Chapter 40

159 11 18
                                    


George's POV

Malamig ang buong paligid. Nararamdaman ko ang malambot na unan, kumot at pati na din ang malambot na kama na hinihigaan ko Kahit nakapikit ako ay para akong nasisilaw sa liwanag na nagmumula sa itaas.

Tulog man ako pero tila gising ang diwa ko. At mula sa isang pamilyar na amoy, alam ko na kung nasaan ako. Nasa ospital ako. Ligtas na ako. Salamat sa taong hindi ako pinabayaan.

"Wag ka mag alala George. Hindi ako titigil sa paglakad hanggang hindi ako nakakahingi ng tulong. Pangako ko, pag gising mo nasa ospital ka na, ligtas at wala nang nararamdamang sakit. Pakatatag ka lang at magpagaling ka. Dahil hindi ko pa nasasabi sayong mahal kita."

'panaginip ba yon? Pero parang totoo kong narinig yon mula sa kanya.

"Dahil hindi ko pa nasasabi sayong mahal kita."

"Dahil hindi ko pa nasasabi sayong mahal kita."

"Dahil hindi ko pa nasasabi sayong mahal kita."

Hindi mawala sa isip ko ang mga salitang yon. At nag paulit-ulit pa ito na tila parang kantang isang beses pa lang narinig pero dahil ang sarap pakinggan ay nag papaulit-ulit to sa isip at di malimutan.

Muli kong inalala ang mga ginawa niya noong nahihirapan ako sa sakit. Nakita ko kung gaano siya nag alala para sakin at kung paano niyang pinilit may magawa para pabutihin ang pakiramdam ko.

Noong mga oras na yon na kinuha niya ako at isinandal sa kanya, hinawakan ang kamay at niyakap. Pakiramdam ko ay ligtas ako. Pakiramdam ko ay walang mangyayaring masama sakin. Dahil sa mainit niyang yakap, I'm at peace.
At sa kauna-unahang pagkakataon nakatulog ako ng mapayapa at hindi nagising sa masamang panaginip.
Habang inaalala ko yon ay may kakaiba akong naramdaman sa puso ko. Uminit ang pakiramdam ko at parang may kung anong saya na hindi ko matukoy.

'ano to? Ano tong kakaibang pakiramdam na to?

'sandali??!! Ang dami niyang sugat at dumudugo pa din ang ulo niya! Nagamot na din kaya siya? At paano? Ang naalala ko ay pasampa lang ako sa kanyang likod. Pagkatapos non ay wala na akong naalala. Ano na kayang nangyari sa kanya?

Kahit nahihirapan ay pinilit kong imulat ang mga mata ko. Sa una ay nanlalabo pa ang paningin ko pero sa ilang pagkurap ay nagliwanag din ang paningin ko. Dahan-dahan ay iginala ko ang paningin ko at agad naman nakita ni Tita Cindy ang pag galaw ko.

"George! Sa wakas ay nagising ka na!" Masaya niyang bulalas na may nanliligid na luha sa mga mata. "Nick! Gising na si George."

"George, anak? Kamusta? May nasakit pa ba sayo?" Naluluhang tanong niya.

Sa gilid ko ay nakita ko naman si Glauzie na nakangiti. Ngiti na nakahinga na ng maluwag. Bago pa man ako makapag salita ay may kumatok sa pinto.

'si Aaron?

Pinilit kong maupo at inalalayan naman ako ni Tita Cindy at ni Dad. At nang makasandal na ako ay bumukas ang pinto. Ngunit hindi si Aaron ang pumasok sa pintong yon kundi si Mark. Nang makita niya akong gising ay kita ko kung paanong napuno ng tuwa ang ekspresyon niya.

'bakit ka manlulumo? Si Mark yan! Ang lalaking gusto mo. Nahihibang ka na Georgina!

"George! Salamat naman at gising ka na!" Bulalas ni Mark at agad na yumakap sakin. Nagulat man ako sa ginawa niya ay ngumiti pa din ako.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon