Cindylane's POVMalapit na ang birthday ni George at inaaakaso na namin ng daddy niya ang surprise birthday celebration para sa kanya.
May kakaiba akong naramdaman simula noong magising si George mula sa tatlong araw na pagkakatulog. Nag iba ang aura sa mukha niya parang naging positive ang mga iyon. Kaya naman, I started to wonder. Ano kayang nangyari noong team building?
'ang batang lalaking yun ba ang dahilan kung bakit parang ibang George ang bumalik?
(( F l a s h b a c k ))
Calling Glauzie....
"Hello Glau?"
"Yes tita? May nangyari po ba kay George? Pabalik na din po ako ng ospital may inaayos lang po ako." Nag aalala niyang tanong.
"Nope, nothing happened to her. She's fine but still sleeping." Tugon ko naman.
"Bakit po kayo napatawag?"
"I want you to accompany me. I'm on my way there, so just be ready." Yun lang at ibinaba ko na ang linya.
Pagdating ko sa resto ay naghihintay na siya sa parking pa lang. Pinasakay ko naman siyang agad at nang makasakay na siya ay inutos ko na sa driver ko na umalis na.
"Where are we going tita?" Takang tanong niya.
"You're friends with Aaron Flores right?" I asked confidently.
"Yes po tita. How did you know?"
"I had my ways to know that information. Nabisita mo na ba siya sa ospital?"
"Yes po. I was there yesterday morning with my parents." Nakangiti naman siyang tumango bilang tugon.
"Gusto kong bisitahin si Aaron and to personally thank him for saving George's life. For sure kasi ako hindi nag pasalamat ang Tito Nick mo. I know him, masyadong mataas ang ego at pride ng isang yon at lalong di siya mag papasalamat sa lalaking na iinvolve kay George." natatawang sambit ko. "I heard from his uncle Frank na may fear of heights daw si Aaron. But then Nick told me na nung makita niya si George, Aaron is carrying her in his arms habang nag lalakad papalusong sa mataas na part ng bundok matarik daw ang parteng yon at bangin pa din ang gilid." Namangha ako nang malaman ko ang tungkol doon. Sa kwento pa lang na yon, alam ko nang merong special feelings si Aaron kay George.
(( End of flashback))
'At sa mga nakita kong reaksyon ni George kanina, I think the feeling is mutual.
(( Flashback ))
"Tita, dito po yung room ni Aaron." Saad ni Glauzie nang marating namin ang room 604.
"Mauna kang pumasok, then i'll follow." Saad ko naman.
Kumatok muna ng tatlo si Glauzie saka binuksan ang pinto ng kwarto at pumasok doon. Isang malaking private room kaya naman pag pasok mo ng pinto ay maglalakad ka pa ng ilang hakbang para makita ang kama ng pasyente.
Hindi muna ako naglakad papalapit at hinintay na makausap muna ni Glauzie si Aaron.
"Oh, Zie? Napadaan ka ulit? Talagang worried na worried ka sakin ah! Hindi tayo talo ah, tropa lang tayo!" Bati ni Aaron.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
Storie d'amoreIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...