Chapter 37:
Hindi muna kami umuwi ni kian sa bahay. Nandito kami sa may Baywalk malapit sa starcity. Nakatanaw kaming dalawa sa malayo, dinadama ang simoy ng hangin na dumadapo sa aming mga balat.
Pinatay namin ang mga cellphone namin para walang istorbo saming dalawa.
"Ate kim." tawag sakin ni kian.
"Hmm.." sagot ko.
"Mahal mo ba si tito tyrone?" tanong niya.
Nanlaki ang mga ko mata.
"Nagbibiro kaba kian?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Yes or no lang ang isasagot mo ate kim." sabi niya.
"Syempre n-no noh." sabi ko.
"100% sure?" tanong niya.
"Y-yeah." sagot ko at suminghot mukhang magkakasipon ako.
"Kung ganun bakit ka umiiyak?" tanong niya. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.
"Sinong umiiyak?" tanong ko.
Tinuro niya ang pisngi ko.
Hinawakan ko ng dahan-dahan. Basang-basa na ang pisngi ko sa mga sunod-sunod na luhang pumapatak.
Bakit ako umiiyak?
"I saw the pain into your eyes ate kim. Kaya gusto ko ng umuwi kanina. Ipagkaila mo man o hindi, alam kong napamahal kana sa tito ko. He nice to you but he loves someone. At ganun na lang ang galit ko sa patong 'yon. Nang sirain niya ang eksena kanina." sabi niya.
Napatingin ako sa kanya.
7 years old ba 'tong kausap ko? Mukhang mas matured pa siya mag-isip kesa sakin.
Pinunasan ko ang mga luha ko ng panyo.
"Wala namang masama na mahalin mo ang tito ko. Pero sana mas i-priority mo yung baby mo at ang buhay mo kesa sa pagmamahal sa tito ko. Hindi niya deserve ang pagmamahal mo." sabi niya.
Nakikinig lang ako sa kanya, gusto ko umangal sa mga sinasabi niya pero para bang bumaluktot ang dila ko at para bang lahat ng letra na gusto ko ilabas ay nagsi-atrasan.
"At alam ko rin na, hindi kayo mag-asawa ni kuya. I saw the contract paper in the garbage." sabi niya.
Nanigas ako sa kinakatayuan ko.
"Pero sana, ikaw na lang ang asawa ng tito ko. Mas gusto kita kesa sa patong 'yon." sabi niya.
"B-bakit ba ayaw mo kay allison?" finally nakapagsalita rin ako.
Tumingin siya sakin at tumaas ang kilay niya. Ngayon ko lang napansin na magkamukha sila ni rage.
"Dahil ang laki ng pwet niya. Halatang inject." sabi niya agad.
Napatawa ako sa nasabi niya.
"Pero, sino si kim? Bakit kim ang tinatawag mo sakin kahit na alam mong ako si andrea?" tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sakin.
"Dahil iisa lang kayo ng mukha. Boses, mga mata, halos lahat." simpleng sagot niya.
"Pero imposible 'yon kian, dahil wala naman ako kakambal para magkaroon ako ng kaparehong mukha at boses." naguguluhang saad ko sa kanya.
"Sabi ni mommy, naaksidente daw si ate kim sa states. Nawalan daw ng alaala. Si ate kim, ang kauna-unang minahal ni tito tyrone. Dahil kababata daw niya si ate kim. Kaya ng malaman niya na naaksidente si ate kim sa states ay agad-agad daw na umalis si tito tyrone ng bansa para puntahan si ate kim. Pero pagdating daw sa states ay bangkay lang daw ng mga magulang ni kim ang nakita ni tito tyrone pero ang katawan ni ate kim ay hindi daw natagpuan Or nasilayan man lang daw. 15 years old nun si ate kim at 17 years old naman si kuya. Pinakita sakin ni mommy ang mukha nung kim, kahit hindi ko pa iyon nakikita ng personal at kahit sa picture lang ay napakagaan ng loob ko sa kanya." kwento niya sakin.
Napatingin ako sa kawalan.
Hindi pa rin malinaw sakin ang lahat.
"Kung sa picture mo lang pala nakita ang kim na iyon ay bakit ako ang napagkamalan mong kim?" naguguluhang tanong ko.
"Gusto mo ba makita ang kim na iyon?" tanong niya.
Tumango ako.
Pumasok siya sa loob ng kotse at may hinahanap na hindi ko maintindihan sa loob.
"Here." sabi niya at inabot sakin yung picture.
Tumingin muna ako sa kanya bago sa picture.
"ATE KIM!!!" Napalakas ang sigaw ni kian ng bigla akong mahilo, buti na lang napasandal ako.
Ang weird, bilang sumakit ang ulo ko at naglabasan ang sunod-sunod na pangyayari na hindi ko matandaan dahil ang bilis ng pangayayari.
*******
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...