Chapter 110 Part 2

136 9 17
                                    


George's POV

"I don't know if I am really angry or I just envy him." Sambit niya. Napatingin naman ako sa kanya at seryoso siya. Sa tingin ko ay nag oopen na siya at totoo siya ngayon sa sasabihin niya. "My father; Tito Richard and Tito Frank's elder brother, my mother and my twin younger brothers; who was 2 years old that time died on a plane crash. Nasa school ako noon at hindi pwedeng mag absent dahil exam namin kaya naiwan ako. Nasa Grade 4 pa lang ako noong mga time na yon, sobrang focus ako sa pag aaral dahil nag pupustahan kami lagi ni Aaron na kung sinong hindi mag top one sa klase, iyon ang manlilibre. Lagi siyang nasa top at ako, second lang kaya sobrang pursigido akong mahigitan siya kaya kahit papunta sila non sa Palawan ay pumayag akong maiwan pero sa huli, natalo pa rin ako ni Aaron. At noong malaman ko yung balitang wala na ang pamilya ko, nag sisi ako. Sana pala, sumama na lang ako." Seryosong kwento niya. May kung anong kirot akong naramdaman. Parang ako siya, nawalan ng magulang. Ang sakin nga lang, mama ko lang ang hindi ko na makikita pero yung sa kanya, buong pamilya niya. "After ng burol at libing ng parents ko at mga kapatid, kinupkop na ako ng mga magulang ni Aaron. Naging mabait sila sakin at wala akong masasabi sa pag aalaga nila, ni hindi ko naramdamang hindi ako parte ng pamilya. Maging si Aaron at si Ellaine ay parang kapatid ako kung ituring. Pero sa pagtagal ko kasama sila, mas lalo kong nararamdaman ang kawalan ko. Na kahit ano pang iparamdam nila, hindi pa din sila ang mga magulang at kapatid ko." Kwento niya pa. "At doon ko din nakita ang kaibahan, supportive ang mga magulang ni Aaron, open sila sa lahat ng bagay, masarap magluto si tita at cool na daddy naman si tito. Pero yung sakin, mas malimit ko pang kasama ang mga katulong sa bahay kesa sa kanila at never ko pang naramdaman na alagaan ako ni mama o ang ipagluto niya. Doon na ata ako nag simulang mainggit," dagdag niya at bahagyang tumingin sakin. "Gusto kong maging akin ang lahat ng mayroon si Aaron. Kaya naman, I started to get his parents sympathy. I started making up stories sa tuwing magtatalo kami ni Aaron, pinasasama ko siya at sinisiguro kong hindi niya na ako maiisahan na hindi na niya ako matatalo pa ulit. And all my hard work pays off! Nagtagumpay ako, naka top ako and I get into Aaron's head. Hindi na siya makaapela sakin at hindi siya makalaban sakin. But what I hate the most about him? Kahit na anong gawin ko sa kanya hindi siya nagagalit. I destroyed his favorite toy and he just cried and after that, niyaya pa rin niya akong maglaro. Anoman ang gawin ko, hindi siya nagsusumbong kahit pa paulit-ulit siyang mapagalitan. Hindi ko maintindihan kung bakit? Kaya inisip ko na lang na kinaaawaan niya ako kaya mas lalong lumaki ang galit ko sa kanya." Dagdag niya pa. "He acted like he is like an older brother to me kahit pa mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya. He always protects me pag napapaaway ako sa school. As we grew older my hatred grows, sa tuwing titingnan ko siya na palaging hinahangaan at nirerespeto ng lahat. Tapos noong highschool, siya padin ang nagustuhan ng unang babaeng nagustuhan ko. I felt how my life turned out to be the most unfair life here on earth. Even if I started to gain everything he has, in the end I still feel empty. Kaya ang sikap ako at nang mag college na ay nag request ako kay Tito Frank na pag aralin ako abroad at doon na nagsimula yung lahat ng achievements ko at doon na ko nakuntento at pinlanong hindi na muling babalik dito. Kasi alam ko namang awa lang ang ibinibigay nila at hindi yon pagmamahal." Naramdaman ko ang inis sa mga huling salitang binitawan niya. "But then, nakilala ko si Natalie. At nung malaman kong girlfriend siya ni Aaron nagsimula na namang magulo ang tahimik kong mundo. Bumalik ulit ang hatred ko kaya sinadya ko talagang agawin sa kanya si Natalie na hindi naman ako nahirapang gawin dahil pinakitaan ko lang siya ng yaman at pag aari ko sa states ay hindi na siya nag atubiling makipag hiwalay kay Aaron at noong malaman ko kung gaano siya nadurog ay may kung anong tuwang sumiklab sakin. Ang sarap sa pakiramdam na siya naman yung nagdudusa, dahil siya naman ang naiwan." Sabi niya. "You may think that I am the most bad person you've ever known, but somehow that thought was practically right." Dagdag niya at nanahimik.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon