Chapter 59

122K 1.6K 35
                                    




Chapter 59





TYRONE P.O.V




"Mini...mini...my ni mow!. Saksak puso tulo ang dugo! Patay! Buhay! U..ma..lis kana sa pwestuhan mo!! Yehey! Ikaw yung taya!!!" Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ni andrea. Basta sinasakyan ko lang ang kanyang mga ginagawa. Pabalik-balik yung pointer finger niya sakin at sa kanya. Alam ko yung nais niya laruin namin. Langit lupa ata ang tawag doon.





Tumakbo naman siya at sumampa doon sa sofa. Si mitzy naman ay nakatingin lang samin at napapangiti siya.





Tumingin ako kunyari sa kisame. Kunyari hindi ko siya napapansin pero ang presensya ko ay nakatingin sa kanya. Nang maramdaman ko na bababa siya sa sofa ay agad ko hinuli ang kamay niya.



"Taya!" Sabi ko sa kanya at hinuli ang braso niya. Kaso imbis na tumakbo ako dahil siya na ang taya ay yinakap ko siya ng mahigpit.





Pilit siyang kumakawala sa bisig ko kaso mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.




"Uyy! Ano ba?! Ang daya mo ah! Wala sa laro natin na yayakapin ako!!" Boses batang angal niya. Hindi ko pinakinggan ang mga sinasabi niya. Masyado ko siyang namiss.




"Namiss kita." Sabi ko sa kanya. At niyakap pa siya ng todo.





"H-ha?" Naguguluhang saad niya.




Napangiti na lang ako ng palihim dahil sa naging reaksyon niya.





RAGE P.O.V





Nakauwi din ako sa Pilipinas galing sa Europe. Tangna! Sa wakas natapos din ang problema doon.




Nakaprivate airplane ako. Ayoko ko kasi mag public dahil matatagalan lang at wala ako sa mood makisalamuha muna sa mga mararaming tao.





Tinignan ko ang Gold wristwatch ko. 8:19 pm na pala.




Pagkababa ko ng eroplano ay naglakad ako sa redcarpet papunta sa sasakyan ko na nag-aantay si manong fred yung private driver ko.




"Wilcome bak ser!" Bisayang bati nito sa akin. Natawa naman ako sa salita ni manong fred.





"Salamat ho. Tara na po." Sabi ko at pinagbuksan pa ako sa backseat door.





"Salamat." Sabi ko at pumasok na sa loob.



Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasang maisip si andrea.



Kamusta na kaya siya?



Gising na kaya siya?



Gusto ko puntahan si andrea sa hospital pero kailangan ko muna umuwi at bisitahin ang anak niyang tyler.




Ang huling kita ko sa batang iyon ay 10 months palang. E, ngayon? Malamang dalawang taon na iyon, dahil dalawang taon na ako sa europe dahil sa pinaasikaso sakin ni daddy doon na bagong negosyo.




Pagkadating ko doon ay puro ingay ang naririnig ko sa loob ng bahay. Nangingibabaw yung boses ng isang maliit na boses.




"Dada! Dada! Mimi! Dada!" Dahan-dahan akong sumilip sa bintana kung saan ko naririnig ang maliit na tinig na iyon.



Hinawi ko ang kurtina. At nakita ko ang isang batang lalaki na nakakandong sa lalaki. Ulo pa lang alam ko na kung sino iyon. Si Tyrone.



"Wala dito si mommy mo e." Sabi ni tyrone sa bata at inaayos nito ang buhok gamit ang kamay niya.




"Mimi! Dada!" Ulit na naman ng bata at sinabunutan nito ang buhok ni tyrone.




"Aray! What the fuck! Aray!" Sigaw nito habang hindi siya tinatantanan ni tyler na sabunutan siya.





Natawa naman ako sa nakita ko.





Para silang mag-ama.




------





Thanks for reading!



DEINLICIOUS

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon