Zack's POV"Happy Birthday Sunget!" Bati ko kay George at inabot ko ang regalo na hindi tumitingin sa kanya.
Nang kinuha niya iyon sa kamay ko ay tiningnan ko siya. Akala ko ay sa regalo siya nakatingin pero mali ako dahil sa akin siya nakatingin.
Nagtama ang paningin namin at ngumiti siya, "Thank you Fresko!" Sambit niya at agad akong napaiwas ng tingin.
Sobrang ganda niya ngayon! At hindi lang maganda, napaka sexy niya sa suot niya. Kada mapapatingin ako sa kanya ay hindi ko na maialis ang tingin ko.
'napaka swerte ni Aaron sayo!
Matapos magbatian ay doon na ang nakaplanong pag bubuhay ni Zie at Ria ng ilaw. Nakatitig lang ako kay George at napapangiti ako sa magagandang ngiting ipinapakita niya simula noong dumating siya dito.
Hindi ko din akalaing ganito pala ang level ng pagiging romantic nitong pinsan ko. Malupit din!
Aaminin ko, swerte rin si George kay Aaron dahil sa lahat ng effort pa lang na'to, ramdam na ramdam ko kung gaano niya kamahal si George. Pagmamahal na sa tingin ko ay ni hindi ko matatapatan.
Sinamahan naming lahat si George sa couch. Pero siya lang ang naupo doon, panay naman ang picture ni Zie sa bawat pang yayari.
'sobrang supportive na mga kaibigan..
Mula sa tila stage na ginawa namin ay lumabas si Aaron sa likod noon. Dumiretso siya sa upuan, kinuha ang gitara at naupo.
Kahit nandito kami ay tila ang nakikita lang nilang dalawa ay ang isa't isa. Bagay na dahilan kung bakit ayaw ko ng umamin pa, dahil dito sa ganito pa lang ay ang sakit na sakin.
Pero pinag iisipan ko pa rin lalo na noong payuhan ako ni Ria.
"Hi mimi ko! Happy Birthday and Happy Valentine's day!" Bati ni Aaro kay George sa mic. "Wooohh! Kinakabahan ako!" Usal niya pa. Kay George ako tumingin at pinanood ang magagandang ngiti niya
"Ang ganda-ganda mo ngayon, mas maganda ka pa sa lugar na'to! Mas nadadagdagan tuloy ang kaba ko." Sabi ni Aaron.
'sobrang ganda!!
"Kung iniisip mong kakantahan kita, mali ka ng iniisip! Kakanta ako ngayon pero hindi para sayo.. masyado ka namang assuming non!" Pang aasar ni Aaron.
"Tsk! Ayusin mo yan! Dahil hindi madaling mag suot ng ganito ah!" Sigaw ni George patungkol pa suot niya. At saka siya ngumisi.
'yang mga ngising yan! Gustong-gusto ko yan!
"Hahaha! Ayan po, umiiral na naman ang pagka amazona niya!" Natatawang sabi ni Aaron at sinamaan naman siya ng tingin ni George. "Pero eto, seryoso na! Hindi talaga ikaw ang kakantahan ko ngayong gabi kaya ako mas kinakabahan.." napatingin ako kay Aaron. Mukha ngang seryoso siya. Wala naman kasing nakakaalam samin kung anong kakantahin niya basta ang sabi niya ay kakanta siya kaya lahat kami ay nagtaka sa sinasabi niya.
Sinimulan niyang istrum ang gitara at tugtugin ang intro ng kantang kakanatahin niya.
"Tito Nick, para sa inyo po ito," sambit niya at sabay-sabay kaming nagulat.
Hanggang sa simulan ni Aaron ang kanta...
Sir, I'm a bit nervous
'Bout being here today
Still not real sure what I'm going to say
So bare with me please
If I take up too much of your time
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...