Chapter 54

121K 1.6K 52
                                    






Chapter 54:






MITZY P.O.V






Napalingon ako sa isang nilalang na dumating kung bakit nangyari ito sa bestfriend ko.





Naninilim ang paningin ko sa kanya. At binabalot ako ng galit sa kanya.






"WALANG HIYA KA!" Hindi ko mapigilang sumigaw sa galit sa pagdating ni tyrone.





Naglakad ako palapit sa kanya.





"DAHIL SAYO KAYA NANGYARI ANG LAHAT NG ITO KAY ANDREA!!! DAHIL SAYO KAYA NGAYON NAKIKIPAGLABAN SIYA KAY KAMATAYAN!!!!..." pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa aking pisngi gamit ang aking palad.





"...BAKIT IKAW PA? HA? BAKIT IKAW PA ANG MINAHAL NG BESTFRIEND KO?!!! GANYAN KABA KA MANHID HA?!! GANYAN KA BA KA MANHID PARA HINDI MO MARAMDAMAN NA MAHAL KA NG KAIBIGAN KO!!" umiiyak na sigaw ko sa kanya. Napatigil ako ng mapagtanto ko kung ano na ang mga nasabi ko.




"She loves me?" Hindi makapaniwalang tanong niya.






"A-ahm----





"Sino ang asawa ng pasyente?" Napalingon kami sa isang doctor na nag-assist kay andrea.







"AKO PO!"-tyrone



"AKO PO!"- rage






Nanlaki naman ang mata ng doctor sa pagsabay ng boses nina rage at tyrone.




"I mean, Real husband." Malamig na sabi ng doctor.





Agad namang ibinaba ni tyrone ang kanyang kamay at napayuko.





"A-ako po." Napatingin ako kay rage na nauutal pa.





"Ok. So, yung pasyente ay comatose. Maraming dugo ang nawala sa kanya kaya kailangan siya masalinan as soon as posible. Malaki rin ang cut sa kanyang ulo dahil sa incident. Tinahi namin ito at nilinis na. Kailangan din natin i-CT scan ang kanyang ulo. Maaari kasing may posibilidad na may namuong dugo sa kanyang utak kung bakit hindi pa siya nagising ngayon. Iyon lang. Thank you." Sabi ng doctor. Hindi ako nakakibo sa mga sinabi ng doctor. Kahit sinuman samin ay tila natahimik sa mga sinabi ng doctor.






"Dadalhin na namin ang pasyente sa ICU." sabi ng doctor at umalis na.





Napaupo ako sa sahig.



Comatose. Posibilidad na mabuhay pa siya o hindi na.






TYRONE P.O.V





Hindi ako nakaimik agad sa mga sinabi ng doctor. Nakakadama ako ng galit sa sarili ko at pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat na ito.




Napatingin ako sa gawi ng babaeng nakasalampak ngayon sa sahig at tulalang umiiyak. Isa rin sa gumugulo sa isip ko ang mga sinabi niya kani-kanina lang.




Mahal daw ako ni Andrea.




Mahal nga ba ako?



Ayy! Ewan ang gulo.





Napatingin ako sa papalabas na doctor at mga nurse tulak ang hospital bed kung saan nakahiga si andrea at ang daming tubo ang nakakabit sa kanya. Para akong pinatay sa nakikita ko ngayon.





Aparato na lang ang bumubuhay sa kanya at kapag natanggal ang bawat tubo na nakalagay sa kanyang katawan ay posibleng mawala siya. At masakit para sakin iyon.





"Kim! Sis! Lumaban ka. Pakiusap." Umiiyak na wika ng isang babae.




Kim? Kelan pa naging kim si andrea?




----





Thanks for reading!


DEINLICIOUS

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon