Chapter 30

146 12 17
                                    


George's POV

'nakakahiya!!!!

Sigaw ko sa isip ko. Kasalukuyang nag memeryenda  ang lahat at magkatapat kami ni Aaron sa lamesa ng group namin. Sa tuwing titingin ako sa kanya ay naaalala ko ang nangyaring pagka tumba ko sa kanya kanina. Natuwa naman ako sa ginawa niya para masalo ako, nakaka tuwa din ang pagka maalalahanin niya pero nahihiya pa din ako lalo na't nang itaas ko ang ulo ko ay bumungad sakin ang mukha niya na hindi ko naman maitatanggi na kahit na pawis na pawis ay gwapo pa ding talaga.

Tsaka ano ba naman kasing dahilan at may pakindat-kindat pa siya. At yung mga ngiti at tingin niyang parang kumikinang sa ganda. Hindi ko maintindihan kung mabubugnot ba ako sa kanya o matutuwa.

Natapos ang meryenda at isang oras na pahinga ay ipinatawag na kami ni Ma'am Amanda sa movie hall. Doon niya gaganapin ang huling dalawang game na gagawin namin.

"Paper Dance ang sunod na game. And dito, dalawang team ang pwedeng manalo. Pumili kayo ngayon ng dalawang representative ng team. Isang lalaki at isang babae. At pag nakapili na, pag hahaluin ko kayo. Pwede niyo makapartner ang ibang team. Halimbawa, si Danica mula sa group 3 at si Josh mula sa group 2 ang nanalo. Ang dalawang team na yon ang bibigyan ko ng winning badge for this game. Mag usap na ang bawat group kung sino ang maglalaro at ang mapipili ay pumunta na agad dito sa unahan." Paliwanag ni Ma'am Amanda.

Nang sinabing pag hahaluin ay wala na talaga akong planong sumali. Pero walang ibang pwedeng mag represent na babae sa group namin. Mataba at matangkad kasi si Danica walang makakabuhat sa kanya. Kaya, mukang no choice na ako.

"Ako naman sir Aaron ang sasali." Sambit ni Leo.

"Bakla, mukang wala ka ng choice kundi ikaw ulit ang sasali. Wala naman makakabuhat kay Tabatina." Sabi naman ni Ria na tinutukoy si Danica na Tabatina.

"Tsk! Bully!" Anas ko kay Ria. At sumimangot naman ito at saka nag peace sign. "Sige na! Ako na!" Napipilitang tugon ko.

Okay lang naman sakin sumali sa ganito kung babae sana ang makaka pareha ko,si Ria dahil bakla naman siya o kaya naman si Aaron dahil panatag na ang loob ko sa kanya. Nakatitig naman sakin si Aaron na parang pinag aaralan ang bawat expression ko.

"Ako na ang sasali Leo. Sa susunod ka na lang." Ma awtoridad na sabi ni Aaron.

Pinapunta na ni Ma'am Amanda ang mga kasali sa gitna at habang naglalakad kami ni Aaron papunta sa gitna.

"Wag ka mag alala, nandito lang ako." Sambit nito.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti siya sakin. Hindi ko maintindihan kung bakit parang bahagyang naging kalmado ang takot na nararamdaman ko. Dahil lang sinabi niyang nandyan lang siya? Anong koneksyon? Kailan pa ako napakalma ng presensya ng iba? eh sanay akong mag isa at kaya ko laging mag isa. Lalo na lalake siya.

'ano tong epekto mo sakin Aaron? Na para bang hindi na lang ako naka depende sa sarili ko at dumidepende na din ako sayo.

Nang I announce ni Ma'am na pumili ng makakapareha ay gusto ko na sanang lumapit na agad kay Aaron pero bigla namang may dalawang lalakeng lumapit sakin at gusto akonf makapareha. Tiningnan ko naman si Aaron dahil pakiramdam ko ay gusto kong magpa sagip sa kanya. At nang mapatingin ako sa kanya ay doon ko nakita sa kauna unahang pag kakataon ang seryoso at parang nag babanta niyang tingin sa dalawang lalaking nasa harap ko.

"Iba ka bakla! Ang haba ng hair mo!" Tumitiling sigaw ni Ria.

"Okay, ganito na lang. Para patas sa lahat. Gagawa ako ng bunutan, isusulat ko ang name ng boys at bubunot ang girls. Ang mabubunot ng girls na name ay yon ang magiging partner nila." Suhestiyon ni Ma'am Amanda.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon