Chapter 43

124K 1.8K 96
                                    






Chapter 43:








Pagmulat ng aking mga mata, si rage ang una kong nakita na nilalaro ang anak ko.





"Rage?" tawag ko sa kanya dahilan para tumingin siya sakin ng may kasamang mga ngiti sa kanyang labi.






"O andrea. Gising kana pala. Ito nga pala si baby tyler, ang cute–cute ng anak mo. Kulay green ang mga mata niya. Katulad ng akin" masayang sabi sa akin ni rage na inaabot sakin si baby tyler.






Napakunot ang noo ko, kulay green ang mga mata ni baby tyler?






Umupo ako at sinandal ang likod ko sa headboard ng kama at kinuha si baby tyler na gising.






Napangiti ako pagkakita ko sa anak ko. Hindi ako makapaniwala na nailuwal ko ang anak ko kahit walang ama. Sulit ang lahat ng paghihirap ko sa pagdadala sa sinapupunan ko.





Tinignan ko ang mga mata ng anak ko. Tama nga si rage, kulay green ang mga mata ni baby tyler parang katulad ng kay tyrone.





Speaking of tyrone.






Nasaan na ang lalaking iyon?, may galit man akong nararamdaman sa kanya sa mga nalaman ko, pero gusto kong magpasalamat dahil sinamahan niya ako sa panganganak sa loob. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit siya umiyak ng kargahin niya ang anak ko?







"Wala siya dito." napatingin ako kay rage.






"Ha?" takang tanong ko.



"Umalis siya kasama ang bruhang allison na iyon." sabi niya na ikinatawa ko ng bahagya.




Nalungkot ako sa sinabi ni rage. Hindi ko maintindihan sa sarili ko, pero gustong-gusto ko makita siya na karga niya ang anak ko. Katulad ng sa operating room kanina.





Biglang pumasok ang isang nurse at isang doctor na sa tingin ko ay specialista sa hospital na ito.





"Anong pangalan ng pasyente at ang kanilang anak?" tanong niya sa nurse. Hinanap naman ng nurse ang sinasabi ng doctor sa kanya.

"Ang pangalan ng pasyente po ay Andrea Sanchez at ang baby po ay Tyler Andrey Sa sanchez" sagot sa kanya ng nurse.





Tumingin sa amin ang doc at ngumiti.





"Congratulation miss sanchez your baby is healthy. You see his eyes? It's pure green. You can go home tomorrow." masayang bati ng doctor sa akin.

"E doc, wala bang iinumin na gamot si andrea?" tanong ni rage na seryosong nakaupo sa sofa.





"Wala po mr. Sy. Kailangan lang ng breastfeed ng bata." sabi ng doctor kay rage.





"Ok thanks." sabi ni rage sa doc at umalis na.





Bigla namang umiyak ang anak ko, naku! Mukhang gutom na ang anak ko.





Pero, ayoko naman mag-breastfeed kay baby tyler ng nandito si rage.




Tumingin ako sa kanya, mukhang na-gets niya ang pahiwatig ng titig ko.





"Ok lalabas na. Baka agawin ko IYAN kay baby tyler." sabi niya pero narinig ko ang huling sinabi niya.






"May sinasabi ka?" tanong ko sa kanya.




"Wala. Sabi ko lalabas ako." sabi niya at lumabas na ng kwarto.





Napangiti na lang ako sa inasta ni rage, tumingin ako kay baby tyler.





"Baby, aagawin daw ni rage yung pagkain mo." Kausap ko sa anak ko na lumakas ang iyak.




Naku! Hindi papayag ang anak ko.







--------------




Thanks for reading!




A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon