Chapter 17

198 41 36
                                    

Aaron's POV

"Congratulations Mr. Flores! Napaka ganda ng presentation na ipinakita mo sa amin. Masaya akong maging bahagi nang inyong kumpanya." Masayang bati sakin ni Mr. Torres. Isa sa mga bigaten na gustong makuha ni Tito Frank para maging stock holder.

"Thank you Sir! It will be an horor working with you Mr. Torres!" Masayang tugon ko.

Naging successful ang pakikipag meet ko kay Mr. Torres. Salamat sa magaling kong Assistant Manager!

Mabilis natapos ang dalawang araw at gabi na noong makauwi ako sa bahay. Kasalukuyang kumakain ang pamilya ko nang dumating ako.

"Dad! Mom!" Masayang bati ko sa mga ito. At saka nag mano at nag beso sa kanila.

"Son!" Masayang tugon agad ni Dad. "Mukhang masaya ka ah! How's your meeting with Mr. Torres?" Nakangiti pa nitong tanong.

"It's official Dad! Mr. Torres is now part of the company! Nakuha ko siya! Ang pinaka mahirap kumbinsihin at ang pinaka pinag aagawan na business man nang mga kumpanya. Nakuha ko siya Dad!" Masayang kwento ko.

"Wow! That's awesome! Anak nga talaga kita!" Tumatawang sabi ni Dad.

"Congrats honey! Oh kain ka na din!" Masayang bati ni Mom.

"How about you monster? Aren't you going to congratulate your handsome brother?" Pag mamayabang ko kay Ellaine.

"Hindi na bago sakin yan. I know you can convince that big time business man. What I'm curious about is the source of that smile?" Turo niya pa sakin gamit ang tinidor na hawak niya.

"What smile?" Takang tanong ko.

"I know you to well brother! And I know the difference of being happy and being inspired. So you can't fool me. There's something more behind those smile." Sabi niya pa na seryosong nakatitig sakin.

"Hahaha! You're starting to imagine things again! I told you to sleep early kaya ayan kung ano-ano na namang nakikita mo. Are you sleep talking right now?" Pang aasar ko at ginulo gulo pa ang buhok niya.

"Tsk! Excuses!" Giit niya. "Mom, Dad, tapos na po ako kumain. Akyat na po ako sa taas may mga gagawin pa po kasi akong assignments." Baling niya kila Mom and Dad.

"Sure baby! You finish it early at wag na mag pupuyat. Okay?" Tugon ni Mom. Tumango naman ito bilang tugon at kumiss muna kila Dad at Mom.

"At ikaw kuya!" Muling baling niya sakin. "Bago ka magka gusto sa kahit kaninong babae, make sure na makikilala ko muna!" Mariing sabi nito at saka umakyat papunta sa kwarto niya.

'tsk! Hindi ko maintindihan kung sino ba talaga ang nanay ko! Mas nagger pa kasi siya!

"Mom, Dad, akyat na din po ako. Papahinga na po ako." Sabi ko matapos kumain.

"We would like to meet your inspiration too!" Nakangiting sabi ni Dad. Nakangiti namang nakatingin din sakin si mommy. Animo'y nag hihintay sila ng pag amin kong meron nga.

"Dad! Mom! Pati ba naman kayo?! Wala naman kakaiba sa ngiti ko eh! Wala akong inspirasyon!" Inis na sabi ko at saka nakasimangot na umalis.

'ano ba kasing pinag sasasabi nila?!

Pagdating sa kwarto ay nahiga na ako agad. Napatitig sa kisame at biglang napangiti nang maisip ko ang tatlong araw na nakasama ko siya. Tatlong araw bago ako umalis papuntang Rizal para imeet si Mr. Torres.

(Flashback)

"Pinatawag niyo daw po ako Sir?" Tanong ni George pag pasok sa opisina ko.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon