TYRONE P.O.V"Na realized mo na ba kung gaano ako kaganda, darling?" bumalik ako sa ulira mula sa malalim na pag-iisip. Napangiti na lang ako sa biro niya.
"Matagal ko ng na realized na maganda ka." bola ko sa kanya at naglagay ng red wine sa dalawa kopita at binigay sa kanya.
"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kanya.
"Wala, namiss lang kita." nakangiting lambing nito.
'Sorry pero di kita namiss.'
Gusto ko sanang sabihin kaso baka mag-away lang kami. Ngumiti na lang ako at inubos ang wine ko.
Kinagabihan....
Kasalukyang nagnamaneho ako pauwi sa bahay, alas-syete pala pero parang gabing-gabi na yung uwi ko.
Napadaan ako sa isang mall, nagpark muna ako at bumili ng pasalubong para sa mag-ina ko. Isang robot para sa anak ko at bouquet red roses para sa ina ng anak ko.
Tangina, taeng-tae na ako makita ang mag-ina ko.
--**--
ANDREA P.O.V
"Mommy, yabol!" sigaw sakin ni baby tyler. Natawa naman ako ng bahagya dahil sa bulol na salita niya. Na imbis habol, 'yabol'. Hahahahaha!
Tumakbo naman ako at hinabol siya. Pero syempre yung mabagal na takbo lang.
"Ayaaaaannn na si mommmmyyyy.. Awoooo!" sabi ko at hinabol siya. Nang maabutan ko siya agad ko siyang kinarga at pinaghahalikan sa leeg.
Kasalukuyang, hindi na makahinga ang anak ko kakatawa ng biglang may naamoy agad ako na pabango ng lalaki.
Napatigil ako sa pakikipaglaro sa anak ko at lumingon sa pinanggalingan ng amoy ng pabango.
"Nan----"
"DADAAAAAAAAA!" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang tumakbo ang anak ko patungo kay tyrone.
Ngayon ko lang na pansin na may dala pala siyang bouquet red roses. At isang malaking supot na naglalaman na naman ng laruan.
Biglang may kumirot naman sa puso ko ng makita ang bouquet roses na yon na nilapag niya sa sahig. Dahil niyakap niya ang anak ko.
Akala ba niya nandito si allison?
"Ah, tyrone. Wala nga pala si allison dito." sabi ko pero nakatingin sa iba ang paningin ko. Ayokong makita niyang masakit sakin na makita may dala siya bouquet rose para sa isang babaeng totoong mahal niya.
"Alam ko." sagot niya at inabot sa anak ko ang bitbit niyang malaking plastic bag na naglalaman na naman ng laruan.
Pero teka, alam niya palang wala dito ba't may dala siyang bouquet? Para sakin ba yan? Psh! Asa! Baka naman kina manang o baka kay rage o baka kina manong driver? Tama tama!
"For you, my babyboy." nakangiting sambit niya sa anak ko at inabot ang bitbit niyang pasalubong.
"Yehey! Tak u dada!" bulol na sambit ng anak ko. Dahil para mapatawa ako.
Tumakbo na papuntang kwarto ang anak ko bitbit ang bagong laruan niya. Susundan ko sana siya ng may narinig ako nagsalita.
"San ka pupunta?" napahinto ako sa paglakad at dahan dahan siyang nilingon. Nakatayo na siya ngayon at hawak niya ang bouquet roses.
"Ahm, susundan ko lang si baby boy." sabi ko. Shet! Ba't ako kinakabahan?
Naglakad siya palapit sakin. Hindi naman ako makagalawa sa kinakatayuan ko.
Para akong nanigas na natatae, na nauutot, na naiihi. Na ewan! Habang naglalakad siya papalapit sakin mas lalo kong naaamoy ang pabango niya.
"Here." sabi niya at inabot sakin ang bouquet roses.
Gulat na gulat naman ako napatingin sa kanya.
"S-sakin ba yan? Baka kay allison yan?"
Shet! Ba't ko ba nasabi pangalan ng bruha na yon?
"Para sayo yan. Pasalubong ko." sabi niya.
Dahan dahan ko namang inabot ang bouquet. Habang inaabot ko ang bouquet, unti unti namang namumula ang pisngi ko.
"S-salamat." nahihiyang sambit ko.
"Te amo." sabi niya at naglakad na palayo.
Natulala naman ako sa huling sinabi niya.
Nag-thank you na nga ako minura pa ako.
Taenamo ko daw?
---------
PLEASE COMMENT AND VOTE...
THANKS FOR READING...
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...