Chapter 17
Pagkababa ko sa taxi ay agad agad ako dumiretso sa baby's Department.
Agad akong pumulot ng pang-sanggol na damit. Kinuha ko yung kulay blue pero mas nagandahan ako sa kulay pink. Pareho lang sila pero nagkaiba sa kulay.
"Ano ba ang maganda?" tanong ko sa sarili ko at tinaas yung dalawang damit.
"Mas maganda kung pareho mong kukunin." napalingon naman ako sa nagsalita.
"Hehehe!" nasabi ko na lang. Hindi ko kasi kilala yung lalaki.
"So, buntis ka pala. Hindi halata." sabi niya at tinulungan ako maghanap na nababagay na damit para sa sanggol.
Tumingin lang ako sa kanya, masyadong friendly ang isang 'to.
"Salamat. Pero hindi ko alam kung ano ang gender ng anak ko kaya hindi ko alam kung ano ang bibilhin ko." sabi ko sa kanya.
"Kaya nga diba, sabi ko bilhin mo 'yang dalawa. Para makasigurado." sabi niya.
May point siya, nilagay ko na lang sa push cart yung dalawang damit.
"Marunong ka ba pumili ng damit for baby." tanong ko sa kanya.
"Oo. Bakit gusto mo tulungan kita?" nakangiting tanong niya sakin.
Tumingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Hindi naman siya mukhang magnanakaw dahil pormal ang suot niya.
Tumango ako sa kanya.
"Sige ba." sabi niya at naglakad pa kami, siya na ang nagtulak ng pushcart.
Kumuha kami ng pambabae at panlalaki ng lampen, medyas, babies gloves, pajama's, towel, damit, shorts at kung ano-ano pang-related sa sanggol. Gusto niya kumuha ng stoller kaso ang sabi ko wag na muna baka mahalata ng mga tao sa bahay.
Puno ang pushcart namin kaya dumiretso na kami sa counter para bayaran yung pinamili ko.
Tumingin ako sa orasan ko.
"Naku! Six pm na pala." sabi ko sa kanya.
Tumingin siya sakin.
"Bakit? May pupuntahan kaba?" tanong niya sakin.
"Wala. Ahm... Tara kain muna tayo." sabi ko sa kanya.
Gustuhin ko man umuwi ay ayoko muna. Malamang nandoon na naman yung dragon na 'yon!
Dumiretso kami sa jollibee at umupo kami malapit sa glass window.
"Ako na mago-order. Ano ba gusto mo?" tanong niya sakin.
"Naku! Sigurado kaba?" nahihiyang sabi ko sa kanya. Ako yung nagyaya pero siya 'tong magbabayad kaya nakakahiya talaga.
"Oo. So, ano ang gusto mo?" tanong niya ulit.
"Ahm. One piece of fried chicken na lang." sabi ko.
"O sige." sabi niya at saka pumunta sa counter.
Ring..ring...
Napatingin naman ako sa cellphone ko.
Dragon is calling...
Ano naman ang kailangan ng dragon na 'to?
Pinatay ko yung tawag at pero nagri-ring na naman.
"Aish! Nakakainis naman!" inis na sabi ko at in-off yung phone.
Dumating na ang order namin.
"Alam mo, ang bilis mo magtiwala sa tao." sabi niya sakin at inabot yung order ko.
Napatingin naman ako kanya.
"Huh? Bakit naman?" naguguluhang tanong niya.
"Kasi tignan mo. Kakakilala lang natin sa department at tinulungan lang kita mamili ng damit para sa future baby mo. Pero tignan mo ngayon, nagyaya kapa para sabay tayo kumain." tuloy-tuloy na sabi niya.
"E, mukha ka kasing friendly at mabait." sabi ko sa kanya.
"Lahat ng tao kaya maging friendly pero hindi lahat mabait, yung iba sindikato na. Pasalamat ka ako yung nakilala mo. By the way, i'm Rexie Villamor." wika niya at nakipag-shake hands sakin.
"Andrea Sanchez-S-sy." pagpapakilala ko pero bigla akong nanginig ng sabihin ko yung apelyido na hindi naman talaga akin.
"Nice to me-----" hindi na natapos ang sasabihin ni rexie ng may nakita siyang nilalang sa likod ko. Nilingon ko naman kung sino.
O_______O - me
-_________- -him
"T-tyrone?" nanginginig na tawag ko.
"So, there you are." malamig na sabi niya.
Patay galit na naman ang dragon.
********
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...