Ramon's POVNapakasaya ko ngayong araw na ito, sa wakas ay natanggap na muli ako ng aking apo. Tunay ngang may mabuti siyang puso at alam kong ang kabutihang kanyang taglay ay minana niya sa kanyang ina.
Hanggang ngayon ay hindi mawala sa aking pakiramdam ang pagsisisi, na kung sana lamang ay noong umpisa ay tinanggap ko sila, hindi sana aabot ang lahat sa ganito. Pinairal ko ang aking pride at hindi ang pagmamahal ko sa aking pamilya. Ngunit huli na ang lahat para ako'y mag sisi, lalo na't nalaman ko nitong nakaraang linggo lamang ang isang bagay na aking nagawa na kahit buhay ko pa ang ialay ko'y kulang para mapatawad ako ng aking apo.
( Flashback )
Nasa veranda kami ng mansion ni Lynda nang lumapit si Belinda at hainan kami ng kape at tinapay, pagkahain niya ay natigilan siya sa harap namin. "Sir, Madam, may gusto po sana akong sabihin sa inyo," paunang sabi nito. Taka naman kaming napatingin sa kanya. "Matagal ko na po itong gustong sabihin pero hindi ko po kasi alam noon kung makakabuti iyon kaya po para maitago ko ito ay inirequest ko po sa inyong maipadala ako rito sa Hacienda. Pero ngayong pong dumating kayo ay inuusig ako ng aking konsensya na hindi po ako dapat naglilihim sa inyo, lalo na po at tungkol iyon sa inyong apo." Paunang paliwanag niya.
"Ano iyon Belinda?" Agad na tanong ko. "Anong tungkol sa aking apo?" Muli kong tanong at napayuko siya.
Nakita ko pa ang paghinga muna niya ng malalim bago mag salita, "Natatandaan niyo pa ho ba sir noong huling pumunta ang apo niyo sa mansion?" Tanong nito.
Pilit kong inalala ang araw na iyon, kung hindi ako nag kakamali ay iyon 'yung araw na ipinataboy ko siya sa aking mga tauhan. Humihingi siya ng tulong sa'kin noon na isalba ko ang bahay na tanging naiwan na alaala sa kanya ng kanyang ina pero hindi ako umimik, pinatawag ko lang ang aking mga tauhan at sinabing palabasin siya ng aking mansion, pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko na siya at pumasok nang muli sa aking silid. Wala noon si Lynda dahil ipinadala ko siya sa ibang bansa para samahan si Nick pero ang totoo'y kaya ko siya pinaalis ay para walang kumontra at makaalam sa mga ginagawa ko sa mag ina, "Oo, natatandaan ko. Bakit? Ano pa bang nangyari noong araw na iyon?" Tanong ko. Ang loob ko'y binabalot ng matinding kaba at takot pero hindi ko iyon ipinahalata.
"Nahulog po siya sa hagdan noong araw na iyon." Saad niya at hindi ko na naitago pa ang pagkabigla. "Nag pumiglas po kasi siya nang hawakan ng inyong mga tauhan, kaya po nahulog siya sa hagdan. Pero hindi lang po iyon ang nangyari," dagdag pa nito at natahimik na tila maiiyak pa.
"Ano pang nangyari Belinda?!" Halos mapa sigaw ako sa tindi ng aking takot.
"Nang mahulog po siya at dinugo po siya kaya dinala po namin siya sa ospital," kwento niya na ikinagulat namin ng husto ni Lynda. "Sinamahan ko po siya sa ospital at sinagot ko din po ang lahat ng ginastos niya roon, gamit po ang perang ipinag katiwala niyo sakin para sa sweldo naming mga kasambahay niyo at tauhan. Napag kasunduan naman po namin iyon at itinulong po naming lahat sa kanya," Dagdag pa nitong kwento. "Buntis po noon ang inyong apo at nawala po ang baby niya sa pagkakahulog niya sa mansion," Saad nito. Para akong binagsakan ng langit at lupa nang marinig ko ang mga huling salitang iyon. Napayakap sakin si Lynda at napaiyak sa kanyang narinig.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...