Chapter 63:
RAGE P.O.V
Siya ang ama.
Paano nangyari 'yon?
"TITOOOOO!!!!!!!!!" isang batang tumatakbo palapit sakin pagkarating ko sa mansyon.
"Oww! Baby tyler." nakangiting saad ko dito at kinarga.
"Alam niyo po ba ser, pagkaalis niyo kanina. Nagpaligo agad siya sa akin at nagbihis." sabi ng nanny nito.
"Haha! Ganun ba? Aalis kasi kami ni baby boy. Diba baby boy?" sabi ko dito. Tumango-tango naman ito.
Lumabas na ako ng mansyon kung saan ko pinark sandali ang sasakyan ko. Pina-upo ko si tyler sa passenger seat at sinuotan ng seatbelt at saka kami pumunta ng mall.
ANDREA P.O.V
Napahiyaw ako sa sobrang sakit ng ulo ko.
Ewan ko kung nananaginip ba ako o ano.
Nasa isang aksidente daw ako at umaapoy ang sasakyan. Umiiyak ako sa dalawang taong nakahiga. Iyak ako ng iyak habang niyuyogyog ang dalawang taong 'yon. Nakikita ko ang batang babae na umiiyak. At naaawa ako sa batang iyon. Para kasing ako 'yon.
Parang totoo ang lahat.
Nang kumalma na ako dahil sa pinainom saking gamot ay napahiga ako.
Hindi ko alam pero namalayan ko na lang na umiiyak ako.
"Kim?" napalingon ako kay mitzy. Isa rin ang babaeng ito. Kim ang laging tinatawag sakin.
Sino ba ako?
Para akong isang sanggol na bagong panganak na walang kaalam-alam sa mundong ginagalawan ko.
Sabihin ko kaya sa kanya yung napanaginipan ko?
"M-mitzy. Nanaginip ako na naaksidente. Umiiyak ang batang babae sa dalawang taong nakahiga sa lupa." sabi ko sa kanya.
Nanlaki naman ang mga mata niya at gulat na gulat siya sa sinabi ko.
May biglang pumasok at napalingon kami kung sino. Si Ian.
Ewan ko pero nakakaramdam ako ng galit sa kanya.
"Kamusta kana, andrea?" tanong nito sa akin.
At akmang hahawakan niya ako pero pinigilan ko na agad siya.
"Wag kang lumapit." sabi ko.
"B-bakit?" naguguluhang tanong nito.
"Wag mo akong hahawakan." sabi ko.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero nakakadama talaga ako ng pagkainis sa kanya.
"Lumabas ka muna, tyrone?" sabat na ni mitzy.
Tumingin muna sa akin na nagtataka si Ian bago siya lumabas ng kwarto kasama si mitzy.
Tyrone? Yon ba ang pangalan niya?
Hindi Ian.
Nagulahan ako lalo sa naisip ko dahilan para manakit na naman ang ulo ko.
"ARGHH!!!!"
[Memories: Tumakbo ako palabas ng isang nagaganap na event. Gusto ko makalayo dito. Dapat hindi na lang ako sumama at dapat inalagaan ko na lang ang anak ko. Si Tyrone, ikakasal na siya sa IBA. Yung lalaking minamahal ko pero pinaasa ako na magiging totoo ang pagpapanggap namin na mag-asawa.]
"Ahhh!! Ang Sakittttt!!!!"
Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko sa sobrang sakit. Gusto ko iuntog sa pader. Pinilit ko bumaba sa kama kaso huli na ang lahat dahil na-block out ang paningin ko at tuluyan na akong bumagsak sa kama.
------
Thanks for reading!
DEINLICIOUS
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...