Chapter 19
"NOOOOOOOOO!!!!!!!!" Dali dali akong bumaba kaso huli na ang lahat. Wala na, nakita na niya.
Dahan-dahan siyang lumingon sakin. Habang hawak hawak niya ang ultrasound picture ko.
"What is the meaning of this?" nagtataka tanong niya.
Yumuko ako, hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanung niya.
"DAMN IT! I SAID WHAT IS THIS?!!" Sigaw niya sakin. Napapikit ako sa pagsigaw niya.
"It's ultrasound result." kinakabahang sagot ko sa kanya.
"For whom?" tanong niya ulit.
"For me." naiiyak na sagot ko sa kanya.
"Y-you p-pregnant?" nanginginig na tanong niya.
Tumingin ako sa kanyang mga mata, lungkot at galit ang nakikita ko sa kanyang mga mata.
Tuluyang tumulo ang mga luha ko. Ito na nga siguro ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang totoo.
"Yes tyrone, I'm pregnant." umiiyak na sabi ko.
Agad siyang napaupo sa sofa. Gulat na gulat nagtutubig ang kanyang mga mata. At nabitawan niya ang hawak niyang ultrasound result.
"Tyrone, let's talk about this." pagmamakaawa ko sa kanya.
"FUCK!!!!" Sigaw niya at tinadyakan yung glass table na nasa harapan namin.
Nagulat ako sa pagsipa niyang 'yon. Nabasag ito sa sobrang lakas ng sipa niya. Nagdugo ang kanyang mga paa pero hindi niya ito pinansin.
Umiyak lang ako ng umiyak, wala na alam na niya ang totoo. Alam ko rin bukas na bukas ay palalayasin na niya ako sa bahay na 'to. Puputulin na rin niya ang kontrata. At babalik na naman ako sa dati.
"DAMN YOU WOMAN!!! BAKIT HINDI MO SINABI SAKIN ANG TOTOO? TANGINA! NALAMAN KO PA KUNG KELAN M-MAHAL NA KITA!! FUCK! NAGBAGO AKO PARA SAYO PERO ITO PA ANG MALALAMAN KO! DISGRASYADA PALA ANG TAONG MAHAL KO!!! SI REXIE BA?! YUNG VILLAMOR NA 'YON BA ANG NAKABUNTIS SAYO?!! TANGINA! KAYA PALA KAYO NAGKITA?! AT ANO YUNG LAMAN NG PAPERBAG KANINA?! LAMAN BA NUN AY YUNG DAMIT NG ANAK MO!!! HA?!!! KAYA AYAW MO IPAKITA SAKIN?!!! ANO SUMAGOT KA!!!! SUMAGOT KA!!" nanggagalaiting sigaw niya sakin.
Umiyak lang ako ng umiyak sa mga nalaman ko mula sa kanya. Hindi ako makapaniwala, ang isang tyrone sy ay nagbago dahil sakin at mahal na pala ako!
"Hindi siya ang ama tyrone." umiiyak na sagot ko.
Humalakhak siya ng buong lakas.
"ANO ANG TINGIN MO SAKIN? MAGPAPALOKO SAYO? MAGSISINUNGALING KA NA NAMAN BA?! HANGGANG KAILAN? HANGGANG KAILAN KA MAGSISINUNGALING SAKIN ANDREA?!!! HANGGANG KAILAN?" sinuntok niya ang pader ng buong lakas at nagdugo ang kamao niya.
Handa akong masaktan kung nanaisin niyang saktan ako. Kung ang pananakit niya sakin ang makakapagpapahupa sa galit niya ay tatanggapin ko.
Lalapitan ko sana siya para hawakan ang kamay niya ay agad siyang lumayo sakin.
"Wag mo ako hawakan, nandidiri ako sa'yo." sabi niya at naglakad palabas ng bahay.
Napaupo ako sa sahig, hindi ko inanintala yung bubog sa sahig. Hindi sapat ang bubog na 'yon para saktan ako. Mas masakit ang nangyayari samin ngayon.
Tumayo ako at sinundan si tyrone pero pinaharurot na lang niya ang sasakyan niya palabas.
"I'm sorry, tyrone. I'm sorry." nasabi ko na lang habang nakatanaw sa sasakyan niya.
Sana marinig niya ang paghingi ko ng tawad sa kanya. Hindi ko ginusto ang nangyari sakin. At ngayon naman pinandidirian na ako ng taong minahal pala ako.
Nagsilabasan ang mga katulong at pinapasok nila ako sa loob, pero hindi ako nagpahila nanatiling nakatayo pa rin ako sa pintuan kung saan nakatanaw pa rin sa pinag-alisan ni tyrone.
"Mam, may bubog kayo sa kamay." rinig ko pa'ng sabi ng isang katulong.
"Nandidiri na siya sakin." wala sa sariling sabi ko at umiyak.
Nandidiri na sakin si Tyrone Sy.
********
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...