George's POVAng sarap ng tulog ko! Ayoko pa sanang magmulat ng mga mata pero nakakaamoy ako ng mabangong niluluto sa kusina. At ang mahapding pakiramdam sa aking kamay.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko bakit ko siya tinabihan sa sala, habang suot ko pa ang bistidang pinaka kumportable para sakin. Pero hindi ko na din pinag sisisihan dahil ito na ata ang pinaka mapayapang tulog na naranasan ko. Hindi naman ako nag alala sa kanya dahil ito nga at nilagyan niya pa ako ng kumot. Tulog man ako, alam kong mananatili ang respeto niya sakin.
Marahan kong iminulat ang mga mata ko at wala na siya sa tabi ko. Tumingin ako sa kamay ko at nakabenda na iyon. At nang maupo ako ay gulat akong napatingin sa buong sala dahil puno iyon ng mga puting lobo. Sa mesa naman ay may nakapatong na isang bouquet ng white roses.
'para saan to?
Tumayo ako at nilapitan ang bulaklak. Sumalampak ng upo sa sahig habang napapalibutan ng mga puting lobo. Nakakarelax tingnan ang sala, tila nag silbing ulap ang mga lobo at para akong nasa langit. Kinuha ko naman ang bulaklak at inamoy iyon.
( Click )
Agad akong napatingala sa tunog na iyon ng flash ng camera. At nandoon si Aaron at kinuhanan ako ng litrato.
"Sorry." Nakangiting paumanhin niya. "Ang ganda kasi ng view eh!" Nakangiting dagdag niya pa habang tinititigan ako. "Kamusta tulog mo?" Tanong niya at saka naupo din sa sahig sa tapat ko. Napapagitnaan kami ng mesa pero malapit pa din naman kami sa isa't isa dahil maliit lang ang mesang nasa sala.
"Masarap at mahaba ang tulog ko. Salamat sayo!" Nakangiting tugon ko. "Para saan naman itong paandar mong to?" Tanong ko.
"2nd birthday celebration mo!" Nakangiting tugon niya habang nakatitig lang sakin na s'ya namang ikinailang ko kaya nag iwas ako ng tingin. "I just want to make this day a special day for you. Tayong dalawa lang para walang mang gugulo, walang maninira." Dagdag niya pa.
"Thank you!" Naitugon ko na lang. Tumayo siya at pumunta sa kusina. Pag balik niya ay dala niya ang isang mangkok at isang subway na sandwich.
"Eto, mag breakfast ka na muna. Higupin mo na tong sabaw habang mainit pa. Iwas hangover yan!" Panunukso niya. "Ginamot ko yung sugat mo sa kamay kanina. Mabuti at hindi malalim ang sugat."
"Nga pala, pasensya ka na dun sa kagabi." Nahihiyang sambit ko.
"Ha? Ano bang nangyari kagabi? Wala naman akong natatandaan." Saad niya at saka kumindat sakin at ngumiti. Napangiti na lang din naman ako. Alam kong gusto niyang iparating sakin na kalimutan na namin kung ano man ang nangyari.
"Kain ka na din! Sabay na tayo!" Saad ko.
"Sige. Kunin ko lang yung sakin." Tugon niya at muli siyang tumayo para kunin ang pagkain niya sa kusina. Pag kabalik niya ay sabay na kaming kumain.
Habang nakain ay nagkukwentuhan kami pero may parte sakin na nahihiya sa kanya dahil naiilang ako sa suot ko na alam kong hindi appropriate dahil may kasama akong lalaki.
"Gusto mo pa ba?" Tanong niya habang nakatingin sa mangkok ko na wala ng lamang soup.
"Hindi na! Busog na ko. Salamat." Tugon ko.
"Akina, ilalagay ko na sa lababo. Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin ah! Mag pahinga ka lang dyan." Saad niya at saka ngumiti. Tila meron pa siyang hinanda para sakin. "Pero bago ko ligpitan to, meron akong ibibigay sayo. Ito yung birthday gift ko na hindi ko naibigay noong mismong birthday mo kasi ngayon ko lang talaga naisip to. Sana magustuhan mo!" Nakangiting dagdag niya pa.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...