George's POVPagkauwi ko sa bahay ay naligo ako agad. Puro putik kasi ako at puro grasa dahil sa pag aayos ko ng sasakyan ni Fresko.
Bakit Fresko? Puno kasi ng hangin ang ulo ng lalaking yin. Sa totoo lang sayang siya, gwapo naman siyang talaga. Mas matangkad din siya kay Aaron at mas maskulado ang katawan. Pero sobrang bagsak sa character! May pagkakahawig sila ni Aaron pati na pag kilos at boses ay parang iisa. Lalo ko tuloy siyang namimiss at kahit tuloy gustuhin kong mainis sa Fresko na yon ay hindi ko magawa dahil naalala ko si Aaron at isa pa, mag pinsan parin sila.
May parte sakin na gusto ko din talaga silang mag kaayos. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay gustong gusto ni Fresko na saktan si Aaron. Parang may mabigat na dahilan eh. Kaya alam na alam kong mga style niya sakin ng mga nakaraang araw. Iniisip niya sigurong magawa ulit yung kagaya ng kay Natalie na napaka imposibleng magawa niya sakin.
Gusto kong mapalapit sa Fresko na yon at malaman ang ugat ng problema. Kagaya ng sinabi sakin ni Tito Frank. At dahil na rin sa pakikiusap niya sakin.
Flashback..
"George, alam kong napakadami mo ng inaasikaso pero may nais sana akong ipakiusap sayo." Saad na agad ni Sie Frank pag kaupo ko sa upuan sa harap ng table niya.
"Ano po yon?" Takang tanong ko.
"Tungkol ito kay Zack, para sa kanya ibang klase kang babae at hindi normal sa paniniwala niya sa mga babae. Walang kaibigan ang batang 'yon at kahit minsan ay hindi naging totoo sa sarili. Baka sakaling may magawa ka para makapasok sa buhay niya at malaman ang ugat ng problema nila ni Aaron at kung bakit siya nagbago samin na parang laging puno siya ng inis. Mabait na bata si Zack, hindi siya ganyan. Habang malakas pa ako, gusto ko sanang makitang magkasundo ulit silang dalawa." Malungkot na sabi niya. Huminga siya ng malalim at nanliligid ang luha. "George, may liver cancer ako." Pagtatapat niya na sobra kong ikinabigla. "Ikaw pa lang ang pinag sasabihan ko nito, ang sabi ng doctor ay dahil na din ito sa kapabayaan ko at sa lakas ko sa bisyo at pag iinom. Stage 3 na at hindi na ako umaasang gagaling pa ako. Kaya sana habang nakakagalaw pa ako makasama ko ulit silang dalawang mag bakasyon." Hiling niya. Nanligid ang mga luha ko, nanlalaki ang lalamunan sa pag pipigil na tuluyang maiyak.
"Sige po. Susubukan ko po," tugon ko.
End of flashback...
Muli ko na namang naalala ang hiling na 'yon ni tito. Nanligid ang mga luha ko habang naiisip kung ano na lang ang mararamdaman ni Aaron pag nalaman niya ang tungkol don? Kinabahan din ako dahil tila iyon na ang kanyang huling hiling at ayokong biguin yon.
Limang araw na lang at pasko na. 2 weeks ng wala si Aaron at sa lalong paglipas ng mga araw na wala siya ay mas lalo akong nanghihina lalo pa't simula nang umalis siya hanggang sa ngayon ay hindi pa ako nakakareceive ng text, tawag o chat man lang sa kanya. Pero alam kong may dahilan siya kung bakit, kaya naman mag hihintay ako at patuloy siyang iintindihin. Buo ang tiwala ko sa kanya at alam ko na, kung gaano ko siya naaalala ay ganoon din siya.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...