Haidie's POVHi! It's my first time here! And I'm so excited to share my POV to you guys! Enjoy!
Kinabukasan ay maaga kaming lahat na pumasok sa opisina. Pag dating ni Sir Aaron ay pinapunta na kaming lahat agad sa conference room para pag meetingan ang lahat ng gagawin. Inannounce niya samin na hanggang saturday ang pasok at kailangang mag double time sa lahat ng gawain.
Noon ko lang narealize na next week na pala ang last week ng February. Ibig sabihin, next week na ang punta namin sa Cebu. Nakaka-kaba na nakaka-excite dahil ito ang first time kong mapasama sa project sa labas na malayo at stay-in. Pero super happy naman ako dahil kasama ko si Ria na close na kaibigan ko na. At si Ma'am George at Sir Aaron na pag nasa labas ng trabaho ay mga kaibigan ko din.
At sobrang motivated akong maging maganda ang presentation at program na gagawin sa grand opening. At syempre looking forward din sa magaganap na pag amin ni sir Aaron kay mam George.
"Peter, Ria, Haidie and Maxine. Makakasama namin kayo ni George gumawa dito sa conference room sa buong natitirang araw. Bago ang alis natin. So, inaasahan ko ang 100% niyo. Okay ba yon?" si sir Aaron na tila ganadong-ganado ngayong araw na to. May nangyari ba kahapon?
"May problema po sir." Nag aalalang sambit ni Peter.
"Bakit?" Agad na tanong ni sir Aaron.
"Naka due date po si misis next week. Hindi po ako pwedeng wala sa tabi niya pag nanganak siya sir." Paumanhin niya na hindi makatingin kay sir.
"Oh?!" Tila nadismayang tugon ni sir.
"Sorry po." Malungkot na tugon ni Peter.
"No. It's okay! Naiintindihan ko. Mas importante naman yan syempre. Priority first." Tugon ni sir Aaron at umaliwalas naman ang mukha ni Peter.
"Naku! Thank you po sir! Tutulong po ako ngayon hanggang sa saturday sa abot ng makakaya ko!" Bulalas ni Peter. Pagkatapos sabihin iyon ni Peter ay nag taas naman ng kamay si Maxine.
"Sir, hindi din po ako makakasama." Sambit ni Maxine na ikinagulat naman namin lahat.
"Ikaw din? Bakit?" Agarang tanong ni Ria. Napatingin naman ako kay Ma'am George at parang wala lang sa kanya dahil patuloy siya sa pag gamit ng phone. Nagtetext ba siya?
"Mag mi-migrate na po kami sa Canada at next week na po ang alis namin. Pinag papasa na po ako ng papa ko ng resignation letter." Malungkot na tugon nito. "Sorry sir. Hindi ko po kayo gustong biguin. Napakabait niyo pong boss at sa totoo lang po, sobra akong nalulungkot na aalis na ako. Masaya po ako dito pero wala po akong magagawa pag parents ko na po ang nag decide. Sorry po!" Naiiyak na nitong paumanhin.
"Hay.." napabuntong hininga muna si sir bago nag salita. "Wala tayong magagawa kung aalis ka na. Pero pwede ba akong mag request na tulungan mo muna kami kahit hanggang friday lang. I need your creativity and your artistic skills." Pakikiusap ni sir.
"Opo sir! Kahit po hanggang saturday, tutulong po ako. Thank you po! And sorry po talaga." Muling paumanhin ni Maxine.
"Ahm, Maxine, Peter. Punta muna kayo sa table niyo, mag usap muna kami ah. Papatawag na lang namin kayo." Saad ni Ma'am George.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...