Chapter 115

131 13 20
                                    


Aaron's POV

"Wag mo na ko iiwan ng ganon, hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin. Pag aalis ka, isama mo na lang ako." Sabi niya at agad ko naman siyang niyakap. Tumatak ng husto sakin ang sinabi niya, naramdaman ko kung gaano s'ya nag aalala at nalungkot nang mawala ako.
Buong stay ko doon ay inaalala kong baka wala na akong balikan dahil kasama niya si Zack.

"Oo, pangako. Hindi na mauulit, dahil simula ngayon hinding-hindi ako aalis ng hindi ka kasama." Saad ko at ramdam ko ang paghigpit din ng yakap niya.

"You'll have a lot of catching up to do," saad niya at humiwalay siya sa yakap ko. "Dahil nawala ka ng almost two months kailangang mag trabaho ka ng doble ngayon," sambit niya na pinag taasan pa ako ng kilay.

Napasimangot naman akong agad sa kanyang sinabi,

"Trabaho agad? Hindi pa pwedeng ikaw lang muna asikasuhin ko?" Nakangisi pang sabi ko.

"Tsk!" Singhal niya. "Iiwan-iwan mo ako ng dalawang buwan, manigas ka dyan! Mag trabaho ka na!" Ma awtoridad na sabi niya at aastang aalis pero hinawakan ko agad siya sa kamay para mapigilan siya.

"Akala ko ba ay namiss mo ko?" Nakanguso kong tanong.

"Oo nga, at baka nakakalimutan mong masama pa rin ang loob ko sayo!" Sarkastikong sabi niya.

'tsk! Hanggang ngayon, ang lupit pa rin! Pero namiss ko yan! :)

"Kaya nga sorry na eh... hindi mo man lang ba ako hahayaang makabawi?" Malambing kong tanong at niyakap siya sa bewang.

Naiilang naman siya at hindi ako matingnan. Nasa ganoon kaming sitwasyon ng biglang magbago ang ekspresyon niya.

"Wait, I almost forgot!" Biglang sambit niya. "Nasaan si Zack?" Mukang nag aalalang tanong niya.

Bumagsak ang balikat ko. Dahil alam niyo yon! Naglalambing kaya ako tapos ibang lalaki ang iisipin niya! Tsk!

"Ang sabi niya ay bibili siya ng flight ticket pabalik ng Australia," tugon ko.

"W-What?!" Gulat na tanong niya na sobra ko namang ipinagtaka.

"Why?" Takang tanong ko.

"Tara! Puntahan natin siya! Hindi siya pwedeng umalis!" Bulalas niya at hinila akong agad. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nag kakaganito pero may kirot akong naramdaman sa puso ko.

Sumama naman ako kahit puno ng pagtataka ay nagmadali akong kumilos para samahan siya.

"Zie! Aalis lang kami ni Aaron, ikaw munang bahala dito. Babalik din kami agad." Saad ni George habang patuloy kaming dalawa sa paglakad paalis.

"Wait! Saan kayo pupunta??" Pasigaw na tanong ni Zie dahil papalayo na kami.

"Kay Zack!" Tugon ni George.

Nang makarating kami sa parking area,

"Kotse mo na gamitin natin," utos niya sakin at hindi na inantay na pagbuksan ko siya ng pinto ng kotse dahil nag paumuna na siyang sumakay.

Hindi ako makaimik, pinaandar ko ang sasakyan at mabilis na umalis doon sa parking area. Napatingin naman ako kay George at nakita kong nag didial na siya sa phone. Tiningnan ko ang ekspresyon niya at punong-puno siya ng pagkabahala.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon