Chapter 92

118K 1.4K 104
                                    

Chapter 92

"Tyrone?"


Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pagka kita ko sa kanya Maski ata ang paghinga ko ay napigilan ko na.


Nakatingin lang ako sa kanya at may sinasabi siya kay rage pero hindi ko marinig.


Gusto ko umiyak sa itsura ngayon ni tyrone. Bumagsak ang pangangatawan niya at naging maputla ang kanyang mga mapupulang labi.


"Tsk! Halika nga dito, nag aantay kami sayo nang anak mo. Mas inuna mo pa 'yang si rage na walang sakit. Dapat ako ang inuna mo, kasi ako ang may sakit. Tss!"


Nananatiling kagat ko ang ibabang labi ko habang hila hila niya ako papasok sa kwarto.


"MOMMYYYY!!!!!! DADDYYYY!!!"


Tumakbong papalapit sa akin si tyler pag bukas namin ng pinto.


At doon lamang ako natauhan.


"Anak?! Paano ka nakapunta dito? Sino nagsundo sayo dito? Bakit hindi ka sa akin nagpakita?" Sunod sunod na tanong ko. Lumuhod pa ako para maabot ko yung dalawang pisngi niya.


"Mommy, relax lang po. Nakita ko po kasi si tita mitzy sa parking lot kaya ayon tinawag ko po siya tas siya na po ang nagdala sa akin dito."



Nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi ni tyler.


Jusme! Nakalimutan kong nasa parking lot pala ang anak ko!


Niyakap ko ang anak ko at kasunod non ang pagtulo nang luha ko.


"Sorry anak, nakalimutan ka ni mama. Sorry" Hinging paumanhin ko sa anak ko.


Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang luha ko gamit ang maliliit niyang thumb finger.


"Naiintindihan ko mommy. Pero sana hindi na po tayo bumalik doon kina lola veronica. Ayoko po doon."


Ngumiti ako sa kanya at tumango.


"Pangako."


Yinakap niya ako ulit at saka niya ako pinaghahalikan sa pisngi.


"Mommy, lalabas lang po ako a." Paalam nito sa akin at saka lumabas ng kwarto.


Bigla naman akong natauhan nang may yumakap sa akin mula sa likuran ko.



"Tyrone."


Kakalas sana ako pero pinigilan niya ako.


"Please, stay." Ramdam ko ang kilabot na bumalot sa buong katawan ko dahil sa hininga niyang nasa leeg ko.


"Tyrone."


"Bumalik na kayo sa akin. Pangako pasasayahin kita sa abot nang aking makakaya."


Nangilid ang luha sa gilid ng aking mata.


"Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko. Patawarin mo ako sa mga masasakit na salitang binitawan ko sayo.."


Isa isang nag bagsakan ang mga luha ko.


"..hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Please bumalik kana/kayo nang anak natin. Mahalin mo ulit ako at mamahalin kita habang buhay. Please bumalik k-kana." Narinig ko ang pag piyok ng kanyang boses.


Kumalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at humarap sa kanya.


Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at tumingin sa kanya ng diretso sa kanyang berdeng mga mata.


Mga matang unti-unting nagpapahina sa akin.


"Huwag mo na ako mahalin." Umiiyak na tugon ko.



Parang kumirot ang puso ko nang makita kong tumulo ang luha sa kanyang mga mata.


"A-andrea? P-please don't tell my heart to s-stop l-loving you. P-please." Umiiyak na pakiusap nito.


Hindi ko na mapigilan ang luha ko dahil sa sinabi niya.


Pinunasan ko ang pisngi niya gamit ang hinlalaking daliri ko.


Hinawakan ko ang dibdib niya kung saan banda ang kanyang puso.


"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Alam kong pagod na ang puso mo dahil sa kamamahal sa akin. Kaya, hayaan mong akong naman ang magmahal sayo, tyrone. Hayaan mo akong mahalin ka nang buong buo kasama ang anak natin at magiging anak natin." Ngumiti ako sa kanya kahit hindi tumitigil sa pag luha ang aking mga mata.


Magsasalita pa sana ako kaso bigla niya akong niyakap at hinalikan sa labi na punong-puno nang pagmamahal.


Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Itong lalaking humahalik sa akin, sa kanya ako sasaya at hindi ko kakayanin kung saka-sakaling mawala siya sa akin.


Bumitaw ang aming labi at tumingin sa isa't isa.


"Mahal na mahal kita."


"Mahal na mahal din kita."


Ngumiti siya sa akin. At sa pag ngiti niya ay ramdam ko ang paro-paro sa aking tiyan.


Ang mga ngiting iyon ang gustong gusto kong makita.


"Handa ka bang pakasalan ako sa kabila nang ginawa ko sayo?"


Napatakip ako sa aking bibig. Hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon mula sa kanya.


"Aarte pa ba ako? OO NAMAN NOH!!" Dinamba ko ulit siya nang yakap at narinig ko ang palakpakan.


Napabitaw ako at tumingin sa pinto. Nandoon ang pamilyang sy, si mitzy kasama ang anak ko at mga nurse at doctor.


"Sa kasal din pala punta pinatagal pa." Rinig kong sabi ni tita.


Ngumiti lang ako kay tita at humarap kay tyrone.


Ngayon, hindi ko alam kung saan ko mailalagay ang sayang nararamdaman ko.

......

Thanks for reading!



A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon