Chapter 61:
MITZY P.O.V
Inis akong bumalik sa kwarto ni andrea na ngayon ay natutulog na.
Ang kapal ng mukha niya! Masyado siyang nagpapakitang tao! Hindi bagay pwe!
Sa totoo lang, wala talaga akong balak ipaalam sa KANYA na gising na si andrea dahil sasabihin ko naman kaso kay rage na totoong nagmamahal kay andrea. Kaso hindi ko muna siya tinawagan dahil busy siya doon sa europe para sa business.
Kaso dumating naman ang letseng lalaking ito at nalaman na nga niya.
Sumalampak ako sa sofa. Ayoko talaga sa lahat ay yung nagagalit ako! Kaso hindi ko maiwasan lalo na kapag nandyan yung lalaking yan na laging pinapaiyak si andrea.
Tumingin ako sa orasan. Naku! 8:48 na pala at hindi pa ako kumakain.
RAGE P.O.V
Kinabukasan maaga akong nagising para pumunta sa hospital.
Nakaayos na ako ng makita ko ang anak ni andrea na nakaupo sa may sofa at nanonood ng oggy and the cockroaches.
Lakad ako palapit dito at umupo sa tabi niya.
"Goodmorning babyboy." Nakangiting bati ko dito. Tumingin naman siya sakin at ngumiti.
"Ning to!" Sabi nito at niyakap ako. Napangiti ako sa ginawa ng bata. Napakalambing nito at manang-mana sa nanay niya.
"Kumain kana?" Tanong ko dito. Umiling ito na nakahaba ang nguso.
"Oh! Ba't hindi kapa kumakain? Sasakit tummy mo niyan." Sabi ko at kinarga siya sa kandungan ko.
"Mimi?" Malungkot na tanong nito.
Hindi ko maiwasang maawa sa batang ito. Hindi niya nga pala nasilayan ang mama niya.
"Ahm... Wala si mimi mo dito. Ahm pumunta sa malayo." sabi ko dito at inayos ang buhok nito.
Naiiyak naman na tumingin ito sa akin.
"You know what. Ipapasyal na lang kita but pag-uwi ko. May pupuntahan pa si tito e." masiglang saad ko sa bata. Napalitan naman agad ng ngiti ang kaninang mukha nito na malungkot.
Nagpaalam na ako sa bata at sa nanny nito na aalis na. Kailangan ko pang pumunta muna ng opisina ni tyrone para sabihin sa kanya ang pinapasabi sa akin ni daddy nung ako'y nasa europe pa. At kailangan ko pa pumunta sa hospital para bisitahin si andrea. Almost 2 years na mula nung huli ko siyang makita.
"Good afternoon sir. Rage!!" bati saakin ng dalawang guard sa labas.
Sinuklian ko sila ng ngiti tugon sa pagbati nila.
"Good afternoon Mr. Rage Sy!"
"Welcome back sir!"
Lahat na makakasalubong kong empleyado ay binabati ako. Nginingitian ko naman sila.
Sumakay ako sa elevator papuntang last floor kong nasaan ang opisina ni tyrone.
Pagkadating ko sa last floor ay may lumabas na dalawang lalaki na mukhang investigator dahil sa suot nitong uniform at makapal na jacket. May dala rin silang folder na makapal.
Anong ginagawa nila dito?
Nginitian naman nila ako ng makasalubong ko sila. Kaso hindi ko ito sinuklian ng ngiti dahil seryoso akong nakatingin sa kanila.
Mukhang kailangan magkwento ni tyrone tungkol dito.
"Goodafteroon Mr. Rage Sy. Ahm... M-may appointment po si Mr. Tyrone." kinakabahang wika ng secretary ni tyrone.
"Cancel it." seryosong sabi ko dito.
"B-but..."
"Do it or else you're fired." banta ko dito. Kabado namang tumango ang secretary nito at agad na umalis sa table niya para gawin ang sinabi ko.
Hindi na ako kumatok at dumiretso na ako.
"So you have two private investigators?!" inosenteng tanong ko pagkapasok ko. Mukhang nagulat naman siya sa pagdating ko.
Unexpected?
"R-rage?" kinakabahang tawag nito sa pangalan ko.
Ngumiti ako dito at umupo sa sofa at pinihit ito paharap sa kanya.
"What?! Hindi mo ba ineexpect na nandito ako." seryosong sabi ko dito.
Tinago niya ang folder niya sa ilalim ng drawer. Iyon siguro ang binigay nung dalawang P.I ba iyon.
Bumalik sa akin ang tingin niya. Kaso yung kanina niyang kabadong mukha ay napalitan na ng seryosong tingin.
"Tell me the truth." sabi ko.
Kumunot ang noo nito.
"What the hell your talking about?" malamig na tanong nito.
------
Thanks for reading!
DEINLICIOUS
![](https://img.wattpad.com/cover/93970671-288-k293812.jpg)
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...