Chapter 4
PAK!
"What the Fuck!" Nahiyaw ang lalaki sa lakas ng sampal ko. Ang kapal ng mukha niya! Anong fake wife ang pinagsasabi niya?!
"Hindi ako kaladkarin para tanggapin ang trabaho mo." sabi ko sa kanya. Pigil na pigil ang galit ko sa kanya. Ayoko mawalan ng respeto sa kanya dahil sa pagtulong nila sa akin. Pero sa ginagawa ng lalaking 'to talagang hindi siya ka-respe-respeto.
Tumitig ng masama sa akin ang lalaki na para ba'ng papatayin ka sa titig na iyon. Pero hindi ako nagpatinag sa kanyang mga tingin. Walang dahilan para matakot ako sa kanya.
"Talaga hindi ka kaladkarin? E, ano ang ginagawa mo sa parking lot dis-oras na ng gabi? Doon ka natutulog? Para ano?! Para kaawaan ka ng mga mayayaman na nagtra-trabaho sa company ko?" seryosong saad niya.
Agad namang tumulo ang mga luha ko sa mga sinabi niya. Masakit sa akin ang husgahan ako ng ibang tao dahil sa pagtulog ko kagabi sa parking lot. Pero hindi nila alam kung ano ang nangyayari sa buhay ko.
At hindi ko sinabing kaawaan nila ako st tulungan ako!!
"Wag ka magsalita ng... Achk!" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makaramdam ako ng pagbaliktad sa sikmura ko. Not now, baby! Agad naman ako tumakbo sa banyo at dinuwal ang gusto ko iduwal. Naiiyak na ako sa kakaduwal na para pati ang laman loob ko isuka ko na rin.
Nang mahimasmasan na ako dumiretso ako sa lababo at nagmumumog ako ng sandali at saka tumingin sa salamin.
Iba na ang itsura ko noon sa ngayon. Namumutla na ako at puno ng lungkot ang buong mukha ko. Naiyak na naman ako sa mga pinagsasabi ng lalaking yun. Ang galing niya manghusga, hindi niya muna inaalam ang tunay na pangyayari sa buhay ko.
Natawa na lang ako sa mga iniisip ko.
Sino ba naman ako? Walang may gusto sa akin, sariling pamilya ko nga tinakwil ako ibang tao pa kaya.
Lumabas na ako ng banyo at ang tanging naabutan ko lang ay yung kapatid ng lalaking masungit na 'yon! At hindi ko pa alam ang pangalan ng isang 'to.
"Ahm... Sorry sa atittude ng kapatid ko." hinging paumanhin niya.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Bakit ka sa akin nagso-sorry? Hayaan mo na lang 'yon. Nabigla lang siguro ako sa in-offer niyang trabaho." sabi ko sa kanya.
"You know what, yung ino-offer niya trabaho sayo ay mabuti para sayo." kalmadon sabi niya.
"Mabuti para sa akin?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya bilang sagot sa akin at saka nagsalita...
"Diba, wala kang tirahan at trabaho. Pag-na-kasal kayong dalawa as his fake wife. Kailangan niyo lang naman magpanggap na mag-asawa ni Tyrone dahil kailangan niya 'yon sa posisyon niya ngayon." pagpapaliwanag niya.
"Posisyon niya?" ulit ko sa huling sinabi niya.
"Oo." maikling sagot niya.
"Bakit ano ba ang posisyon niya?" tanong ko sa kanya.
Tumayo siya at dumiretso sa kusina at bumalik ulit dala-dala ang isang basong tubig.
"Bakit ka pala nagsuka kanina?" tanong niya. Para akong binuhasan ng malamig na tubig sa kinauupuan ko. Hindi pwede! Hindi nila pwede malaman ang kalagayan ko.
"A-ah w-wala. B-baka na-impatcho lang ako kagabi." nanginginig na sabi ko sa kanya. Please lord, sana hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako.
"Ahh ganun ba,. Kumain kana ba? Magpapa-order na lang ako." wika niya.
"Hmm... Bahala ka." nahihiyang sabi ko.
Nginitian niya lang ako at kinuha ang i phone niya at tumawag para mag-order. Napahimas ako ng pasulyap sa tyan ko.
Gusto ko ng dry fish.
"Oh, ayan ok na. Kumain ka ng marami mamaya ah." sabi niya sa akin.
Tumingin ako sa kanya.
At may isang tanong pa ako na hindi ko po naitatanong sa kanya.
"Ano ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin.
"I'm Rage Sy. At yung lalaking masungit kanina. Siya yung kuya ko si Tyrone Sy." nakangiting sabi nila.
Dahan-dahang nawala ang mga ngiti ko. Sila... Sila ang kalaban ng pamilya ko sa kompanya.
*****
Thanks for reading...
DEINLICIOUS
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...