Aaron's POV"Awww! Ang hapdi!" Mahinang palahaw ko nang mailublob ko ang katawan ko sa bathtub. Ang hapdi kasi ng mahabang hiwa sa tagiliran ko. Hindi naman siya malalim pero makirot pa din naman.
Nagbabad muna ako sa bathtub. Napapikit at inirelax ang aking katawan. Matagal-tagal narin noong huli akong magalit ng ganoong katindi. Nakakapang-hina!
Napapikit ako at huminga ng malalim. I'm at ease now! Dahil ngayon, alam ko na ang lahat. Pakiramdam ko din ay tuluyan ko na siyang nakuha mula sa nakaraan niya. May idea na naman ako habang hinahanap ko pa lang siya na baka nga may ibang lalaki ng nakagalaw sa kanya. Naisip kong baka iyong nag panggap na pari o kaya naman yung sa may gasolinahan na hindi niya lang ikinuwento ng buo. Pero hindi ko akalaing mas matindi pa pala sa naisip ko ang pinag daanan niya.
Wala akong maramdaman kundi matinding galit habang pinakikinggan ko ang mga kwento niya. Gusto kong mainis na sana noon palang ay dumating na ako sa buhay niya para hindi niya naranasan ang lahat ng iyon. Naiimagine ko kung paano siyang sapilitang pinahirapan na mas lalong nag papakulo sa dugo ko! Ang babaeng sobra kong inirerespeto at inaalagaan ay binaboy lang ng iba na parang basura at iyon ang hindi ko matanggap! Na kahit anong pagsisisi pa ang sabihin ng hayup na Jeff na yon ay hinding hindi mawawala ang galit ko.
Marahan kong sinabon ang sugat sa aking tagiliran at ang ilang gasgas sa aking braso. Habang ginagawa iyon ay muli kong naisip ang umiiyak na si George. Naiintindihan ko na kung bakit ang hirap kuhanin ng tiwala niya. Naiintindihan ko na kung bakit pag niyayakap ko siya ay may nararamdaman akong nginig sa katawan niya lalo na noong hinalikan ko siya. Trauma ang dahilan ng nginig na yon at hindi kaba. Everyday of her life is really a living hell. Experiencing all of that at her young age is torture!
Napangibit ako sa isiping napakadaming taong nanakit sa kanya; ang amo niya sa malaking bahay na pinaglalabahan niya, ang mga estudyanteng nambully sa kanya, ang lalaking minahal niya at maging ang sarili niyang ina. Wala siyang suutan! Wala siyang takas! Dahil saan man siya magpunta, masasaktan siya.
Bumaba ako sa bathtub at nag anlaw na sa shower. Ang dumadaloy na tubig mula sa aking ulo hanggang sa aking paa ay nagbibigay ng hinahon sa lahat ng aking emosyong nararamdaman. Matapos kong makuntento ay kinuha ko na ang towel at lumabas na ako para magbihis. Naka handa na ang damit sa kama kaya naman isinuot ko na iyon. T-shirt iyon na blue at jogging pants na gray. May kaluwagan ang t-shirt na iyon pero ayos lang dahil presko ito sa katawan. Ang jogging pants naman ay may tali kaya maaring pasikipan.
Nang makabihis ako ay iginala ko ang aking mata sa kabuuan ng kwarto ni George. Malinis, malaki at maaliwalas ang kwarto. Malaki ang kama at may study table din sa gilid parang sa kwarto ko. May sariling tv at sa baba ay may stereo at mga collections ng cd. May lamesang bilog sa gilid at may dalawang upuan. Sa ibabaw ng mesa ay may tatlong naka frame na picture. Ang isa ay noong baby pa siya. Napaka ganda at ang cute ng smile niya. Ang pangalawang frame ay family picture nila kasama ang mama niya; graduation niya noong elementary. Sa picture na ito sa tingin ko ay nagkakaroon na sila ng problema para kasing pilit ang ngiti niya sa litratong ito. At ang pangatlo, picture nila ni Tito Nick at tita Cindy; graduation niya noong college. Dito, blangko lang ang itsura niya. Walang ngiti o kahit anong emosyong makikita. Hindi ko maiwasang di malungkot dahil maging sa tatlong larawang ito, makikita kung paanong binago ng mga pangyayari ang isang batang may napaka gandang ngiti.
( Knock.. knock... ) Katok mula sa pinto.
Agad naman akong pumunta sa pinto at binuksan yon. Pagkabukas ay hindi ko inaasahang makikita si George sa labas noon. May dala siyang tray at nakalagay doon ang pagkain.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...