George's POVKasalukuyan akong nakatulala at mag isa sa kwarto ng hospital. Nakahiga lang ako at nakatingin sa puting-puting kisame. Wala pa si Dad at Tita Cindy habang si Glauzie naman ay inihahatid si Jed at....
"Masaya ako sa lahat ng sinabi mo sakin ngayon. Pero sa lahat ng yon, pinaka naging masaya ako ng malaman kong di mo pa siya sinasagot."
"Masaya ako sa lahat ng sinabi mo sakin ngayon. Pero sa lahat ng yon, pinaka naging masaya ako ng malaman kong di mo pa siya sinasagot."
Nagpaulit-ulit sa pandinig ko, hindi mawala sa isip ko at ramdam na ramdam ko sa puso ko ang huling sinabing yon ni Aaron. Paano ko iinterpret yon? May pinapahiwatig ba siya sakin?
Napahawak ako sa puso ko dahil ang kabog noon ay tila hindi na kumalma pa simula noong dumating siya at ngayong wala na siya dito, pakiramdam ko ang presensya niya ay nananatili pa ding nakaukit sa alaala ko. Bigla ko tuloy naalala ang mga pinag usapan namin ni Ria noong bago pa dumating sila Aaron.
(Flashback)
"Hindi mo ba namimiss si Sir A?" Tanong ni Ria. Gulat naman akong napatingin sa kanya.
"Bakit ko naman mamimiss yon?" Pagalit na tanong ko.
"Aba'y syempre, ilang araw kaya yon! Mag kasama pa kayong natutulog sa iisang tent." Saad ni Ria na kinikilig kilig pa.
Bigla ko namang naalala ang mga nangyari noong team building. Ang pag aalaga niya sakin, pag aalala, pag damay, pag papayo, pagliligtas pati nadin yung mga oras na pinapatawa niya ako. Sa iilang araw ay ang dami na agad naming napag daanan at tila nakaukit sa isip ko ang mga alaalang kasama ko siya. Nakaukit dahil hindi ko iyon makalimutan na parang laging kahapon lang nangyari ang lahat.
"Ano namang koneksyon non?" Maangas na tanong ko. Hindi pinahalata ang tunay kong naramdaman sa kanyang tanong.
"Mas naging malapit kayo for sure at mas tumibay yung bond ng frienship." Tugon ni Ria.
"Ayos lang naman. Natuwa naman din ako at napaka gentleman talaga ng taong yon, mabait at maalaga. Pero wala naman akong kailangang mamiss. Siya nga din oh, mukang wala lang din sa kanya. Ni hindi nga ako dinadalaw!" hindi ko na naitago pa ang inis ng muli kong maisip na hindi man lang siya nag abalang puntahan ako.
"Ay ang bitter mo bakla! Wag ka na mag tampo, baka busy lang yung si Sir! Hehehe!" Natutuwang tugon ni Ria.
"Busy niya mukha niya! Wag siyang papakita sakin dito." mayabang ko pang tugon.
"Eh si yung isang pogi? Ano bang klaseng espesyal siya sa buhay mo? I mean anong stage na nung pagka special niya?" Seryosong tanong ni Ria.
"Si Mark?" Tanong ko at tumango naman siya. "Special siya. Special na siya na talaga yung gusto kong makasama buong buhay ko. Mahal ko siya noon pa, pero late ko na noong narealize at ngayon nagkita kami ulit. Ayoko nang palampasin yung pagkakataon." Seryosong tugon ko.
"Eh bakit hindi mo pa sagutin? Bakit hindi mo pa jowa?" Tanong pa niya.
"Dahil hindi pa ko sigurado." Tipid kong tugon.
"Gulo mo bakla! Sabi mo mahal mo at gusto mo makasama buong buhay, hindi ka pa sigurado non? Over sa kashungahan na yan!" Panlalait niya.
"Sira! Syempre ako sigurado naman na sasagutin ko na nga dapat siya kanina kaya lang bigla kang umeksena! Panira ka ng moment!" Sigaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
Roman d'amourIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...