Chapter 106

145 9 13
                                    


Aaron's POV

Pagkapasok ni Tita Cindy sa cr ay agad akong sinalubong ng yakap ni George.

"Sorry," naluluhang sambit ni George. "I was wrong to treat you that way, dapat mas inunawa kita hindi pinag toyoan." Dagdag niya pa. Pumapatak na ang mga luha.

Umalis ako sa pagkakayakap niya at upang mapunasan ang luha sa kanyang pisngi at dinampian siya ng halik sa noo. "Tahan na, hindi ba't ang sabi ko ay ayoko nang makita kang umiiyak?" malumanay na sabi ko. "Hindi ako galit sayo, hindi rin masama ang loob ko dahil naiintindihan ko ang nararamdaman mo. These past few days masyado akong naging busy at nawawalan ako ng oras sayo and I'm sorry. Nahihirapan ako dahil sobra din kitang namimiss kaya nga pinipilit kong matapos na agad kahit na wala na akong tulog para pag natapos ko na ay makabawi na ako ng buo sayo. Mabigay ko na ulit ang karamihan sa oras ko sayo dahil iyon din naman ang gusto ko, ang palagi kang makasama." Paliwanag ko.

Imbis na tumugon ay muli siyang yumakap at mas hinigpitan pa 'yon. "Bakit ka ba ganyan?! Deserve ba talaga kita?"

Inalis kong muli ang yakap niya at kinurot siya sa magkabilang pisngi, "Ayan ka na naman sa kung ano-anong natakbo sa isip mo. Mahal na mahal kita! At alam kong kaya ka lang nagkakaganyan dahil mahal na mahal mo din ako at sapat na sakin yon." Saad ko at dinampian naman siya ng halik sa labi. "Sa labas na muna ako. Sa sala kami mag aayos at kayo naman dito. Kita na lang tayo mamaya sa simbahan. I love you!"

Ngumiti siya, "I love you too! See you later!" saad niya.

( Knock .. Knock .. Knock .. )

Lumapit ako sa pinto at ako na ang nagbukas 'non. Agad namang bumungad roon ang lolo ni George. Inilaki ko naman ang bukas ng pinto para makita niya si George na nasa likuran ko.

"Pasok po kayo lolo," anyaya ni George.

"Hindi na apo. Pinapunta lang ako ng daddy mo dito para sabihing parating na ang mag aayos sa atin kaya mag ready na kayo. Tumawag sila sa daddy niyo at on the way na raw. Nasaan si Cindy?" saad ng lolo ni George. May kakaibang tuwa naman akong naramdaman sa loob ko ng mabanggit niya ang "daddy niyo" para na talaga kaming iisa ni George at ang sarap sa pakiramdam 'non.

"Naliligo na po si mommy. Pagkatapos niya po ay ako naman." Tugon ni George.

"Oh s'ya lalabas na ko ulit." Saad ng lolo ni George at dumiretso na muli papalabas ng pinto.

"Sasabay na po ako." habol ko. "Kita na lang tayo mamaya ah. Mag ready ka na." paalam ko kay George.

Sabay na kaming lumabas ng lolo ni George sa kwarto. Inalalayan ko pa muna siya pagbaba sa mataas na hagdan ng bahay na 'yon. Pagkababa ay nakita ko na si Jed at Zie kausap ang daddy at lola ni George.

"Oh Ziepot, kanina pa kayo?" bungad ko at ngumisi. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Tsk! Hindi ko po maintindihan kung bakit nagustuhan niyo ang lalaking 'to para kay George." Sarkastikong sabi ni Zie sa daddy ni George.

"Hahahahahaha! Lahat ng lalaki ay may angking kapilyuhan kahit iyang mapapangasawa mo malamang ay ganyan din." Sambit ng lolo ni George.

Napakagat naman ako ng labi sa pagpipaigil ng tawa. Sinamaan naman ako lalo ng tingin ni Zie. Nagkwentuhan muna kaming sandali sa sala habang inaantay ang mga mag aayos sa'min. HIndi pa naman kami gaanong nag tatagal sa paghihintay ay dumating na ang mga mag aayos. Magkasabay na umakyat si Zie at lola ni George sa kwarto dahil doon sila aayusan. Habang ang iba pang abay na babae at lalaki ay sa guest room na aayusan. Si Tito Nick, si Jed, ako at si Lolo Ramon naman ay sa dating kwarto ni George aayusan.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon