Aaron's POVNaging maayos ang unang gabi namin ni George na magkasama. Masaya din ako nang malamang may mga bagay akong nalaman sa kanya na tanging ako lang ang naka alam. Malamang ang tinutukoy niya doon ay noong maaksidente siya.
Lumipas ang ikalawa at ikatlong araw namin dito sa mindoro na pakiramdam ko ay mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Mas lalo ko din tuloy siyang nakilala kaya naman pakiramdam ko ay mas lalo din akong nahuhulog sa kanya.
( Flashback story )
Sa ikalawang araw namin ay nag wall climbing kami, matapos non ay nag mud run. Sa lahat ng babae na nandoon, siya lang ang walang kaarte arteng gumawa ng mga bagay na yon. Mula sa isang mayaman at upperclass na pamilya, paanong ang isang kagaya niya ay kumikilos ng parang ordinaryo lang? Hindi siya nagpapakitang tao, dahil ramdam mong yun ang totoong siya. Matapos ang mud run ay nagsi-ligo na ang lahat at saka naglaro na lang ng mga simpleng indoor games. Maagang natapos ang mga palaro kaya maaga din kaming nakapag pahinga ng araw na yon.
Sa ikatlong araw ay naghanda kami para pumunta sa mga liblib na eskwelahan sa Mindoro para sa feeding program at pamimigay ng mga gamit pang eskwela. Kada magkakaroon kami ng team building ay hindi nawawala ang mga ganoong community service. Busy ang lahat sa pag aasikaso nang araw na iyon pero kahit abala ay hindi nawawala sa isip kong sulyapan pa din si George sa mga ginagawa niya. Ang matapang niyang dating ay biglang naging maamo pero hindi ko maintindihan kung bakit simula nang dumating kami sa mga eskwelahan ay tahimik lang siya. Noong una ay seryoso at blangko lang ang mukha niya pero nang nag lalapitan na sa amin ang mga bata ay nakangiti siyang may lungkot sa mga mata. Hindi, hindi lang lungkot ang nakita kong yon, may halong sakit. May luhang nanliligid.
Nang matapos ang nakakapagod na araw na iyon pero hindi ko pa din nakuhang kausapin si George. Nanatili siyang seryoso hanggang sa makabalik sa resort. Susubukan ko sana siyang kausapin bago matulog pero pagkapasok sa tent ay nahiga na siyang agad at tumalikod sakin.
'galit ba siya sakin?
'may nagawa ba akong mali?
( End of Flashback story )
T H U R S D A Y
Nagmulat ako ng mga mata at tiningnan ang oras sa cellphone ko.
"Ahh.. 4 : 30 am pa lang! Sa mga ganitong pagkakataon na hindi naman kailangan magising ng maaga gusto ko isumpa ang body clock!" Mahinang sabi ko sa sarili ko at saka bumangon.
Gustuhin ko mang matulog pa ay hindi ko na magawa. Nasanay na ako sa ganitong gising simula pa lang noong highschool kaya naman kahit walang pasok o kahit pa puyat ako ay kusa na akong nagigising ng ganitong oras.
'kailan ko kaya maeexperience ang masarap at mahabang tulog?!
Nilingon ko si George na kasalukuyan paring mahimbing na natutulog. Nakaharap siya sa side ko kaya naman kitang kita ko siya. Napaka peaceful ng mukha niya habang natutulog at ang sarap titigan.
'pwede s'yang goddess of beauty. Kaya lang, sa kilos parang amazona!
"Hindi narin masama magising ng maaga kung matititigan naman kita ng ganito ng hindi mo nakikita." Bulong ko sa sarili ko. "Sasarap lang siguro ang tulog ko pag natulog ako at magising na yakap kita." Dagdag ko pa.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinaplos ang mukha niya. Mamula-mula ang makinis niyang mukha, may matangos na ilong, mahabang pilikmata at mamula-mulang manipis na labi na sa tingin pa lang ay parang napaka lambot non.
'hanggang kailan ko kaya kayang itago sayo ang nararamdaman ko?
'kung palagi tayong magkakasama ng ganito.....
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...