Aaron's POV
Mabilis na natapos ang buwan ng February at March. Pagkagaling Paris ay muli kaming bumalik sa mga kanya-kanya naming trabaho. Busy man ay hindi kami nawawalan ng oras ni George na magkasama.
Masaya ako dahil mas nakikita ko ngayon ang saya sa mukha niya. Maganda lagi ang mga ngiti niya at sa totoo lang, mas natutuwa din ako dahil mas nagiging sweet siya sakin at nababawasan narin ang pagkailang niya sa tuwing magiging intimate ako sa kanya kapag natutulog ako sa condo niya.
Napag usapan naming sa April na mag asikaso ng para sa kasal namin para hindi na siya gaanong busy dahil makakabalik na ng buwan na yon ang daddy niya sa trabaho.
At dahil nga ngayon ay ang unang araw ng April ay excited akong gumising ng maaga para sunduin siya sa condo niya at sabay kaming pumasok sa opisina.
"Mom, aalis na po ako." Paalam ko.
"This early nak?" Nahikab pang tanong ni mom na tumingin pa sa oras. 4am pa lang kasi.
"Yes mom," nakangiting tugon ko. "May usapan po kasi kami ni George na sabay mag breakfast." Dagdag ko pa.
"Okay son, take care!" Sabi niya at bumeso sakin.
Dumiretso na akong agad sa kotse ko, sumakay at pinaandar yon agad saka umalis.
Hindi naman nagtagal ang drive ko dahil nakarating akong agad sa condo ni George.
Pagbaba ko ng kotse ay dumiretso na akong agad sa unit niya. Hindi ko na siya kinailangang katukin dahil inihingi na niya ako ng sarili kong key card.
Marahan kong binuksan ang pinto pero ang akala kong madilim na condo ay liwanag ang naging bungad sakin.
"Hi! Morning!" Sobrang gandang ngiting salubong ni George sakin.
"M-Morning!" Usal ko. "Bakit gising ka na agad? Ang akala ko ay darating akong tulog ka pa."
"Naligo akong maaga tapos pinagluto kita ng breakfast," malambing na sabi niya. Ito ang isang bagay na natuklasan kong bago sa kanya, na sobrang gustong-gusto ko. Para siyang bata kung maglambing, napaka sweet at maasikaso.
Lumapit ako at niyakap agad siya. "Thank you, malaman ko lang na pinagluto mo ko, busog na agad ako!" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.
Ngumiti siya at ipinatong sa balikat ko ang kamay niya. Ako namay nakahawak sa bewang niya. "pero mas mabubusog ka kapag kinain mo yung niluto ko, gutom ka na ba?"
"Hindi pa, pero sayo ako mas natatakam!" Malokong sabi ko pero imbis na hampasin ako ay nauna na niya akong hinalikan.
Mabagal niya akong hinalikan sa labi, kahit mabagal ay para akong unti-unting nanghihina sa sarap noon. Damang dama ko ang pagmamahal niya na para akong nilalamon ng buo.
Hanggang sa tumigil siya, "Tara, sa kwarto na tayo." Anyaya ko.
Tumawa siya ng mahina. Hindi ako naisulto o naasar dahil sa pandinig ko'y ang sexy ng tawang yon.
"Mamaya na," sabi niya. "Nagugutom na ko, kain muna tayo." Saad niya.
Niyakag ko naman siyang agad sa kitchen. Pinaupo siya sa upuan sa harap ng dining table at pinag hain ng plato, baso, kutsara at tinidor, at inilagay ko na din sa mesang ang niluto njya.
"Ayokong ayoko na nabanggitin mo sakin ang salitang yan," seryosong sabi ko.
"Ang alin?"
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomansaIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...