Mark's POVSabi nila kapag nakita mo na daw yung "The One", para daw yung kumikislap na mga bituin sa paningin mo. Na kahit gaano kadilim at kabigat ng pakiramdam mo. Makita mo lang siya, parang gumagaan ang lahat, nawawala ang takot at pangamba at maiiwan kang naka tulala sa angkin nitong ganda. At para sakin sa nag iisang babae ko lang iyon nakita.
(Flashback)
November 2010
Tuesday ng umaga sa room.
Inaantay namin ang pag dating ng prof namin sa history. Ngayon lang siya na late sa ilang buwan na pagtuturo niya samin kaya naman ipinagtaka talaga namin yon.
Maya-maya lang ay dumating siya na may kasamang isang estudyanteng babae sa uniform pa lang ay sigurado ng educ ang course niya.
Tiningnan ko siya, kulot ang lalaylayan at wala sa ayos ang kanyang buhok kaya naman halos matakluban ang kanyang mukha, naka salamin na malaki at mukhang nerdy at mukha ding weirdo. Ang iba sa mga classmates ko ay pinag tatawanan na ang itsura niya pero parang wala siyang pakialam at walang naririnig sa malalakas na bulungan na panlalait sa kanya.
"Sorry class, I'm late. Nag critic kasi ako sa on the spot na pag dedemo nitong batang 'to." Nakangising turo niya sa estudyanteng babae. Sa expression ni ma'am mukhang may konti siyang inis pero dama ko na gusto niyang ipag malaki ang estudyante na 'yon sa amin. "Nga pala class, this is Ms. Georgina Jane Angeles. Taking up BSED major in Science. Ang estudyanteng kahit na ma on the spot ay talaga namang ang galing padin." Sarkastiko pero nakangising dagdag pa ni Ma'am. Tiningnan ko naman ang babae ngunit tila wala pa rin siyang pakialam sa kung ano man ang sinasabi ni Ma'am.
'parang walang naririnig. Ganyan ba talaga siya?
"Excuse me Ma'am. Can I go back to my room now?" Walang emosyong tanong niya. Mahinahon naman ang pag sasalita niya pero ang cold masyado no'n at dama ang kawalan niya ng gana.
"Ah sorry! I forgot that you have classes too. You have to make a lesson plan para doon sa dinemo mo kanina. Gusto ko mapasa mo din sakin mamaya." Utos ni Ma'am. "But before you leave, can you tell us what you know about the Philippine Revolution?" Tumayo si ma'am at pinalipat ng upuan ang isa sa mga classmate ko at doon naupo sa unahan at si Georgina ay nasa harap naming lahat. "Share it in front of us." Utos ni Ma'am pagkaupo. Nakita ko namang bumuntong hininga muna si Georgina at halatang napipilitang lumapit sa gitna sa harap ng table ni Ma'am.
"The Philippine Revolution began in August 1896, when the spanish authorities discovered katipunan." Nag simula siyang mag salita at
kahanga-hanga ang ganda ng pag dadala niya sa sarili niya. Ang fluent ng english niya at pormal ang tono sa pananalita niya. Para siyang bihasang speaker sa mga seminars and meetings. At talagang mapapakinig ka sa dating, tindig at pag sasalita. "Katipunan is an anti-colonial secret organization led by Andres Bonifacio, a rebellionist movement whose goal was independence from the 350 years of colonial control from spain through armed revolt." Ang galing niya. Para matandaan lahat ng yon. Ang hirap kaya mag saulo sa history."Very good. Talagang kahit on the spot ay may naisasagot ka. Kahit na nakakainis ang malimit na pag asta mo na parang walang pakialam. But once na nagsalita ka na ay talaga namang kahit sino ay mamamangha sa galing mo." Nakangiting papuri ni Ma'am. "Okay, you may go." Pag senyas niya kay Georgina. At basta na lang siya nag lakad papalabas na hindi man lang nag paalam.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...