Chapter 29:
#CTBHDayPassed
Ilang araw mula ng pumunta dito si tita, ang mommy ni tyrone. At ilang araw na rin siya may dala-dalang kung ano-ano para sa sanggol.
Natutuwa naman ako sa tuwing kinakausap ni tita ang tyan ko. Anim na buwan na ang tyan ko, pero hindi pa nailalabas ang anak ko ay sandamakmak na damit at laruan ang nakatabi at naka-ayos sa kwarto ng anak ko. Oo kwarto, pinagawa iyon ni tita. Dalawang kwarto ang pinagawa niya, isang baymax room at hello kitty room. Dahil kung lalaki daw o babae ang anak ko ay hindi na daw mahihirapang palitan yung theme.
Si tyrone naman, lagi siyang hatinggabi kung umuwi. Pagod sa trabaho at minsan balisang-balisa. Sa tuwing uuwi siya ay sa kwarto agad ang diretso niya. At mula rin na dumating siya sa bahay na 'to ay hindi pa kami nakakapagusap. Gustuhin ko man siyang kausapin pero hindi ko alam kung paano. Dahil bukod pa sa hatinggabi siya umuwi ay lagi siyang wala sa bahay.
Si Rage naman ay nasa Europe ngayon dahil sa inaasikasong trabaho. Isa din ang isang 'yon, bihira na kami mag-skype. Isang buwan na siya nandoon sa europe. Kaya anim na buwan na ang tyan ko. Lagi akong nagpapa-check up.
Marami ng pinagbawal sakin, ang pagkain ko ng mga street food. Mas maraming sinabi sakin na kumain ako ng masustansiyang pagkain para sa ikakalusog ng anak ko. Tinanong din ako sa hospital kung gusto ko na daw ba malaman ang kasarian ng anak ko pero ang sabi ko wag na para surprise na lang.
Lagi kong kasama ay si tita, minsan sinasama niya ako doon sa bahay. Alam na rin nila na buntis ako pero wala naman silang sinabi sakin kundi buti daw nag-work DAW yung ano namin tyrone, kahit hindi naman. Sa tuwing nauungkat ang usapang iyon ay talagang namumula ako kahit wala namang katotohanan.
Minsan pumupunta si rexie sa bahay, pero sa tuwing pumupunta siya ay lagi ko siyang nasusungitan o kaya naman, hindi pinapansin. Pero lagi siyang may dalang fries kaya iyon ang gustong-gusto ko sa kanya sa tuwing pumupunta siya sa bahay. Minsan naabutan kami ni tyrone sa sala na nagmo-movie marathon. Kaya nagugulat na lang ako na bigla na lang sasara ang pintuan niya ng sobrang lakas at kung minsan pa ay nagdadabog pa iyan.
Mula ng malaman na ng pamilyang sy ang pagbubuntis ko ay lagi na silang nasa bahay kasama si kian na tinatawag pa rin akong 'kim'. Pero hinahayaan ko na lang ang bata. Lagi niyang kinakausap ang tyan ko, lagi niyang sinasabi na...
"Nandito ang kuya oh! Kuya kian." kausap niya sa tyan ko.
Minsan, pag hndi sila pumunta sa bahay ay lagi akong nasa library nagbabasa ng pang-bata na story at naka-earphone pa ako.
Kaya tuwang-tuwa ako pagnararamdaman ko ang sipa ng anak ko. Masakit, oo. Pero ang sarap sa pakiramdam dahil nararamdaman ng anak ko na kinukwentuhan ko siya.
Nitong mga nakaraang araw ay masaya ako kahit pa paano na nalaman na nila ang pagbubuntis ko. Kaso, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila na hindi kami mag-asawa ni tyrone at hindi siya ang ama ng anak ko. Dahil isa akong disgrasyada.
Mas pipiliin ko kasing magalit sila sakin, kesa sa pasiyahin ko sila sa kasinungalingan ko.
********
Thanks for reading...

BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...