Chapter 13
Huminto kami sa tapat ng malaking bahay. Maraming mga sasakyan ang nakaparada sa labas. Mukhang maraming bisita sa loob.
"Let's go." sabi niya at pinagbuksan niya ako ng pinto.
Nagtataka talaga ako sa taong 'to. Ano nga kaya ang kinain nito at naging gentleman. Sana lagi na lang siyang ganyan.
Lumabas naman ako ng sasakyan. Pero bago kami pumasok sa loob may sinabi muna siya sakin.
"Do your job as my wife. Ok?" sabi niya at hinawakan niya yung kamay ko. Nanginginig naman akong naglakad papunta sa isang dining area.
Malaki ang lamesa, nasa may gitna at nakatayo ang mga katulong sa gilid na parang istatwa. Malalakas ang mga tawanan nila, pero biglang tumahimik ng makita nila kami ni tyrone.
"Sorry mom and dad. We're late." sabi ni tyrone at nagbeso sa mga pisngi ng dalawang tao na naka upo mismo sa dulo ng lamesa at may malaking upuan.
"It's ok son. Who she is?" tanong ng mommy ni tyrone.
Lumapit ako sa mama ni tyrone at humalik sa pisngi niya. At nagmano naman ako sa daddy niya.
"Hello po, I'm andrea." pagpapakilala ko.
"Oh, hi andrea! Akala ko si kim. Kahawig niya kasi." sabi ng mommy ni tyrone.
Sino ba yung kim na 'yon?
"No mom. She's not kim. She's andrea." sabi ni tyrone at inalalayan akong umupo sa gilid ng mama niya at nasa tabi ko naman si tyrone at kaharap ko naman si rage na umiinom ng wine.
"Ok. Asawa kana pala ng anak ko." sabi ng mommy niya.
"Opo, tita." sabi ko at ngumiti.
"Don't call me tita. Call me mom. And Ezekiel Dad. Ok?" sabi niya sakin at ngumiti.
Mabait pala si Mrs. Sy. Akala ko maldita siya dahil sa itsura niya.
Tumango naman ako bilang sagot.
May lumapit sakin ng batang lalaki. Mukhang two years old palang ito.
"Ate kim!" sabi niya at niyakap ang bewang ko.
Nagulat naman ako sa pagyakap niya sakin at sa pagtawag niya sakin na 'kim'.
Sino ba talaga yung kim na 'yon? At mukhang ako ata ang napagkakamalan!
Tumayo si tyrone at kinuha yung batang lalaki na nakayakap pa rin sa bewang ko.
"She's andrea not kim." sermon niya 'don sa bata. Mukha naman itong naiiyak kaya tumayo ako at kinuha kay tyrone yung bata.
"It's ok. Tyrone." sabi ko at lumuhod sa bata para punasan yung nagbabadyang tumulong luha.
"Baby don't cry." amo ko sa bata.
Niyakap naman ako ng bata kaya kinarga ko naman at inupo sa lap ko.
"I'm sorry mom, dad for---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko n magsalita yung mommy ni tyrone.
"It's ok. You like kids huh." sabi ni mom at ngumiti sakin.
"You know what hija, i like you for my son." sabi naman ni dad.
Kung alam niyo lang tito ezekiel.
"Thank you po." sabi ko sa kanila.
Bumalik naman sa tawanan ang buong pamilya. Maraming nagsabi sakin na welcome to family sy. At puro thank you lang ang sinasagot ko.
Naiilang pa rin ako sa kanila kahit papaano. Dahil sila ang kaaway ng pamilya ko.
Pero, nahihiya ako pagsaamin napupunta ang usapan, kesho mabait daw si tyrone? Malambing daw ba? Magkatabi daw ba kami matulog? Anong oras daw umuuwi si tyrone galing opisina? Sabay daw pa kami maligo? At kelan daw namin sila bibigyan ng apo?
Sa lahat ng tanong na itanatanong nila sakin ay puro ngiti at no comment lang ang sinasabi ko.
Dahil kung alam lang nila ang totoong tyrone.
Pero ang gumagabag lang sa isip ko, sino yung kim?
*******
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...