Chapter 82

144 10 24
                                    


Natalie's POV

"Oh?! Nat?! Saan ka ba galing?! Nag punta ako sa apartment mo, wala ka don!" Salubong na sermon na agad ng bestfriend ko pag pasok ko palang sa bahay nila. Simula pa noong highschool kami ay bestfriend ko na si Lian. Alam niya ang lahat ng mga nangyari sa buhay ko at kahit nagagalit siya sakin sa mga desisyon ko sa buhay ay nandyan pa din siya para sakin. Ang nag iisang taong hindi ako iniwan.

Bata pa lang ako ay maaga na akong nawalan ng mga magulang. Nabangga ng truck ang motor na sinasakyan nila, matindi ang pagkakabangga kaya dead on arrival na din noong madala sila sa ospital. Kaya simula noon ay sa lola ko na ako tumira at lumaki. Mahirap lang ang buhay namin. May mga araw na isang beses lang kaming kakain at kung minsan nga ay wala pa. Sakitin si lola pero nagsikap siyang mapagtapos pa din ako ng pag aaral. Nag tiis din naman ako sa mahirap naming pamumuhay. Nag sumikap ako sa pagaaral kahit hindi ako gaanong matalino. Pumapasok ako kahit na walang laman ang tyan at sira-sira ang mga gamit.

Nang mag high-school ay nagsimula akong rumaket. Nag model ako, nag pageant at nakukuhang show girl sa mga event dahil sa maganda kong mukha, kutis at katawan. Tiniis ko ang kaliwa't kanang pambabastos ng mga kalalakihan sakin para may makain at maipang bili ng gamot ni lola. Inalok din akong maging bayarang babae pero hinding-hindi ko iyon ginawa sa sarili ko. Hinding hindi ko gagawing ibenta ang dignidad ko dahil pang hahawakan ko yon pag dating ng panahon. Nag audition na lang ako sa mga commercials at extra sa mga teleserye. At dahil nga sa angking ganda ay agad din akong nakuha na s'yang kinapitan namin ni lola para bahagya kaming maka ahon.

Nang mag college ako, doon ko nakilala si Aaron. First day of school pa lang ay kami na ang nagkatabi sa unang subject. At doon nagsimula ang pagkakaibigan namin at kalaunan ay nadevelop kami sa isa't isa. Mabait si Aaron, mapagmahal at maalaga. At sa lahat ng lalaking naka alam ng buhay ko, siya lang ang kaisa-isang hindi ako hinusgahan at naniwala sa lahat ng mga kwento ko. Nagtiwalang makakaya kong mag tagumpay sa buhay. Tinanggap niya ako kahit ano pang nakaraan ko. Hindi gaya ng iba na hinusgahan na ako kahit hindi naman nila alam ang buong storya. Naging mahina na ang katawan ni lola nang mga panahon na iyong nasa kolehiyo ako pero buti na lamang at mayaman ang pamilya ni Aaron. Tinulungan nila ako sa mga gastusin ni lola ng dalhin siya sa ospital pero isang buwan bago ako maka graduate ng college ay kinuha na din siya ni Lord sakin. Si Aaron ang nasandalan ko at siya ang nagpalakas ng loob ko. Nang maka graduate ay nagsumikap ako. Natanggap ako agad bilang flight attendant at doon na nag simulang magbago ang buhay ko. Ipinangako ko sa sarili kong hindi na ulit ako makakaranas ng paghihirap. Pagagandahin ko ang buhay ko, whatever it takes!

Kaya naman doon ko na naisip na gaganda lang ng husto ang buhay ko pag nakapangasawa ako ng mayaman. Yung mayaman na hindi na mauubusan ng pera. Ayoko nang maghirap pa ulit. Na disappoint ako nang magtrabaho si Aaron sa company ng tito niya bilang manager lang at hindi may ari. Hindi siya nag hahangad ng paglago ng pera niya. Ayaw niya magpatayo ng business at kontento na siyang sumusweldo buwan-buwan at nakakaipon para sa bahay at sasakyan na gusto niya. Anong future ko don? Ano nang pagkukuhanan namin ng mga needs and wants namin kung ganon ang klase ng mentality niya? Gusto ko yung lalaking mayaman na pero gusto pang mas yumaman. Doon ako hindi mag hihirap. Yung mag fefeeling donya ako buong buhay ko. Lahat ng gusto o kahit hindi ko gusto kaya kong makuha.

At nang mag ibang bansa ako at mapa stay doon. Nakilala ko si Zack Flores. Pinsan ni Aaron na napaka successful na. Ang dami niyang business sa ibang bansa at ang lalaki ng bahay niya sa Australia, Canada at Italy. Sobrang yaman na niya at nasa high class na ang name niya sa Australia. Kaya naman, nang mag pahiwatig siya sakin ay hindi na ako nag dawalang isip na ipagpalit si Aaron kay Zack.

"Hinanap ko si Aaron." Tipid na tugon ko.

"Ha?! Si Aaron na naman?! Puro ka na lang Aaron! May mahal ng iba yung ex mo, pabayaan mo na siya!" Inis na tugon ni Lian.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon