Chapter 60

152 8 17
                                    


Aaron's POV

"There's another video. And this will be the last. Of course, we save the best for last! Sana kahit papaano mapasaya ka nito at makapagbalik ng isang masayang alaala." Saad ni Tita Cindy. Malapit kami sa dako niya kaya naman kita ko sa mga mata niya ang panliligid ng mga luha. Nag play ang huling video at lahat kami ay nagulat sa bumungad doon.

"Hi my baby!" Paunang bati ng mama ni George. Agad namang napatayo si George sa kanyang kinauupuan. Sa bati pa lamang na iyon ay hindi na niya napigilan pa ang mas lalong pagdaloy ng mga luha mula sa kanyang mga mata. "Abala ang daddy mo sa kakatrabaho kaya eto, nabobored na ako kaya ginaya ko na lang ang ginagawa niya kasi namimiss ko na agad siya. Hehehe." Nagpakita naman siya ng magandang ngiti matapos iyong sabihin. "Napanood ko din yung huling video niya at aaminin ko kinilig ako don! Secret lang natin yon ah!" Napalitan siya ng mapag larong mga ngiti at ipinatong ang kanyang hintuturo sa kanyang labi bilang senyas na iyon ay manatiling sikreto lamang. "Gusto ko lang ding sabihin na mahal na mahal kita at mahal na mahal ko din si Daddy mo. Hindi ko masabi sa kanya kasi natatakot ako. Saka ko na ipapaliwanag sayo yon ah! Sa ngayon, gusto kong humingi ng sorry sayo. At sa daddy mo na din. Ako yung dahilan kung bakit kayo nahihirapan. George, always appreciate your dad dahil nag tatrabaho siya ng tatlong mag kakaibang trabaho sa isang araw para lang maibigay lahat ng pangangailangan natin at makakapag pasaya satin. Hindi ko kaya yung ginagawa niya kasi bawal muna sakin ang stress. Nagpatingin ako sa doctor last week at ang sabi niya ay meron daw akong anxiety attacks. Metal health issue daw yon. Wag mo na sabihin sa daddy mo ah! Ayoko nang madagdagan pa ang intindihin niya. Pero wag ka mag alala hindi naman daw malala, iiwas lang daw muna ako sa stress at maoovercome ko din yon. Kaya nothing to worry, mama's gonna be fine. Alam mo bang sobrang saya ko na binayayaan ako ng Diyos ng anak na kagaya mo? Kasi napaka bait mo, matalino, masayahin at mapagmahal. At kahit bata ka pa lang naiintindihan mo na agad kami kapag hindi namin makayang ibigay sayo ang lahat. Lagi mong sinasabing okay lang at binibigyan mo kami ng magandang ngiti na sobrang nakakapawi ng hirap at pagod. Sorry anak ah, kundi dahil sakin marangya sana ang buhay na meron ka ngayon at hindi kailangang mag hirap ng daddy mo. Promise mo sakin na wag kang magbabago ah! Mag aaral kang mabuti, magiging matatag ka at madiskarte sa buhay. Gusto ko isang araw makita kitang successful sa profession na mapipili mo. Remember that you always make us proud! Hindi lang dahil matalino ka at magaling sa madaming bagay, mas nakakaproud padin na ang anak namin ay may mabuting puso para sa lahat. Bagay na bagay sayo ang araw nang kapanganakan mo. Ikaw ang aming goddess of love, beauty and happiness! Palagi kang maging matatag anak sa lahat ng haharapin mong hamon sa buhay dahil hindi habang buhay makakasama mo kami. Dadating ang time na mag isa mong haharapin ang lahat. Pero lagi kaming nandito at naka gabay. Lalo na ako! Kung dumating man ang araw na hindi na ako makita ng mga mata mo, gamitin mo lang ang pakiramdam mo nandyan pa din ako at naka gabay sayo. Kung meron man akong mga maling nagawa sayo, sorry anak ah! Minsan dala lang ng pagod at stress. But never doubt my love for you. I love you so much my baby! My sweet and loving Princess!" Mahabang mensahe ng mama ni George at natapos na ang video.

Tiningnan ko si George at patuloy ang pag tulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Marahan siyang naupo at nanatiling nakatingin sa screen. Bigla kong naalala lahat ng ikinuwento niya sa akin tungkol sa mga pinagdaanan niya sa kanyang mama. At alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon. Nag aalala din akong umiral ang cold personality niya at bigla siyang umalis pero hindi ganoon ang nangyari.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon