Chapter 8

183 55 28
                                    


Cindylane's POV

"Isa lang ang masasabi ko." Sabi niya at tumitig ng seryoso kay Nick. "Ang lalakeng yon ay walang pinag kaiba sayo!" Walang emosyong dagdag niya. Ang seryosong titig niya ay naging masama at saka pahigit na hinila ang braso niya sa kanyang ama.

Simula nang dumating siya ay nakita ko na sa kanyang kilos ang matinding lungkot. Nang magtama ang paningin namin ay nakita ko ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang mga mata. At nang mag salita siya ay nakita ko kung paanong napalitan ng matinding puot ang sakit at lungkot na yon.

'bakit kailangang masaktan na naman siya?.

Hindi ako nakakaramdam ng awa para sa kanya. Kahit kailan ay hindi ko yon naramdaman dahil alam kong matatag siya at ano man ang pag daanan niya ay makakaya niyang lampasan pero sa tuwing mararamdaman ko ang matinding sakit sa likod ng matindi niyang galit samin ng daddy niya ay para akong pinupunit. Nararamdaman ko din ang sakit.

Alam ko naman na kahit na anong gawin ko ay hinding hindi na niya ko matatanggap at mapapatawad. Tanggap ko ng ako ang pinaka kinamumuhian niya dahil wala siyang ibang sinisisi sa pagkawala ng mama niya kundi ako. Pero alam ko din na kahit ganyan siya, somewhere deep within her I know she's a really kind person. Kaya wala akong ibang hiling kundi ang tunay na kaligayahan para sa kanya.

'ibinigay na nga pero bakit naman binawi ding agad?

Lalo akong nanlumo sa isiping iyon. Simula kasi ng magkasama-sama kami sa iisang bahay ay ni minsan hindi ko nakitang ngumiti man lang o tumawa si George. Pero simula ng dumating ang lalakeng yon ay biglang nagbago ang George na nakilala ko.
Hindi man siya direktang ngumingiti ramdam ko ang sigla sa kanyang bawat kilos. At alam kong wala ng ibang dahilan noon kundi si Mark.

'pero anong ginawa mo kay George, Mark?

Wala na akong pag asang magka anak pa dahil sa problema ko sa matres. Kaya naman ang pagmamahal ko kay George ay pagmamahal na kayang ibigay ng ina sa anak. Hindi man ako ang nag dala sa kanya ng siyam na buwan, hindi man ako ang nagluwal sa kanya sa mundo pero mahal ko ang anak si George na parang akin.

"Wag lang papakita sakin ang Mark na yon! Akala ko pa man din ay okay siya, nagkamali ako." Naiinis na sibi ni Nick ng maka akyat si George sa taas.

"Hindi natin alam kung ano talaga ang nangyari kaya hindi naman tama kung sisisihin natin agad si Mark." Panghihinahon ko sa kanya.

"Narinig mo naman ang sinabi ni Georgina! Parang doon pa lang ay sinasabi na niyang may iba ang lalakeng yon!"

"Naiintindihan ko kung nagagalit ka. Pero hindi makakabuti para sa sitwasyon na maging ganyan ka. Baka lalo lang mainis si George satin. Sa twing maaalala niya to, ay siyang pag alala din niya sa nagawa natin."

"Yun pa ang isang kinaiinis ko. Wala kong ibang gusto kundi ang maging masaya siya. Pero ano na naman ngayon to? Kung siya ang pinag dudusa sa mga kasalanan na ginawa ko noon, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko." Yun lang at bigla na siyang umakyat papunta sa kwarto namin.

Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Nag aalala ko ng husto pero wala akong magawa dahil alam kong ayaw ni George ng makakausap. Lalo na't ako yon. Dumiretso muna ko sa kusina pero talagang hindi ako mapakali sa pag aalala.

'wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko siyang kausapin.

Nag timpla ko ng isang basong gatas. At gumawa ng dalawang sandwich. Saka ako umakyat at nagtungo sa kwarto niya. Nag alangan pa kong kumatok pero dahil eto na to. Itutuloy ko na.

"George, dinalhan kita ng gatas at sandwich." Sabi ko sa may pinto matapos kong kumatok. "Papasok na ko ah." Paalam ko ng wala akong marinig na sagot.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon