George's POV'bakit ba ako ganito? Pag dating kay Aaron parang lahat na lang ng naiisip at nararamdaman ko nasasabi ko.
Kasalukuyan akong tulala habang nag shoshower. Sumasagi sa isip ko ang mga sinasabi niya at mga inasta niya simula pa lang nang magkasama kami papunta dito sa lugar na ito. Napaka maalaga niya, may sense kausap, masarap kabiruan. At inaamin ko din namang talaga kakaiba ang dating at kgwapuhan niya. Hindi pang ordinaryo, pang artistahin. Kaya naman talagang pinag isipan ko siyang bakla dahil nga ang tagal na niyang walang girlfriend.
"Kung sakali bang ako naman yung mahulog? Sasaluhin mo din ba ako?"
Nag init ang buong mukha ko at bigla na lang kumabog ng husto ang dibdib ko, nang muli kong maalala ang sinabing yon ni Aaron na tila nandito lang siya at sinasabi ulit sakin iyon.
'ano bang ibig niyang sabihin don?! Sana mali yung iniisip ko.
'oo! Mali talaga yung iniisip ko. Imposibleng mangyari yon may gusto nga siyang iba eh.
'bakit ko ba siya iniisip?? Ano bang nangyayari sakin?!
Pagkatapos ko mag shower ay nagtuyo na ako ng katawan at saka kinuha ang paperbag na dala ko kung saan ko inilagay ang damit na isusuot ko.
"Ano ba namang damit to?! Bakit ba ganitong damit ang pinili kong isuot?! Kung kailan naman may kasama akong lalake sa iisang tent!! Ang dami ko namang usual na sinusuot kong damit yung malalaki, bakit ito?!" Inis na sabi ko sa sarili ko habang hawak ang mga damit ko.
'lampas balikat na pala agad ang buhok ko. Ngayon ko lang napansin. Kaya pala sobra na yung pagka buhaghag.
Isinuot ko ang damit na dala ko at tiningnan ang kabuuan ko sa whole body na salamin ng Cr na iyon. At saka ko ibinoknay ang buhok ko. Nag ladlad pa ako ng ilang hibla ng buhok sa may gilid ng mukha ko. Pagka toothbrush ko ay nag mouthwash pa ko at sunod na kinuha ang makeup kit ko at saka nag lagay ng lipgloss. Tinanggal ko din ang suot kong salamin dahil matutulog na. Muli kong tiningnan ang sarili ko at saka inayos-ayos ang suot ko.
"Sandali nga!!! Nagpapaganda ba ko?!! Takte! Ano ba tong kaartehang to!!"
Itinigil ko ang ginagawang pag aayos at saka inimis na lahat ng mga gamit ko at inilagay lahat sa paper bag. Pero bago pa man ako tuluyang lumabas ay tiningnan kong muli ang sarili ko sa salamin.
'hindi ako nagpapaganda! Nananalamin lang ako!! Wag nga kayo dyan!
Pagkalabas ko ng Cr ay dumiretso na akong agad sa tent namin. Hindi naman iyon kalayuan sa Cr ng girls. Pero nang makita kong nasa labas si Aaron ay biglang may umusbong na kaba sa loob ko at parang gusto ko ng tumakbo pabalik sa cr at mag palit.
'ano na Georgina!! Bakit natigilan ka nakita mo lang siya?!!
Aatras na sana ako paalis nang marinig ko ang nakakatuleg sa sobrang tinis na boses ng baklang si Ria.
"Sir A! Saan si Georgy? Tutulog na ba kayo? 7 pa lang kasi hindi pa ko makatulog, ayoko naman don sa tent wala akong makausap." Saad ni Ria.
"Bakit? Wala ka bang kasama sa tent?" Mula sa likod nila ay siyang tanong ko.
Sabay silang lumingon sakin at parehas silang gulat ang mga itsura. Gusto kong lumubog sa hiya dahil alam kong dahil sa suot ko at itsura kaya sila napatulala sakin. Pero hindi ako nagpahalata ng kahit anomang hiya o kaba. Hiya kay Ria pero bakit kaba yung kay Aaron? Diba dapat eh hiya lang din?
'Dahil siguro lalaki siya, normal lang to! Technically speaking, lalaki din naman si Ria ah!
"Wow! Ang refreshing ng look mo ngayon bakla! May natatago ka palang angking extreme na ganda at kasexyhan. Mas bagay sayo yan, hindi yung nakabuhaghag at nakaladlas sa mukha mo yang buhok mong mala buntot ng kabayo! Mas bagay din sayo yang fit na damit kesa dun sa mga sinusuot mong malalaking damit na parang gusto mong maging girl version ni Andrew E! At mas nakaganda pa sayo lalo ng hindi mo na isuot yung malaki mong salamin na halos mapagkamalan na kitang reyna ng mga tutubi!" Tuloy-tuloy na saad ni Ria na iniispeksyon pa ang kabuuan ko.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
Roman d'amourIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...