Labis ang saya ko nun sainyo kahit nakatayo lang ako sa malayo. Pinatikim ka niya ng mga street food at natutuwa ako dahil hindi pa rin pala nagbabago ang kim na kaibigan ko. Hanggang sa naglaho siya ng hindi mo alam. Nagalit ka at nag-wala." kwento nito at tumingin sakin.

"Paano mo nalaman ang lahat ng nangyayari samin?" tanong ko. Kahit papano ay nasagot na rin ang lahat ng tanong ko.

"Dahil kay rage. Kinukwento niya sakin lahat ng nangyayari sayo at kim. Nagkakilala kami kasi kaklase ko siya." sabi nito.

"Nagta-trabaho ako sa cafe noon, ng biglang may pumasok si kim sa cafe. Dahil naamoy ko pabango niya. Gulat na gulat ako noon dahil sa loob ng ilang buwan ay bumalik siya dito sa pilipinas. Kaya hindi ko napigilang hindi siya yakapin, gulat na gulat siya non sakin st nagtataka. Kahit ako ay nagulat din sa ginawa ko ss kanya. Mula noon, naging kaibigan ko na siya. Niyaya niya ako sa kung saan-saan. Minsan kasama namin si kian mag-shopping pagpinapaiwan sakin ni rage ang anak niya."

Ah! Kaya pala nung una pa lang ay kilala na siya ni kian.

"...hanggang sa pumunta kami sa bar noon dahil nagyaya siya. Nakaupo lang ako sa coach at pinagmamasdan siyang sumasayaw sa gitna ng dancefloor. At nagulat ako ng makita kong may kahalikan siya. Aakmang tatayo ako at hilahin si kim kaso may pumigil sakin. Si rage. Ang sabi niya hayaan ko daw kayo. Kaya wala na akong nagawa. Hanggang sa hindi na namin kayo nakita sa bar."

The day na nakipag-one night stand ako.

Siya pala 'yon. Kaya palang pamilyar sakin ang tamis ng labi niya na para bang natikman ko na. Si kim na pala 'yon.

"Bakit hindi tayo maalala ni kim?" tanong ko.

"Dahil sa trauma niya sa aksidente kaya nakalimutan niya lahat." sagot nito.

Tumingin ako sa harap ng puntod. Patay na ang mga magulang ni kim at mukhang pati iyon ay hindi niya matandaan.

------

Thanks for reading....

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon