Aaron's POVNakatulog na siya sa balikat ko habang nakaupo kami sa ilalim ng puno. Hindi ko maipaliwanag ang halo-halong pakiramdam ko ngayon. Nag aalala ako na baka lumala ang sprain sa paa ni George, nag aalala din ako na baka abutin pa kami ng gabi bago mahanap at siguradong nag aalala na din ng sobra ang mga magulang namin. But there are also some parts of me na natutuwa, dahil may solo kaming oras na mag kasama. Dahil alam kong sa mga oras na to, kahit sa mga oras lang na to. Nakakahigit ako sa lalakeng gusto niya.
(( Flashback ))
"You didn't fail on protecting me." Sabi niya na halatang medyo nag aalangan pa. "I can't imagine kung ano na nangyari sakin kung hindi mo yon ginawa. I might be dead by now." Dagdag niya pa at saka huminga ng malalim. "Puro tayo bangayan!" Natatawang sabi niya pa. Saka siya seryosong tumingin sakin. "Salamat! Thanks for always trying to protecting me and for doing whatever it takes just to save me! I'm glad, I'm glad that you're here with me." Saad niya na nakatingin sa mga mata ko at saka binigyan ako ng isang napakagandang ngiti.
((End of flashback))
'sobrang ganda ng mga ngiting yon. Napakagat pa ako sa labi ko dahil sa matinding pagbilis ng tibok ng puso ko matapos non. Nag init din ang mukha ko kaya naman nailang na akong tingnan pa siya.
'pota! Para na akong babae, kinikilig na din ako! Hahaha! Pero okay lang, masaya ako! Nag uumapaw ang sayang nararamdaman ko!
Habang para akong baliw na nakasakay sa mga ulap sa sobrang tuwa ay bigla na lang umungol si George na tila ba parang nahihirapan habang natutulog. Tiningnan ko siyang agad at nakitang pawis na pawis siya. Salubong ang kanyang mga kilay at namumutla sa kanyang itsura ay mukha siyang takot na takot.
"Tama na po.. Tama na.. ayoko na po.. pakiusap.. ayoko .." mahinang sabi niya, nag mamakaawa habang may tumutulong luha sa nakapikit niyang mga mata.
'alin ang tama na??
"George! George!" Tawag ko ngunit hindi siya magising.
"Tama na!!" Humahangos niyang sigaw at agad na napabalikwas.
"George?! Ayos ka lang? Alin ang tama na?" Agarang tanong ko, nag aalala. Natulala naman siya sakin at hindi agad naka tugon.
"A-Ah.. A-Ayos lang ako. Ang sama lang ng panaginip ko. Pasensya na kung nagulat kita malimit kasi talaga akong magkaroon ng masasamang panaginip." Dahilan niya pero nakita ko ang matinding takot sa mga mata niya.
'isa pa ba yan sa mga parte ng nakaraan mong pilit mong itinatago??
'anong nangyari sayo don? May gumawa ba ng masama sayo?
Sandali ko siyang tinitigan. Hindi naman niya malabanan ang mga tinging yon. Kinakabahan siya na baka magtanong pa ako. Iyon ang pakiramdam ko kaya naman hindi na ako nag tanong pa. Dahil alam kong wala akong makukuhang sagot sa kanya. Hindi ngayon. Irerespeto ko yon.
"Lagi kang magdasal bago matulog, malaking tulong yon." Saad ko at kita ko namang nakahinga siya ng maluwag.
Hindi naman siya kumibo at tumingala na lang sa mga sanga ng puno na tila parang sumasayaw ng dahil sa hangin. Tumingin din ako sa taas at saka nag bukas ng panibagong pwedeng mapag usapan para mailayo ko ang isip niya sa kung anomang napanaginipan niya.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...