Enjoy!!!ANDREA P.O.V
Mag-isa lang ako sa mansyon buong maghapon. Walang asungot na nangaasar sa akin kaya naging payapa ang buong maghapon ko.
Alas-siyete na ng gabi ng may mag-door bell. Kasalukuyang, nasa living area ako.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang mag-asawang may katandaan na.
"Andrea? Oh my god! I miss you anak." Sabi sa akin ng ginang.
"Sino ho kayo?" Naguguluhang tanong ko sa mag-asawa.
Sino sila?
Bakit nila ako tinatawag na anak?
Hindi sila ang magulang ko.
"Pasensya na po, mukhang nagkamali kayo ng pinuntahan." Hinging paumanhin ko sa kanila.
Nagkatinginan silang dalawa na parang hindi makapaniwala sa inasta ko.
"Anak, kami ito. Mommy veronica mo at si daddy vincent mo." Sabi ng ginang.
"Pasensya na po pero ang mga magulang ko sina kimiel at alyana briones. Kim briones po ang totoo kong pangalan. Palayaw ko lang po ang andrea." Pagpapaliwanag ko sa mag-asawa.
Mas lalo silang nagulat sa sinabi ko sa kanila.
"Anak hindi totoo yan, andrea sanchez ang pangalan mo. H-hindi kim b-briones"
Hindi ko maipaliwanag kung ano ang tono ng kanyang boses. Para siyang kinakabahan na natatakot.
Nangunot-noo ako sa sinabi ng ginang.
"Nandito kami para sunduin ka. Hindi mo kasi sinabi agad noon na isang bilyonaryo ang naka-buntis sa iyo. Hindi ka namin sana pinaalis sa mansyon para hanapin ang iyong asawa." Sabi ng ginang.
"Nasaan si mister tyrone. Nandyan ba? Dapat kailangan niya mamanhikan sa amin kung ikakasal na kayo." Nakaramdam ako ng inis sa sinabi ng ginang.
Nang mapansin nila na wala akong imik ay napatingin sa akin ang ginang.
"Anak?" Tawag nito.
"Umalis na ho kayo." Kalmadong sabi ko at akmang tatalikod na ako ay may pumigil sa akin.
"Dito ka lang." Isang tinig ang narinig ko matapos ako hapitin sa bewang paharap sa mag-asawang sinasabing magulang ko kuno.
"M-mr. Tyrone S-sy." Kinakabahang tawag ng ginang ng mapansin nila si tyrone na nakatayo sa harapan nila.
Malamig na tumingin sa kanityrone. Kahit hindi ito nagsalita ay ramdam ko ang ma-awtoridad sa pamamagitan pa lang ng titig nito.
Napansin naman niya ang mag-asawa na parang biglang nailang sa pagkakatitig sa kanila ni tyrone.
Buti na lang nasa pintuan kami kahit papaano ay may atmosphere pa kaunti.
"What are you doing here, sanchez?" Narinig kong tanong ni tyrone.
"Nandito kami para sa anak namin. Nabalitaan kasi namin na maman----"
Hindi na pinatapos ni tyrone ang ginang ng magsalita na ito.
"She's not your daughter." Seryosong sabi nito.
"No! She is---"
"Do i repeat myself, mrs. Sanchez?" Tiningnan ko si tyrone na seryoso pa rin. Para siyang hari kung kausapin niya ang mag-asawa.
Tinignan ko naman si mrs. Sanchez na natameme matapos putulin ang sasabihin niya.
"Naku, pasensya na po sa inaasta ng.... ng..... a-asawa ko. B-baka po kasi nagkamali kayo ng p-pinuntahan. Sorry po talaga." Hinging paumanhin ko sa mag-asawa na namumutla na ang mukha.
Isinara ko na ang pinto kahit hindi pa umaalis ang mag-asawa. Oo naging walang galang ang inaasta ko sa kanila pero mas iniintindi ko ang asawa ko este si tyrone baka mas lalo itong mawalan ng galang.
Pumasok na kami sabewang nakahawak pa rin siya sa bewang ko. Gusto ko man alisin ang pagkakahawak niya sa akin kaso may parte sa akin na hayaan lang ang mainit niyang palad sa bewang ko.
Na patingin ako sa kanya na pansin kong nakangisi ito ng nakakaloko.
"Anong ngiti iyan?" Intrigang tanong ko sa kanya.
"Wala." Sabi niya at bumitaw sa akin. At saka umupo sa sofa.
"Ano nga sabi?!"
"Hindi ko akalain na mararamdaman ko ito. Akala ko kasi sa babae lang pwede makaranas nitong nararanasan ko."
Naguguluhang nangunot-noo ako sa sinabi.
"Ha?"
"Nakakabakla man pero ang sarap pala sa feeling."
"Ha?"
Tumayo siya ako at naglakad papalapit sa akin. Napaatras naman ako hanggang sa bigla niya akong hapitin sa bewang.
"H-hoy! Ano yang ginagawa m-mo?"
"Kinikilig kasi ako. Asawa ko."
........
Thanks for reading.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...