Chapter 20
"Babe! mamaya na!"
Napabangon ako ng marinig ko ang boses ng isang babae na parang kinikiliti.
Napatingin ako sa orasan, alas-tres na ng madaling araw at nandito pa rin ako sa sala. Inantay ko kasi ang pagdating ni tyrone pero hindi ko inaasahan na may dala siyang babae.
"Babe, who is she?" maarteng tanong ng babae kay tyrone na busy sa ginagawa sa leeg ng babae.
"She is a maid." husky na sagot ni tyrone sa babae at pinagpatuloy yung paggawa sa leeg ng babae.
"Ah ok. wait! ayy! babe! sa kwarto mo na! ayy!! ahaha!!! mamaya na babe! Ano ba?!" malanding sabi ng babae.
Napaiyak na lang ako sa nasaksihan ko, akala ko ba nagbago na siya. Pero ano itong nakikita ko? Pinapamukha niya ba sakin na kayang-kaya niyang mambastos ng babae sa harap ko.
Tumulo ng sunod-sunod yung luha ko. Nakailang pahid na rin ang ginawa ko pero wala talaga, tumutulo pa rin. Masakit ang nasilayan ko. Ang sakit masabihan na katulong pala ako sa bahay na 'to. Nag-antay ako magdamag dito sa sala, pero maguuwi lang pala siya ng babae.
Umakyat na lang ako sa kwarto ko. I feel dizziness.
Dahan-dahan ako humiga sa kama, may benda ang kamay ko dahil sa mga bubog na pusok sa kamay ko kanina. At ginamot iyon ni jenny.
Humiga ako sa kama at dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata pero may sinabi muna ako....
"Magpakasaya ka, tyrone." sabi ko at tuluyang pumikit.
------
TYRONE P.O.V
"Ano na babe? Akala ko ba itutuloy na natin?" tanong sakin ng isang babaeng napulot ko lang sa bar.
"Go home, I'm tired." sabi ko sa kanya. Lumabas naman ang babae pagkasabi ko.
Dumiretso ako sa balkonahe habang dala-dala ang imported na alak.
Ilang malalakas na alak na ang ininom ko galing sa bar pero hindi pa rin tumatalab. Tangina naman!
Masakit ang nalaman ko mula kay andrea. Napamahal ako sa kanya ng isang buwan lang. At ako ang unang-una sumira ng rule sa kontrata.
May kakaiba sa babaeng 'yon. Laging positive sa buhay at lagi nakangiti. Magkasing-ugali sila ni kim.
Kim Briones. Ang kauna-unahang babaeng minahal ko. Pero biglang naglaho at hindi na nagpakita. Kamukhang-kamukha siya ni andrea, kahit sa mata, ngiti, hugis ng mukha ay parehong-pareho.
Andrea Sanchez ang pangalawang babaeng minahal ko. Pero isang disgrasyada pala. Masakit ang nalaman ko, para ba'ng tinapakan ang pagkalalaki ko. Nakita ko kung paano siya umiyak, ang kanyang mukha, ang inosente niyang mga tingin. Napamahal ako sa kanya ng hindi ko nalaman.
Hindi ko siya papaalisin sa bahay na 'to. Ako na lang, ako na lang ang aalis sa bahay na 'to. Ayokong tumira sa lansangan si andrea at ang kanyang magiging anak niya.
Tangina mo Rexie Villamor, pinababayaan mo ang mag-ina mo!
Lumabas ako ng kwarto at pumasok sa kwarto ni andrea. Mahimbing na siyang natutulog.
Napaiyak ako ng makita ko ang mukha niya, ang inosente niya mukha. Isa rin sa minahal ko sa kanya.
"Hindi ka pwedeng maging akin." sabi ko sa natutulog na si andrea.
Kahit ang kanyang pagtulog ang ganda-ganda pa rin niya.
Tumulo ulit ang luha ko. Damn! nakakabakla! Pero wala e, siya lang ang kayang paiyakin ako ng ganito.
Kinumutan ko siya at saka umalis sa kwarto niya.
"Paalam, andrea. Sweet Dreams." sabi ko sa tulog na si andrea.
Dumiretso ako sa kwarto ko at kinuha ko yung cellphone ko at dinial yung number ng secretary ko.
"Hello sir tyrone! Good Evening ho."
"Book my flight." sabi ko at binaba na yung tawag.
********
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...