Chapter 12

173 50 17
                                    


Nick's POV

"Saan ka galing? Bakit hindi ka umuwi kagabi?" Nag aalalang tanong ko kay Georgina.

"Nakitulog ako sa bahay ng kaibigan ko. Napainom din kasi ako kaya hindi na ako umuwi." Walang emosyon sagot niya at nag diretso sa kusina at naupo sa mesa. "Kaibigan ko ang may ari ng restobar na pinuntahan ko. Sa sabado ay makikilala niyo siya."

"Nagka usap ba kayo ni Mark?" Pagbubukas sa usapan ni Cindy.

"Pinasundan niyo ko kay Mang Teddy, nagpunta dito si Mark at sinabi niyo kung nasaan ako. Ganon ba ang nangyari?" Malamig na pagsagot at pagtatanong niya.

"Nag alala lang ang daddy mo kaya pinasundan ka niya." Tugon ni Cindy.

"Ayos lang. Pero sa susunod, kung sakali mang magpunta ulit si Mark dito at wala ako. Wag na wag niyo ng sasabihin kung nasaan ako. Pakiusap yan."

"Bakit? Anong ginawa sayo non?"
Galit na tanong ko.

"Wala. Wala siyang ginawa. Lahat ng sinabi niya ay masarap sa pandinig ko. Pero hindi non mababago ang desisyon ko, ayoko ng makita pa siya." Mariing sabi niya.

"Bakit?" Nag aalalang tanong muli ni Cindy.

"Dahil ayokong magaya sayo." madiin sabi niya na pinaka titigan pa si Cindy. "Ayokong may masirang relasyon ng dahil sakin. At mas lalong hindi ko kayang maging masaya habang may ibang nagdudusa at nasasaktan." Dagdag niya at saka tumayo, tumalikod at naglakad ng kaunti papalayo samin. "Hindi porket mahal ang isa't isa hindi na iisipin ang magiging kalagayan ng iba. May kasabihan ngang, kapag ayaw ng babae ay walang magagawa ang lalake. Kaya bago pa man kami magaya sa inyo ay ako na ang kusang lumayo." Sabi niya na nakatalikod padin. Saka muling humarap. "Hindi ba kayo inuusig ng konsensya niyo? Na may taong nagpakamatay dahil sa pagsunod niyo sa kaligayahan niyo?" Nakangising dagdag niya. "Kung hindi, ang titibay pala talaga ng mga mukha niyo!" Yun lang at saka siya tuluyang umakyat sa taas patungo sa kwarto niya.

Hindi na kami muling nakapag salita pa. Sinundan ko lang ng tingin si Georgina at saka ako napalingon kay Cindy na napaupo sa upuan at napahawak sa kanyang ulo.

"Wag mo isipin ang sinabi niyang yon." Sabi ko habang hinahaplos ang kanyang likuran.

"Pero kung totoo ngang nagpakamatay si Elizabeth, kasalanan natin yon Nick!" Naiiyak nitong sabi. "Alam ng Diyos, na hindi ko yon ginusto."

"Please wag ka mag isip ng ganyan. Ang sabi ni Georgina, ay nawala sa katinuan ang pag iisip ni Elizabeth. Yon ang naging dahilan noon."

"Hindi mawawala ang katinuan sa kanyang pag iisip kung hindi siya na depress sa pagkawala mo Nick. At ang pagsasama natin ang nakapag palala sa kalagayan niya."

"Pero hindi ako sumuko sa paghahanap sa kanila noon. Nagpabalik balik ako sa lugar na iyon pero ang sabi ni Mr. Kong ay umalis ang mag ina ko. Natigil lang naman ako sa paghahanap ng kinailangan akong ipadala ni Dad sa ibang bansa para sa kumpanya."

Iyon ang talagang dahilan. Umalis ako at iniwan sila pero makalipas lang ang isang buwan ay bumalik ako sa bahay pero hindi ko na sila dinatnan pa roon. Ang sabi sakin ni Mr. Kong ay umalis daw ang mag ina ko. Si Mr. Kong ay ang nag mamay-ari ng isang convient store sa tapat namin at apartment sa may likod ng bahay namin.

Saka lang kami naging maayos ni Cindy makalipas na ang isang taon na hindi ko sila mahanap. Kahit na sa pagtagal ay nagka balikan kami ni Cindy, hindi ako huminto sa paghahanap sa aking anak. Gustong gusto ko siyang makita at makasama. Gustong gusto kong malaman ang kalagayan nila. Kaya lang nahinto ang aking paghahanap ng ipadala ako ng aking ama sa ibang bansa para sa lalong pagpapalago ng kumpanya. Dalawang taon akong napatigil doon.
Pero bago ako tuluyang maka alis ng bansa ay dumaan ako kay Mr. Kong para ibilin na sabihin agad sa akin kung sakali mang bumalik ang aking mag ina. Pero hindi ako naka tanggap ng e-mail. At nang makatanggap ako ay...

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon