Chapter 56:
Third Person P.O.V
2 years ago mula ng ma-aksidente si andrea. At hanggang ngayon ay nakaratay pa rin siya sa hospital. Dalawang taon na ang anak niyang si Tyler. At si mitzy ang nag-aalaga sa bata.
Lumipas ang dalawang taon na maraming pagbabago. Tulad ni allison na naiinip ng makasal kay tyrone. Si Tyrone naman ay nagdadalawang isip kung itutuloy niya pa ang pag-iisang dibdib nila ni allison. Dahil bukod sa nag-aalinlangan siya ay mayroon pa siyang unti-unting nadi-diskubre sa babae. Iyon ang paghingi ng kung ano-anong mamahaling materyal sa kanya. Tulad na lang ng gintong kuwintas na nakita nito sa mall na minsan silang nag-date ng babae.
Kung tutuusin balewala sa kanya ang paggastos ng malaki. Ang kanya lang ay bakit kailangan pa ng babaeng magpabili?
Si Rage naman ay kasalukuyang nasa states kasama ang ama niya doon. Dahil may pinapaasikaso sa kanya doon na bagong business at kailangan siya ang mag-manage nun.
Ang anak niyang si Kian ay 10 years old na at kung ano ang ikina-matured mag-isip ng bata noon ay mas tumindi ngayon. Minsan, siya ang nag-aalaga kay tyler pagwala siyang pasok o homework. At tinuturuan niya itong magsalita o magbilang.
TYRONE P.O.V
Matapos maisagawa ang test mula sa akin at sa anak ni andrea na si Baby Tyler ay umuwi na agad ako. Ewan ko ba. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko kapag naiisip ang magiging resulta.
"Darling, are you with me?" Nabalik ako sa ulirat ng magsalita si allison na nakayakap sakin.
"Ah yeah." Tamad na sagot ko.
"Kelan mo ba ako balak pakasalan? 2 years ago na. And don't tell me hindi ka pa rin nakakapag-decide."
Napahawak na lang ako sa nose bridge ko. Ayoko pa naman sa lahat ay inuungkat ang mga ganyang bagay.
"Pwede ba allison! Wag mo ako pangunahan. Darating din tayo dyan." Naiinis na sagot ko.
Umalis siya sa pagkakayakap sakin at padamog na umupo sa kama.
"What?! Puro ganyan na lang ang sinasabi mo sakin! Darating tayo dyan!? Kelan pa?! Pagmatanda na tayo! Mygod tyler! 28 years old kana at 26 na ako. Kelan mo pa maiisipang mag-asawa?! Pag-senior citizen kana!" Inis na bulyaw niya sakin.
Tinalikuran ko na lang siya. Ayoko makipagtalo na naman sa kanya.
"Siguro dahil kay andrea kaya ayaw mo magpakasal sakin! Ano bang meron sa babaeng yan at mamamatay na lang lahat-lahat ay hadlang pa rin siya sa kasal natin. Sabihin mo nga sakin?! Mahal mo ba siya kaya hindi mo ako mapakasalan?!!" Nanghihinala na sabi ni allison.
Parang nagpantigan ang dalawang tenga ko.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Tingin ko ay hindi na ako makakapagpahinga.
"Pwede ba allison!! Wag mo idamay dito si andrea!!! Paano pa kita papakasalanan kung ngayon ay fianceè pa lang kita ay puro panghihinala na ang nangyayari sa ating dalawa ano pa kaya kung asawa na kita!!!" Inis na bulyaw ko sa kanya.
Nakita kong tumulo ang luha niya pero imbis na lapitan ko siya at punasan ang luha niya ay lumabas na lang ako ng kwarto at binalibag yung pintuan.
Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang inis.
Napatingin ako sa batang maliit na tumatakbo papalapit sakin.
"Dada!" Nakangiting sigaw nito at niyakap ang binti ko.
Ewan ko pero ang nararamdaman kong inis kanina ay nawala nung yakapin ako ng batang ito. Walang iba kundi si baby tyler.
------
Thanks for reading!
DEINLICIOUS
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...