ANDREATinulak ko siya nang buong lakas dahilan kung bakit siya napabitaw sa bewang ko.
Napansin ko ang pag ngunot ng kanyang noo.
"Alam mo tyrone, tigilan mo na ako." Seryosong sabi ko sa kanya. Tatalikod na sana ako pero hinigit niya ang braso ko.
"Titigil saan?"
Napabuntong hininga ako bago tumingin ng diretso sa mga berde niyang mata.
"Itong ginagawa mo, itigil mo na. Please." Nakikiusap na wika ko sa kanya.
Lalong siyang naguguluhan na tumingin sa akin.
"I don't understand you."
Nag buntong hininga ulit ako. Pinipigilan kong sumabog sa galit.
"Hindi mo ba napapansin ang mga ginagawa mo sa akin, ha?! Kaya please itigil mo na. Bago ULIT ako masaktan." Mahinahong pakiusap ko sa kanya.
Hindi ko namalayan na unti unti na pa lang naglalaglagan ang mga luha ko.
"Ginagawa ko kasi ito kasi mahal kita. Hindi mo ba maintindihan iyon?!"
Lalo tumulo ang mga luha ko.
"HINDI TALAGA KITA MAINTINDIHAN!!!" Wala na tuluyan na ako sumabog sa galit, takot, at kaba ko.
"W-why?" Nauutal na tanong niya.
"HINDI KITA MAINTINDIHAN DAHIL ANG GULO MO! ANG GULO GULO MO?!! ANG SABI MO NOON SA AKIN NA HINDI MO AKO KAYANG MAMAHALIN DAHIL ISA AKONG DISGRASYADA PERO, ANO ITONG NANGYAYARI NGAYON?! BAKIT NGAYON MINAMAHAL MO AKO?!!! BAKIT PINAPAASA MO AKO SA WALA?! BAKIT NAGE-ENJOY KANA SAKTAN AKO?!!! ANG DAYA DAYA MO TYRONE?!! Pinaghahamapas ko siya sa braso habang sumisigaw ako sa kanya.
Wala na akong pakelam kung nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha ko na sunod sunod nagbabagsakan.
Bigla niya akong yinakap ng mahigpit, nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas kaya hinayaan ko na lang siya na yakapin ako at umiyak ako sa dibdib niya.
"Huwag mo na ako paasahin. Please tyrone. Ayoko nang masaktan." Mahinang sabi ko at nanatiling sa mga bisig niya.
"Tell me, what to do? Para hindi na kita masaktan?" Narinig kong paos na boses niya. Gusto ko tumingala para tignan kung umiiyak siya pero hindi pa ako nakakatingala ng maramdaman kong may tumulo ng tubig sa bandang tenga ko.
Ito na nga siguro ang pagkakataon para magkaroon ako ng PAHINGA.
Pahinga mula sa pagod.
Humiwalay ako sa kanya at tumingin ako sa kanya. Napansin ko ang namamaga niyang mga mata dahil sa pag-iyak.
"Hayaan mo akong hanapin ang sarili ko na hindi ka kasama."
Nagulat siya sa sinabi ko.
"A-andrea."
"Iyon ang gusto ko na gagawin mo." Sabi ko at umakyat sa kwarto ko.
Umupo ako sa kama at doon umiyak ng tahimik.
Sana hindi mali ang naging desisyon ko.
TYRONE
No!
Gusto ko tumanggi sa kagustuhan niya.
Paano ako kung wala siya?
Paano ang anak namin?
Ayokong magkaroon ng broken family ang anak ko. Gusto ko buo at masayang pamilya. Pero, paano kung ang ilaw ng tahanan na ang sumuko? Wala nang silbi ang haligi nang tahanan dahil hindi na ito magiging masaya.
Napasalampak ako sa sahig at sinabunutan ko ang buhok kasabay ng pagtulo nang luha ko.
Kasalanan ko! Sa umpisa pa lang kasalanan ko na. Hinusgahan ko siya at pinandirihan dahil sa akala ko ay disgrasyada talaga siya. Pero mali, dahil ako pala ang nakadisgrasya sa kanya. Hinayaan ko ang sarili ko na mawala nang tuluyan ang nararamdaman niya sa akin
At ito ako ngayon, nagdudusa dahil hindi na ako mahal ng taong minamahal ko.
"Please andrea. Don't leave me. I'm scared." Mahinang sabi ko at umiyak.
NAGISING ako na nakatulog sa sofa. Hindi ko alam kung paano ako na punta dito gayong nakasalampak ako sa sahig hanggang sa nakatulog ako. Napatingin ako sa kumot at unan.
"Andrea." Sambit ko nang maisip ko na siya ang naglagay nito sa akin.
Tumayo ako at napatingin ako sa wall clock.
Alas-otso-i-medya na pala ng umaga.
Nagluto ako ng almusal at saka umakyat sa kwarto ni andrea.
"Andrea." Tawag ko sa kanya habang kumakatok.
Ngunit, wala akong narinig na sagot.
"Andrea, kumain na tayo." Sabi ko pero wala pa rin akong narinig na sagot.
Hindi ko maiwasang lumungkot dahil mukha bumalik na naman ito sa dating gawin na hindi kakain ng ilang araw at magiging tuliro.
Binuksan ko ang pinto. Pero walang andrea ang tumambad sa akin.
Kinabahan ako sa biglang inisip ko.
"Hindi! Hindi niya magagawa sa akin iyon." Hibang na sabi ko sa sarili ko.
Dumiretso ako sa banyo, sa ilalim ng kama, sa cabinet, at sa terraces pero wala siya.
Lumabas ulit ako nang kwarto at dumiretso sa hardin. Baka nandoon siya pero nadatnan ko si mommy na nakaupo sa duyan.
"Mommy? Nakita mo ba si andrea?" Kahit nagtataka ang mata ko kung bakit nandito siya pero mas iniintindi ko si andrea ngayon
"Wala na siya anak."
Kinabahan ako sa sinabi ni mommy.
"Anong wala mommy? Kausap ko lang siya kagabi at----"
Hindi na pinatapos ni mommy ang sasabihin ko nang magsalit siya.
"Panahon anak."
"Panahon?"
"Bigyan mo siya ng panahon. Bigyan mo nang panahon ang mag-ina mo, anak."
..........
Thanks for reading.
![](https://img.wattpad.com/cover/93970671-288-k293812.jpg)
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...