---- 5 years later ----George's POV
"Bakit naman sa dinami-dami ng pwedeng pasyalang amusement parks ay dito mo hiniling na pumunta?" Tanong ni Aaron. Kakapark lang ng kotse namin sa parking area ng Mind Museum sa Taguig.
"Eh dito niya gusto eh," tugon ko.
"Wait, gisingin ko lang.." sabi ko pa pero hinawakan niya ako sa braso para pigilan ako."Ang peaceful niyang matulog, para siyang anghel." Usal niya habang nakatitig.
Napangiti naman ako sa sinabi niya, "Aiden, baby?" Tawag ko.
"Hmm.." ungot niya na nagkusot-kusot pa ng singkitin niyang mga mata. Na kamukha ng sa daddy niya.
"We're here at the mind museum," malambing na sabi ko.
Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at kumurap-kurap.
"Hi mommy! Hi daddy!" Bati niya gamit ang cute ang malambing niyang tinig.
Nakakatunaw ng puso. Ang sarap sa pakiramdam.
His name is Aiden Gabriel Flores. Turning 3 years old, ang pogi at cute naming anak. Nagmula sa initials namin ni Aaron ang initials ng name niya.
Pero hindi lang yon. Gabriel din ang ibinigay naming name dahil iyon din ang second name ni Tito Frank.
Frank Gabriel Flores.
Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa din kami ng lungkot dahil wala na siya. Na kung siguro ay naabutan niya lang si Aiden ay siguradong napakasaya niya.
December ng taong din na ikinasal kami ni Aaron ay tuluyan na siyang kinuha samin. Masakit kahit na tinanggap na naman naming sa ganoon na rin siya hahantong.
Ipinangalan namin sa anak namin ang second name niya. To always remember him, na he will always be a part of our family and he will always be in our hearts.
"Nandito na tayo nak, are you excited?" Tanong ni Aaron.
"Yes daddy!! I'm excited to see the planet!" Masayang bulalas niya na panay pa ang taas ng kamay.
1 year old pa lang si Aiden ay kinakitaan ang pagkahilig niya sa mga planets. Madali din siyang natuto sa pag sasalita, alam na niyang agad ang letters from A-Z, colors, shapes, animals and it's sound and can count numbers from 1-10.
And at 2 years old ay saulo na niyang ang 7 planets and ang tawag sa mga dinosaurs na biniling toy sa kanya ni Lolo dad niya.
"Let's go!" Masayang usal ko at bumaba na ng sasakyan.
Binuksan naman ni Aaron ang pinto sa likod at dinala si Aiden.
Pagkababa nilang mag ama ay nilock na ni Aaron ang sasakyan at saka kami nag tungo papasok sa entrance.
Bumili kami agad kami ng ticket at masayang pumasok sa loob.
Hindi mahilig magpadala si Aiden, mas gusto niyang maglakad at mag explore habang hawak ang magkabilang kamay namin ni Aaron.
Habang nag iikot ay kitang-kita ang saya at pagkamangha sa mukha niya. Hindi malaman kung saan niya isisilid ang kaligayahang nag uumapaw sa puso niya.
Nag-ikot at inenjoy namin ang buong sandaling naroon kami.
Aliw na aliw kaming panoorin ang iba't ibang reaksyon sa mukha ni Aiden.Pag namamangha siya, pag umaabot hanggang tenga ang mga ngiti niya, pag tumatawa siya na halos mas lumiit pa ang mga mata niya, pag seryoso siya, pag nagugulat at lalo na yung kapag ngumi-ngisi siya.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...