Chapter 54

120 10 23
                                    


Glauzie's POV

The day of our sleepover has finally come! Sobrang excited na akong matulog kila George. Lalo na at makakasama din namin ang syempre naman! Ang prinsipe ko! Waaaaahh!! Kinikilig ako ng medyo slight! Nagtatatalon lang naman ako sa kama ngayong umaga. Hahaha!
Pero hindi lang ako doon excited. Excited din ako sa magiging progress ng isang torpe at isang indenial.

'Aaron at George! Humanda kayo sa mga pakulo namin ni Ria ngayon! Hahahaha!

( Flashback )

"Hello Ria? 5 am kita susunduin bukas ah. Be sure na ready ka na pag dating ko." Maawtoridad na sabi ko ng sagutin niya ang tawag ko.

"Okay sis! Prepared ka na ba sa mga games para bukas?" Tanong niya.

"Oo naman! And I need your help para mas mapush natin ang dalawang manhid na yon!"

"Ay gusto ko iyan! Bet na bet! Hahahaha! Sana naman maamin na nila ang feelings nila for each other! Masyado namang kasing manhid ang sister natin!"

"Hindi nila magagawa yan pag hindi natin sila binigyan ng mga sitwasyon para marealize nila ang feelings nila. We'll be their pushers!"

"Ay ateng! Wag ganyan! Masama yan! Ayokong matokhang!" Maarteng bulalas ni Ria.

"Shunga! Hindi droga! Magiging pushers tayo ng dalawa. Taga tulak para mapalapit sila lalo sa isa't isa."

"Ahh.. linawin mo naman kasi! Hahaha!"

"Baliw ka! Syempre sa games para bukas. Di mawawala ang napaka old school na pero effective pa din every now and then."

"Anetch?"

"Truth or dare ofcourse! Samahan pa natin ng inuman. Hahaha! Ewan ko na lang."

"Hahahaha! Maganda yan! Naku.. dami ko nang naiisip na itatanong ko at ipapadare ko. Bwhahaahhaa! Bwahahahaha!" Mala evil laugh na tawa ni Ria.

"Yan! Ganyan nga partner! Bwahaha!"

"Partners in crime!"

(End of flashback)

'pasensya ka na Aaron alam kong sinabihan mo ako na wag na makealam at wag pangunahan ang lahat pero may alam akong hindi mo alam. At iyon ay ang feelings ni George. Ramdam ko may nararamdaman din siya para sayo at gusto kong iparealize yon sa kanya.

'at isa pa... Ayoko sa Mark na yon dahil sa nakita ko nang araw na yon.

(Flashback)

"Mom, I think this dress suits you well." Nakangiting saad ko kay mommy habang natingin kami sa department store ng dress na isusuot niya sa aattendan niyang college reunion ball.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon